Chapter 48 | Christmas Ball part 1

117 4 0
                                    

"Okay na ba to, Ma?" Tanong ko kay Mama paglabas ko ng kwarto at naka-suot na yung cocktail dress na binili ko few weeks ago para nga sa Christmas ball namin.

"Ayan, hindi ka nga nagkamali. Bagay na bagay sayo" sagot naman ni mother dear at inaayos ng konti yung suot ko.

Simple lang naman yung suot ko. Violet lang , or purple ata to na may touch ng mga abu-bot na silver beads or something. Hindi na ko nagbalak pang mag-long gown since ayoko namang magprepare ng bongga sa nasabing ball.

Paalis na din ako ng narinig ko na kumakatok na sa pinto si Ford.

"Ayan na si bayaw" pang-aasar ni Kuya

"Bayaw your face" masungit na sabi ko bago nya buksan yung pinto. Medyo napatahimik ako nung nakita ko na sya.

I mean, kunwari nag-slow mo yung oras tapos may bright lights and usok-usok effect nung bumukas yung pinto at nagliliwanag si Ford sa kagwapuhan nito.

Napatulala pa ko habang tinitignan sya sa suit na suot nya. Bagay na bagay, fit sa kanya tapos bumagay din sa kanya yung bagong gupit nya.

"Ces" tawag nya pero sa isip ko nagsasayaw na agad kami sa dance floor.

"Fo-Ford?" Ayan, mabuti na lang medyo bumalik ako sa katinuan. Nakakaloka. Masyado naman akong namesmerized sa kagwapuhan nya.

"Sabay na po kami, Tito, Tita" paalam nya tapos may kinabit syang parang flower bracelet sa may kamay ko.

"Bagay kayo, teka-teka lang. Picture muna dyan" pang-aasar naman ni Kuya at kinuha yung camera nya at pinicturan kami ni Ford.

Nakahawak ako sa braso nya na para ko syang escort something like that. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Para kong hinahabol ng sampung aso. Kung kanina nagsasayaw lang kami, ngayon feeling ko para na kaming ikakasal ni Ford.

Erase. Erase. Erase

"Oh sige na, magiingat kayo" sabi ni Mama at parang pinapaalis na kami.

"Magmo-motor lang kayo?" Tanong ni Kuya Neil

"Magta-taxi na lang po kami" sagot naman ng magaling na Ferdinand. Nakakaloka. Taxi?

"Sige, magiingat kayo aa" sabi ni Papa at nakahawak pa sa balikat ni Ford.

"Ingatan mo ang unica iha ko aa?"

Napalunok naman ako dun.

"Opo, ako na po bahala" sagot naman ni Ford at naglakad na kami palabas.

Nagtaxi kami ni Ford papunta sa school. Ang awkward naman kasi kung sasakay kami ng jeep na ganun ang suot at itsura namin, diba?

Nung nakadating na kami. Sinalubong na agad kami ng mga tropang lalaki ni Ford at syempre, nakita ko na din ang mga gaga kaya sa kanila na ko sumama at iniwan na si Ford.

"Wag kang masyadong maglala-layo aa" sabi ni Ford. Bakit, ano ba akala nya sakin? Bata? Bata na maliligaw sa mall or sa park?

Nagsasaya lang kami sa may grounds. May mga party music. Bali, mamaya pa yung battle of the bands na sasalihan namin. Medyo kinakabahan na nga ako ee. Pero bahala na.

"OMG. Best party ever!" Sabi ni Angge habang nagsasayaw sa beat ng party music. Kumukuha pa lang kami ng pagkain, sayaw na sayaw na agad ang impakta.

"Hello, hoy. Angge. Para kang tanga" sabi ni Chester at sinasaway ang Angge na malapit na naming itakwil.

"Best party ever ka dyan? Hindi pa nga nagsisimula. Duh" ay, may mens ata ang Chester natin. Ang sunget ee.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon