Chapter 25 | Operation: Ligaw

123 9 0
                                    

"Eto, seryoso na talaga to. Maglalakas loob na talaga kong kausapin si Bettina" sabi ni Ford nung pauwe na kami.

"Naks. Goodluck. Kaya mo yan" pag-cheer ko

"Bwisit ka. Mabusted ka sana" sabi ng inner self ko. Ang sama diba? Ang selfish.

"Basta, tulungan mo ko aa?"

Napatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang sya sakin at hinihintay yung magiging sagot ko

"Okay, okay. Maliit na bagay" sagot ko

Wtf self. Gusto kong sabunutan at sampalin ang sarili ko sa totoo lang. Nagpapakabayani ka na naman Ces.

"Maliit na bagay my ass" para kong kinakausap ng konsensya ko at may imaginary na sumasampal sakin sa realidad.

"Yown!" Tuwang-tuwang sabi nya. Ayoko namang sirain yung kasiyahan nya na yun kaya pinabayaan ko na lang. Sige, magpakasaya ka lang dyan, Ford. Okay lang ako. Okay lang talaga ko

"Libre kita, san mo gusto kumain?" Tanong nya

"Hindi na, sa bahay na lang ako kakain" sagot ko na lang. I dont want to decline his treat, pero wala na kasi ko sa mood kumain. Saka kahit sabihin pa natin na libre nya pa yan, eventually kasi alam ko. Si Bettina na ang ilillibre nya sa mga darating na araw.

"Asus, andami mong kyaw-kyaw" pang-aasar nya habang inaabot sakin yung helmet.

Sumakay na ko sa motor nya at bigla nyang pinaandar to. Mabuti na lang napayakap ako sa kanya kaya hindi ako nahulog.

"Luko ka! Muntik na ko dun!" Sabi ko at pinapalo yung likod nya

"Sorry na. Hahahaha" sabi nya at pina-andar na yung motor.

"Kumapit ka aa" sabi ni Ford kaya nakahawak ako dun sa bewang part nya.

I know its sounds awkward and creepy though pero dinidikit ko yung mukha ko sa likod nya at parang gusto kong maiyak na hindi ko malaman. Eto na siguro yung huling beses na mayayakap or magiging close ako sa kanya ng ganito. Parang gusto ko ng samantalahin tong moment na to.

Siguro sa loob-loob ni Ford iniisip nya na chinachancingan ko na naman sya. Walangjo. Bahala na nga. Basta enjoy ko na lang muna tong ganitong pagkakataon.

"Nagugutom na talaga ko. Kain muna tayo sandali" sabi nya at huminto kami sa Jollibee.

Hawak nya yung balikat ko habang papasok kami. Medyo awkward nga lang kasi para kaming mag-jowa talaga ni Ford. Nakakaconscious

"Good afternoon, mam. Sir. Welcome to Jollibee" bati samin nung staff.

"Pabili nun, saka nun. Tapos pa-upsize na yung drinks. For two yun lang" si Ford lang yung umorder. Wala naman akong sinabi ni idamay nya ko pero pangdalawang tao talaga yung binili nya.

"Table 15 na lang po" sabi nung staff since hindi pa ata available yung manok at niluluto pa. Willing to wait naman daw

Eh ako kaya, willing to wait din ba ko sayo Ford? Mahihintay ko din kaya ang araw na magkakagusto ka din sakin? What the hell. Spare it.

"Tahimik mo, gutom ka na no?" Pang-aasar sakin ni Ford

"Luko. Kakakain lang namin ni Nato ee" sagot ko. Totoo naman, medyo busog pa ko since eat-all-you can yung kinainan namin. Medyo umikot lang talaga yung sikmura ko nung sumakay kami sa Ferris wheel at nagsuka talaga ko.

"Kwento ka naman. Ano, kamusta yung date nyo ni Nato?" Tanong nya. Wow, kailan pa sya nagkainteres sa mga ganitong bagay?

"Date ka dyan? Parang sira" may pagirap na sagot ko.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon