Sabay kaming pumasok ni Ford sa second class namin. Parang gusto kong magpasalamat kay Bettina kasi dahil sa kanya biglang naging good mood si Ford, real quick. Hindi nya sya masyadong inis sakin kahit na tinutukso-tukso ko syang bakla at nayuyurakan ko ang pagkalalaki nya. Okay na. Friends na ulet kami
"Oy. Tara nga dito" sabi ni Chester nung pagpasok ko at pinaupo ako sa tabi nya.
"Ako nagtataka na ko aa. Bakit lagi kayong sabay pumasok nyang si Ford? May hindi ka ba sinasabi samin?"
At pati ang Angge eh masama din ang tingin sakin na parang nakagawa ako ng kasalanan.
"Ano naman ang dapat kong sabihin mga bakla?" Pagtatanong ko. Wala naman akong ginagawang masama aa?
"Naku te. Mukhang nakakalimot na sya sa Rule ng barkada. Pakisampal nga ulet sa kanya yung promise natin sa isat-isa Angge" sabi ni Chester at parang tangang kunwari may binabasa sa notebook si Angge na kunwari messenger or spokeperson ng hari sa medieval age.
"Walang sikreto ang itatago. Ang sikreto ng isa ay sikreto ng lahat. Walang sikreto ang makakalabas sa ating tatlo---"
Teka, ano bang sikreto ang pinagsasabi ng mga to? Open naman ako sa kanila aa? Ano ba drina-drama ng mga gaga?
"Hoy mga bakla. Sinasabi ko naman lahat sa inyo aa? Pati nga tae ko na kulay brown na tubig-tubig eh alam nyo na aa" sabi ko. Echos lang yung "tae" part.
"Ang baboy mo" sabi nya kaya nakatikim ako ng isang sampal.
"Kunwari ka pa ee. Ayaw mo pa kasing umamin ee. Lagi kayong magkasabay ni Ford aa, ano na ba real lagay nyo ateng? Nung una para kayong asot pusa kung mag-away tapos ngayon, aba. Parang may something"
Ah, yun lang pala. Akala ko naman kung ano. Pero jusko, pati ang pagkakaayos or peace talks namin ni Ford eh naging big deal pa sa mga impakta.
"Kayo na ba?" Tanong nya. Wtf
"GAG* MO!" Sagot ko at nabigla ako at nabigyan ko din sya ng isang sampal. Oh walang personalan dito. Ganito lang talaga kami magsakitan at magmahalan.
"Defensive si ate girl natin" sabi ni Angge.
"Anong defensive ka dyan? Eh wala naman kaming relasyon. Duh. Mortal enemy nga kami diba?" Sagot ko tapos tinu-turo nya gamit yung nguso nya yung likod namin.
At nakita ko nga si Ford sa likod at tinabihan sya ni Felicity. Ang bitch kong kaklase. Nope, walang exaggeration yun pero kilala kasi namin sya sa pagiging malandi at papalit-palit ng jowa every week, months or kung kailan sya magsawa. At teka lang aa, bakit naman ngayon si Ford ang binibiktima nya? At sa upuan ko pa talaga aa?
"Selos ka no?" Tanong ni Chester.
"Bakit naman ako magseselos, duh" sagot ko pero nagiinit talaga yung ulo ko na nakikita sila na naguusap at si Ford naman, ayun. Sinasakyan at nagtatawanan pa talaga sila ni Felicity.
"Sumasama ang tingin. Check. Umuusok at lumalaki ang butas ng ilong. Check. Nagpipigil ng galit. Check. Gustong sugudin. Check. Confirm na nga ateng, nagseselos nga ang impakta"
Naririnig kong sinasabi ni Chester pero hindi ko lang sya pinapansin at nakafocus lang talaga ko sa dalawang naglalandian sa likod at sa pwesto namin ni Ford
"Anong nagseselos? Hello, pwesto ko yun ee" sagot ko. Im reffering to my arm chair
"Girl, sayo na nga mismo nanggaling diba, wala naman kayong label at relasyon ng 'mortal enemy' mo" sabi nya at talagang pinag-diinan nya yung mortal enemy part at sinesenyas yung dalawang kamay nya na parang qoutation mark.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?