Chapter 30 | Cant Resist to Leave YOU

130 6 2
                                    

Nagmamadali akong pumara ng tricyle para pumunta dun sa may park. Isa lang naman yung park na laging pinupuntahan at tinatambayan ni Ford ee.

Pagdating na pagdating ko sa park. Papasok pa lang ako nun nakita ko na sya agad at nagpapaulan talaga.

"Ford! Ford! Ford!" Tawag ko kasi nakaupo lang sya sa isang bench at nagpapaulan lang. As in, basang-basa na sya at giniginaw. Hindi ko alam kung ginaw ba yun o yung paghikbi nya dahil umiiyak pa din sya.

"Im sorry, ngayon lang ako. Ano ba nangyare?" Tanong ko nung nakalapit na ko sa kanya. Tumingin lang sya sakin na poker face.

Talagang tinupad nya yung sinabi nya na "maghihintay ako kahit anong mangyare" bigla tuloy akong nakonsensya. Mukhang kanina pa talaga sya naghihintay sakin.

"Ford, Im sorry. Im sorry" sabi ko at nakayakap sa likod nya.

"Wala akong kwenta! Wala akong kwenta!" Daing nya at iyak pa din ng iyak.

Nabitawan ko na din yung payong ko kaya parehas na kaming nababasa sa ulan. Deadma na lang ako kung naliligo na din ako sa ulanan. Ang mahalaga kasama ko ngayon si Ford during his darkest hours. Yun nga lang, nakakaguilty talaga yung cold treatment ko sa kanya recently.

"San ba ko nagkulang? Ginawa ko naman lahat aa!? Ang sakit-sakit"

That words somehow pinch to my heart. Ang sakit, kung nasasaktan sya pwes mas nasasaktan ako. Kung pwede nga lang na akuin ko na lang yung sakit, ginawa ko na. Ford, youre to fragile to be hurt. Wag kang umiyak please.

Ngayon ko lang sya nakita umiyak ng ganito. And bigla kong narealize na yun pala ang kahinaaan ko. Kung si mama nga, ayokong makitang umiiyak. Bat ganun din si Ford, diba? Ibig sabihin, mahal na mahal ko nga talaga tong lalaking to.

"No Ford, youre not. Im here, Im always here" sabi ko as I give him comfort. Ayun lang naman ang magagawa ko ee. Yun naman talaga magiging role ko sa mga oras na to.

"Thank you, Bestfriend" okay great. Bestfriend lang talaga. Thank you for reminding me again, Ford.

But this night, I made a promise to myself that I will love him again unconditionally, martyr na kung martyr. Ford deserves to be happy. And Ill do my best to make him happy even though I lose mine. Ganun ko kamahal si Ford.

Ayoko ng maulet tong gabing to. Ayoko na syang makitang masasaktan. Umiiyak o magmu-mukmok ng ganito. Ayoko na. This will be the last time. Ill do my best to mend your heart Ford. I promise

Play "Tell me where it hurts" by MYMP while reading this part.

Magkayakap lang kami sa ulanan ni Ford habang umiiyak sya sa balikat ko at nagmumukmok.

Since medyo late na din at inalala ko na baka magkasakit na kami sa ginagawa namin. Minabuti ko na ding umuwe na kami at panigurado malalagot na kami sa kanya-kanyang magulang namin.

"Ferdinand!? Jusko. Saan ka ba nanggaling bata ka!? Kanina ka pa nawawala aa! San ka ba nagsusu-suot!?" Panenermon ng mama ni Ford pero niyakap nya pa din ito na naiiyak.

"Ano ba nangyare at basang-basa kayo ng ulan?" Tanong naman ni Mama.

Patay na. Nagkasundo na ang dalawang mag-kumare.

"Mahabang storya po, Tita. Ma. Papaliwanag na lang po namin sa susunod" sagot ko.

"Ford, magpahinga ka na" sabi ko at sumama na kayla Mama para umuwe.

"Salamat, Ces aa. Maraming salamat din sa inyo kumare" sabi ni Tita.

Hindi na din ako kinausap at inintriga nila Mama. Basta pinagpalit nya lang ako ng damit at pinatulog na since may pasok pa kami kinabukasan. Pero mabuti na din na ihanda ko na ang sarili ko kung sakaling magtanong sila tungkol sa nangyare bukas.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon