Chapter 60 | Just stay Hidden

95 4 1
                                    

Kinabukasan. Pansin pa din nila Mama at Papa ang matamlay na aura ko. Tahimik lang akong kumakain ng almusal at halos nilalaro-laro ko lang yung hotdog at tinititigan lang hanggang lumamig na yung kape.

Dont get me wrong. At least medyo na-relieved ako dahil sa pagkikita namin ni Ford at nakasama ko sya ng kahit ilang oras lang. Pero syempre iba pa din yung feeling na kasama mo sya na hindi nyo na kailangang magtago, or mabigat na pakiramdam tuwing magkikita kayo na baka mamaya mahuli na lang kami bigla.

"Pasok na ko, Ma, Pa" nagmano pa din ako at humalik sa kanila nung paalis na ko. Syempre, mahal ko pa din naman sila kahit na may ganung punishment sila sakin. Magulang ko yun ee.

"Ingat ka" sabi ni Papa. To be honest, sa inner self ko. Naghintay pa ko na baka mamaya sasabihin nya "baka magkita at magkasama na naman kayo ni Ford aa!" Pero wala. Is this a good sign? Nye. Whatever.

I know its kinda illegal pero nakatingin pa ko sa bahay nila Ford habang naglalakad ako palabas ng kanto. Sakto nga nung pagbukas ng gate nila at lumabas si Tita ee. Napayuko na lang ako at binilisan ko na lang ang paglakad. Nahihiya din kasi ko gawa ng nangyare at baka iniisip nya na kasalanan ko din kung bakit kami naaksidente.

Pagdating ko ng school. Sinalubong ako ng mga gaga. Mga bwisit na to. Ngayon lang mga nagsipasok at sinulit pa ang paglandi-este ang pagbabakasyon.

"Anyare, ate girl? Bakit may ganyang ganap?" Tanong ni Chester

"Naputukan ka?" Tanong naman ng gagang si Angge na bigla namang kinaberde ng utak ng bakla.

"Gaga. Ang panget ng term, hindi bagay. Pero bwisit aa. Nabe-berde malanding utak ko"

"Berde din kasi ang dugo mooo"

At nagkasabunutan na sila. Iba talaga kapag nagsama tong dalawang to.

"Basta, mahabang storya" sagot ko. Sakto naman na nakita din nila si Ford na may sugat din sa ulo at may benda pa yung braso.

"Ay, may ganun ding ganap si Ford?" Tanong ni Angge at nakaturo din sakin na parang nagco-connect-the-dots at gumagawa na ng conclusion.

"Ah, parang alam ko na. Dali, kwento" sabi naman ni Chester at lumayo kami ng konti kaya sinalaysay ko sa kanila yung gabi nung New Year at yung nangyareng aksidente pati yung pagiging grounded namin sa isat-isa.

"Ay kaloka yan aa. Eh paano kayo ngayon?" Tanong ni Angge. Napangiwi na lang ako at hindi alam ang isasagot.

"Ayun, ewan. Basta. Kayo na muna kasama ko" sagot ko na lang.

"User mo, lul. Ganun? Ginawa mo na naman kaming panakip butas Cecilia" sabi naman ng Chester at nabigyan ko tuloy ng isang sampal.

"Hindi no. Mahal ko kaya kayo, duh. Hindi ko kayo ipagpapalit. Kayo pa din" sagot ko. Sincere to kaya kiligin sila. Mga impaktang to.

"Oh sya. Tara na. May ilang buwan na lang at magfo-fourth year na tayo. Gra-graduate na tayooooo. Kaloka. Ang bilis ng panahon" sabi ni Chester at pumasok na kami sa room.

Magkakatabi kami sa upuan since medyo irregular class pa naman since marami-rami pa ding absent kaya may mga bakante pang upuan at hindi naman talaga nasunod yung seat plan.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon