Chapter 23 | Crush mo sya, Crush ko sya

112 8 2
                                    

Magkasama kami ni Ford papunta dun sa school grounds kung saan gaganapin yung awarding ceremony for the Intramurals. Tapos na yung event ee. So back to basic na ulet kami next week. But as of now, oras na para magkaalam-alam kung sino-sino ang mga nanalo in each competitions. Syempre, expected na dalawang beses akong aakyat sa stage. Champion sa Scrabble, at second place sa Chess.

Going back, sa daan. Nakasalubong namin yung dalawang gaga kaya magandang distraction na din yun.

"Sige, alis na ko. Puntahan mo na si Bettina" sabi ko at sumama dun sa dalawang bakla. Mga bwisit nga din to ee. Muntik pa kong ilaglag at ayaw pa kong isama.

"Teka lang" sabi nya. Bwisit ka. Manigas ka dyan.

"Kaya mo na yan, galingan mo. Goodluck" sabi ko na lang at naglakad na kami sa other side ng mga impakta.

Nung medyo nakalayo-layo na kami. At nasa may canteen na. Dun na ko kinausap ni Chester at Angge na talagang naka-cross arms pa at naka-taas kilay.

"Anong drama naman yun?" Tanong ni Angge.

"Wala, basta. Gusto ko lang munang iwasan si Ford"sagot ko.

"Wow, iniiwasan mo pa sa lagay na yan aa?" Pa sarcastic na sabi ni Chester.

"Kaya nga ako sumama sa inyo ee. Ano ba, syempre. Basta" sabi ko at napapahawak na ko sa noo ko na parang stress na stress na.

"Bakla, nagpapatulong sya saking manligaw kay Bettina" paguulat ko.

"Ay pota" napamura na ang Angge

"Ano sagot mo?" Tanong ni Chester

"Pumayag ako" sagot ko at nakayuko. Alam ko na magagalit o maasar sila sakin

"Pota. Bayani! Bayani friend!" Pang-aasar ni Angge.

"Hoy bakla. Nacontact mo na ba yung skulptor dun sa Luneta? Jusko. Nang maipagawa na ng rebulto tong babaeng to. Pota. Que martyr-martyr ee. Nakakagigil" triggered na sabi ni Chester. Okay. Great, sabi na ee.

"Sorry na" sagot ko na lang. Jusko. Tanggap pa din kaya nila ko?

"Sya-sya. Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung gusto mo talagang magpakatanga, go. Hindi ka na namin papakealaman"sabi ni Chester.

"Bakla naman ee" sabi ko. May paganun pa kasi ee. Wala namang tampo kemberlu, please.

"Oh, ano? Ayan na nga. Go, hindi naman ako galit ateng. Kung yun ang gusto mo, edi go. Kung dun mo gustong ipakita pagmamahal mo kay Ford ee. Yung makita mo syang masaya, sige. Okay lang"

Tignan mo to. Nangongonsensya pa ang gaga.

"Saka sige na, susuportahan ka na namin sa katangahan mo. Ganun naman ang magkakaibigan diba?" Sabi ni Angge. Hindi ko alam kung seryoso ba sya o nangiinis lang ee.

"Gusto mo yan diba? Go. Basta kami, nandito lang kami. Wag ka nga lang iiyak samin, naku. Makakatikim ka ng sampal sakin. At baka pati yang Ford na yan ee. Hindi ako makapagpigil. Bayagan ko yan"

Ano ba yan, pati bayag ni Ford dinamay pa nitong baklang to.

"Grabe ka bakla, tatanggalan mo talaga ng kinabukasan si Ford. Wag, sayang naman. Wag mong idamay si jun-jun sa galit mo" sabat naman nitong si Angge kaya nakatikim sya ng sampal kay Chester.

"Magsama nga kayo ng Cecilia na yan. Bina-badtrip nyo ko ee" iritableng sabi nya. Magkasundo tuloy kami ni gaga.

"Ay, may mens te?" Pang-aasar ko

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon