Chapter 28 | Cold Treatment

130 7 1
                                    

"Haaaaaayyy. Ang lambing nya kausap" sabi ni Ford nung pag-upo nya sa upuan. What on earth naman kasi na sya pa katabi ko sa seat plan namin. Bwisit.

"Tapos yung sabi nya na "ang cute mo" Hahahaha. Ang awkward pero kinikilig talaga ko"

Nakatingin lang ako sa kanya. Poker face. Sobrang emotionless ko na lang. May nangingilid na luha sa mata ko pero ayoko namang sirain yung kasiyahan na yun ni Ford.

Yung mga mata nya. Sobrang ganda na pati yun napapangiti sa kasiyahan nya ngayon. Nakikita ko yung mga sparks na yun at yung mga ngiti nyang abot tenga dahil lang sa labis at umaapaw na saya nya sa paguusap nila ni Bettina.

One frustrating reality.

Hindi ko man lang makita yung ganung spark sa mata ni Ford o yung mga ngiti nya kapag ako yung kasama nya. What to expect nga naman, diba? Sino ka ba, self? Maganda ka ba?

Sinuot ko ulet yung salamin ko para at least hindi mahalata na naiiyak ako at pinagpatuloy na lang yung kemeng pagre-review.

"Huy. Nakikinig ka ba, putcha. Para naman akong sira dito ee" sabi ni Ford sakin. Ang sarap ding sikmuraan nito ee. Hindi pa ba halata na nasasaktan ako? Sabagay, manhid nga pala.

"Sira. Nakikinig ako. Masaya ko para sayo" sagot ko na lang. Oo, masaya yung gusto ko pang magpa-party like that. Party kasi sobrang martyr ko. Awarding ceremony daw. Nominated at nanalong most maschochista award.

"Ano ba yang binabasa mo?" Tanong nya at inagaw sakin yung libro.

"Journalism? Bakit may ganyan, may assignment ba tayong ganyan?" Tanong nya ulet. Oh, ano naman at nagka-interest sya sa pag-gawa ng assignments?

"Ha? Hindi, ano ka ba. May press conference kasi kong sasalihan. Next week. Nagrereview na ko para handa na kaming lumaban. Diba?" Sagot ko.

At least magandang diversion na din yung pagre-review at pagtra-training ko for the campus journalism competition para maiwasan muna kahit sandali si Ford.

Tumayo ako sandali at lumipat ng upuan. Aba, ang Ford talagang ayaw akong paalisin.

"San ka pupunta?" Tanong nya.

"Kay Karlo lang. May itatanong lang ako" sagot ko.

Si Karlo yung escort ng room namin. Friends din naman kami at kasali din sya sa press conference bilang photojourn namin.

Actually, echos ko lang naman na may itatanong ako sa kanya. Tumabi lang ako sa kanya para naman kahit papano makalayo ako kay Ford. Bwisit na yan. Ayoko munang marinig ang mga kwento nya tungkol kay Bettina, please lang. Ayokong ma-stress.

Pagkatapos ng klase namin. Sumama naman ako kayla Chester at Angge sa pag-uwe at hindi na muna pinansin si Ford kahit na alam kong maghihintay sya sakin at isasabay ako pauwe. Well, as of now. Kailangan ko na syang iwasan to save myself from further damage. Alam ko kasi na mas lalo lang akong masasaktan kapag nakikita at nakakausap ko pa sya.

"So ano naman ang drama, bakit naman may pagiwas?" Tanong ni Angge

"May pa cold treatment si Mayora"  pang-aasar ni Chester

"Akala ko ba hindi ko pansin na sobrang tamlay ng pakikitungo mo kay Ford kanina? Lumayo ka pa sa kanya at hindi mo na sya binalikan, hoy girl. Kung nakita mo lang yung lungkot nya habang tinitignan ka nya habang kausap si Karlo" sabi nya. Weh, nalungkot daw? Wag nga ako.

"Saka bakit ba suot mo na naman yang salamin na yan? Diba ang sabi ko, itapon mo na yan?" Panenermon nya.

"Wag nga bakla. Susuot ko na ulet tong salamin na to. Wala namang epekto ee. Hindi naman ako magugustuhan ni Ford isuot ko man o hindi to ee" sagot ko

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon