"Goodmorning, Ma" bati ko pag-gising ko. Naabutan ko pa nga si mama na nagluluto ng almusal sa kusina. Maaga kasi kong bumangon dahil ngayon yung mismong contest namin sa school.
"Goodluck, Ces. Oh, eto. Pinaghanda kita ng baon mo" sabi ni Mama at naka-ready na yung dalawang tupperwear na may pagkain (kanin at ulam)
"Thanks, Ma" sagot ko at humalik sa pisngi nya.
Nag-ayos na din ako at naligo. Maaga kasi yung call time sa school dahil ba-byahe pa kami papunta sa mismong venue.
Nung paalis na ko. Naririnig ko pa sa labas yung boses nung nanay ni Ford. I mean, hindi sya nagse-sermon or what na que aga-aga. Basta, aligaga lang din sya sa pagpre-prepare kayla Ford at sa mga kapatid nya.
"Goodluck Ford! Magiingat ka aa!" Narinig kong sabi nya nung pagdaan ko mismo sa harap ng bahay nila at nung medyo nakalagpas na ko ng konti...
"Cesssss!" Tawag nito at hinabol ako.
Kunwari hindi ko sya pinansin at dere-derecho lang yung lakad ko kaya nung naabutan nya ko. Ayun, inakbayan pa ko. Medyo ramdam ko pa nga yung buhok nya sa kili-kili kasi naka-jersey lang sya.
"Pota. Ang hot" sabi ng malanding inner self ko.
Kung paano ko naiinlove kay Nato tuwing nakikita ko yung official jersey ng mga varsity sa school, ganun-ganun din yung nafe-feel ko seeing Ford wearing it. Grabe. Natutunaw puso ko.
"Goodluck mamaya aa" sabi ko
"Sayo din" sagot nya at nakangiti pero naka-akbay pa din sya sakin.
Nasa terminal kami ng jeep at naghihintayan na lang na mapuno. Habang naghihintay kami ng ibang pasahero, sakto naman na pumasok ang isang lalaking naka jersey din, si Nato.
"Huy" bati ni Ford
"Oh?" Gulat na sabi ni Nato at nag-fist bump sila ni Ford. Hindi na ko magtataka, may bromance na bang namamagitan sa kanila? Siguro kaya ayaw mong umamin sakin Ford no? Kasi lalaki din pala gusto mo. Charot lang.
Keep it cool, Ces.
Jusko naman kasi. Dalawang naka-jersey na lalaki ang nasa gilid at harapan ko. Parehas ko pa silang crush.
"Goodluck mamaya, Ces" sabi ni Nato
"Salamat" nakangiting sagot ko.
"Kung may time, nuod ka ng game namin aa" pahabol nya.
"Paano sya makakanuod? Eh nasa contest din sya nun?" pangbabara ni Ford
"Kung may time lang naman sya, saka iisang school lang naman ang pagdadausan ng game at nung contest nila ee" sagot ni Nato na kinagulat ni Ford.
"Seryoso?" Hindi makapaniwala ang Ferdinand
"Oo, ngayon mo lang ba nalaman? Hindi nya ba nasabi sayo?" Sagot naman ni Nato at ako pa ang diniin.
Napailing na lang ako. Kunwari inosente ko at hindi ko alam ang pinagsasabi nila. Nakatingin sakin si Ford, nakatingin din sakin si Nato. Jusko. Para kong kriminal at ako ang pumatay. Bakit naman kasi ganyan sila makatingin?
At nung nakababa naman kami ng jeep. Pinagtitinginan din kami, or should I say ako lang dahil naglalakad kami papasok sa school na magkakasama.
Imagine.
Ako yung nasa gitna. Tapos silang dalawa yung nasa gilid ko. I mean, dalawang gwapo at matipunong (wow) lalaki ang nage-escort sakin na parang PSG at nags-slow mo ang oras (lagyan nadin ng thrilling background music) habang naglalakad kami tapos...
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
أدب الهواةThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?