"Naka-magkano ka ngayong araw?" Tanong ni Kuya kay Steven habang binibilang nya yung mga perang napamaskuhan nya sa maghapon. Palibhasa bunso, sya talaga yung mas nakarami ee. Kami kasi ni Kuya, hindi na kami ganung namasko sa mga ninong/nang namin since malalaki na din kami. Maswerte na lang kung magaabot pa din sila, pero still. Naging masaya naman yung maghapon namin at nakita namin ulet yung mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ng pamilya namin.
"1,470" pagkwe-kwenta nya. Ang taray, kumota ngayong araw.
"Bali si Ninang Dessa, sa New Year na lang daw, si Ninong Jules naman baka bukas na lang magbigay, sila Tita Vangie hindi pa natin napupuntahan" aba, grabe naman. Kulang pa ba yun? Ibang klase talaga tong batang to.
Hindi ko na lang pinansin yung dalawang lalaki habang nagbibilang sila ng pera nila dahil dumerecho na din ako sa kwarto ko. Dala ko yung mga bigay sakin ni Ford at syempre, namili na din ako ng mga regalo ko para sa kanya. Napaka-unfair naman kasi kung sya lang tong mage-effort diba? Baon na nga ako sa utang sa kanya kung sakali ee.
Iniimagine ko yung magiging reaksyon ni Ford kung sakaling makikita nya tong bigay ko sa kanya. Naalala ko kasi nung pumunta kami sa isang Toy store para bumili ng regalo sa kapatid nya, may nakita kaming action figurine ng favorite nyang Character sa Video game na lagi nyang nilalaro. Alam kong gusto yun ni Ford bilin pero syempre, mas inuna nya pa din yung mga kapatid nya. So this time, si Ford naman. He deserves it.
Wala akong pakialam kung halos maubos yung pera ko pero handa akong gumastos para kay Ford.
"Puro ka DOTA, kaya ka napapagalitan ni Tita ee" saway ko sa kanya. Naalala ko yung time na gagawa dapat kami ni Ford ng assignment sa isang computer shop pero sya busy lang sa pakikipaglaro ng DOTA at nakikipag-trash talks pa sa mga kasama nya.
"Minsan lang naman ee" pangangatwiran nya na parang bata.
"Minsan lang? Eh kung sapakin kaya kita" maangas na sabi ko.
"Gawin mo nga" sabi nya na parang hinahamon ako.
Sasapakin ko na sana sya. Nakapikit na na nga ee.
"Cute mo" sabi ko pagdilat ng mata nya saka ko kinurot yung pisngi nya na parang bata.
"Nagwa-gwapuhan ka na naman sakin" sabi nya. Biglang humangin
"Oo na. Ikaw na ang gwapo" sabi ko na lang sabay pinangigilan na yung pisngi nya at ginagalaw ko na kunwari puppet na pinagsasalita sya.
"Tara na nga, uwe na tayo. Pakopya na lang ng assignments aa" sabi nya at naka-akbay sakin habang naglalakad.
I dunno. Nasanay na nga lang din ako na naka-akbay na lang sakin si Ford o minsan naka-akbay lang din ako sa kanya. May time din na naka-dantay yung balikat ko sa kanya kapag inaantok ako sa klase.
Hindi ko nga din alam ee. Bakit bigla na lang din ganung naging ka-clingy sakin si Ford, and likewise ako sa kanya. Samantalang dati diring-diri pa kami sa isat-isa. So ano ba, totoo bang give love on Christmas day talaga?
Sayang, kung nandito lang siguro sya. Siguro aaminin ko na din sa kanya na, wag na lang pala. Bigla akong nag-alangan. Mabuti na din siguro na wala sya, pero aaminin ko. Namimiss ko na si Ford. Eto sana yung unang pasko na makakasama ko sya, kaso wala ee.
Dumating yung bisperas ng bagong taon. Same routine. Nagaayos kami ng bahay, naglilinis kami ni Steven ng bakuran. Si Papa bumili na nung mga paputok na gagamitin namin mamaya sa salubong, si Kuya naman tinutulungan si Mama na magprepare ng mga lulutuin para mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?