Napapalunok na lang ako sa usapan namin habang nagaalmusal. Jusko. Seryoso ba sila dito?
"Pa, wag na. Mahiyain yun" sagot ko na lang. Mahiyain daw, wait nga Ces. Redundant.
"Mahiyain,kaya pala nakakapunta dito at nagmano pa kayla Mama at Papa nung pinuntahan ka dito kagabe?" Sabi naman ni Steven
"Mahiyain sya sa lagay na yun, Ces?" Pangaasar ni Kuya.
"Oo, mahiyain yun si Ford. Panigurado tatanggi yun" sagot ko na lang. Jusko. Please lang. Natatandaan ko kung paano nilaglag sakin ni Tita si Ford. Ayokong mag quits ang laban.
"Kung gusto mo, ako na lang magsasabi sa kanya kung nahihiya ka. Tutal, parehas naman kaming lalaki. Para naman ano, tropa-tropa lang. Ganun" mapush na sabi ni Kuya.
"Oo nga, aayain namin maglaro ng Basketball, tapos pagkatapos namin dito na kami kakain" sabi naman ni Steven.
"Ay maganda yan. Kaibiganin nyo din yung mga bago nating kapitbahay. Para naman--" nagsasalita pa si Mama kaso natigilan sya nung binaba ko na yung kutsara at tinidor ko at tumayo.
"Wala na po akong gana" sabi ko at umakyat na ulet sa kwarto ko. Jusko. Ano ba pumapasok sa isip nila? Hindi naman sa kinakahiya ko sila or whatsoever. Pero ayoko lang talaga na makilala nila si Ford, at malaman nila mga kalokohan ko.
Meanwhile, on the other side of the story...
"Ikaw naman kasi Jaime, tignan mo tuloy" sabi ng Mama ni Ces na parang kinokonsensya ang asawa nito.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako, at saka wala namang masama. Gusto ko lang makilala ang mga kaibigan ng anak natin" sagot naman ng Papa ni Ces.
"Eh mukhang hindi nagustuhan ng anak natin ee" sagot ng Mama ni Ces.
"Hindi yun, nahihiya lang si Cecille. Para namang hindi mo pinagdaanan yang mga ganyan. Syempre, ikaw nga diba? Nahiya ka din ipakilala ko sa magulang mo diba?" Patay malisya na lang sila Neil at Steven sa usapan ng mag-asawa.
"Sabagay" sagot ng Mama nila na parang bumalik ang pagkabata nito at naglalambingan sila ng asawa nito.
"Oh sya, basta. Invite natin yung Ford, ba? Basta yun. Dito nyo na ayaing kumain ng hapunan" sabi ng Papa nila kayla Steven.
"At, magluluto ako ng masarap na Caldereta!" Excited na sabi ng Mama nila.
Kaya kinahapunan. Nung makasalubong nila Steven si Ford sa may kanto. Dali-dali na nila itong nilapitan at kinausap.
"Uy, tol. Kamusta?" Bati ni Neil
"Kuya, ano. Ayos naman po" sagot ni Ford
"Libre ka ba mamaya, invite ka kasi namin sa dinner sa bahay. Magluluto si Mama. Saka gusto ka din nilang makilala ee" pagi-invite nila kay Ford.
"Sige po. Hahaha" tuwang-tuwa namang sabi ni Ford
"Mamaya aa! Punta ka na lang sa bahay" sabi ni Neil at nagpaalam na din.
Tuloy na ang hapunan mamaya. Wala ng atrasan to.
Umuwe na din agad si Ford at naghanap ng kung anong magandang suotin para mamaya. Medyo kinakabahan sya, pero excited na ding makilala yung pamilya ni Ces.
•_•_•
Nagkulong lang ako sa kwarto ko maghapon. Normal naman yun sakin pag ganitong weekends kaya hindi naman ako kinatok o inistorbo ng mga tao sa bahay na que nagtatampo ba ko or what gawa nung nangyare kanina nung almusal.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?