"Since its December, and its Christmas season na din---" hindi ko masyadong naintindihan yung sinasabi ni Erlinda. Masyado kasing maingay yung mga kaklase ko porket narinig yung "christmas" kemberlu. Grabe, time flies so fast. December na din pala.
"Quieeettt!" Saway ni Mam sa ingay ng mga kaklase ko. Yung para syang si Regine Velasquez in her high notes.
Tahimik lang kami ni Ford sa may likod. Like may sarili kaming mundo na naglalaro lang sya sa cellphone nya at ako naman, ayun. Nagbabasa lang ng libro sa journalism. Contest na din kasi namin next week.
"Mam, ano po plano? May christmas party po ba tayo?" Tanong nung isang kaklase ko.
"Oo, syempre meron" sagot naman ni Erlinda. Oh great, its the time of the year, again. Ano na naman kayang pasabog ang magaganap ngayon?
"May program, basta. Ang christmas party natin is may program sa grounds. May battle of the bands at kung ano-ano pang pakulo. Sumali kayo aa, enjoy nyo yun" sabi nya. Deadma lang kami ni Ford samantalang yung mga kaklase ko sobrang excited na.
Recess na din nun at kinatatamaran pa din naming tumayo ni Ford. Nga pala, isang linggo na din ang nakalipas pero hindi ako masyadong kinikibo ng mga gaga. Hindi ko din alam pero recently kasi, sobrang cold ng treatment nila sakin at halatang naiilang sila sa presence ko. Hindi ko din naman kasi sila masisisi. Though yes, normal naman sa mga magkakaibigan yun pero syempre, medyo masakit yun para sakin. Siguro nagtatampo sila sakin or what dahil mas lagi kong sinasamahan si Ford kesa sa kanila, or dahil parang nababaliwala ko sila sa mga advices nila sakin tuwing nagpapakatanga ko kay luko.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Ford. Ngumiti lang ako sa kanya habang nagbabasa ko ng libro.
"Ano, magre-recess ka ba o hindi?" Tanong nya ulet.
"Wala akong gana ee, sorry. Saka busy ko" sagot ko.
Tumayo na sya at lumabas. Naiwan akong magisa sa pwesto ko. Parang bigla naman akong tinablan ng kalungkutan. Hindi ba parang nakakamiss yung ganitong recess tapos kasama ko ang mga gaga? Gagawa kami ng assignments namin, paguusapan yung mga ganap samin or whatsoever.
Sakto na pumasok na sila Angge at Chester at sa room na lang kumain. Which I found it weird kasi usually hindi naman nila dinadala yung pagkain nila dito. Teka, siguro dahil naisip nila na kulang sila at wala ako kaya dito sila kakain, ganun nga kaya?
"Hi mga bakla" bati ko at tinigil muna yung pagbabasa ko. Hindi nila ko kinibo at nakataas lang yung kilay nila sakin. As if para kong strangers sa kanila at namamalimos like that.
"Hindi ka ba hinahanap ng bago mong bestfriend? Ayun na sya oh" sabi ni Chester na may pag-irap sakin at tinuro si Ford na kababalik lang din.
Medyo nasaktan ako sa ganung treatment sakin ni Chester. Pinipigilan ko lang yung luha ko pero gusto ko talagang umiyak. Ano ba kasi nagawa ko?
Ay, oo nga pala. Sino ba naman ang hindi magtatampo kung nag-commit ka na na maging ka-member nila sa group project pero in the end, sumali ka sa ibang grupo which is kasama si Ford. Oo na, sige na. Mali na ko. Hindi na ba nila ko mapapatawad?
Bumalik ako sa upuan ko. Tahimik. Bigla kasi kong nawala sa mood na ewan. Parang gusto ko munang tumigil ang oras at lumayo dito.
"Ces, may problema ba?" Tanong ni Ford
"Wala" matamlay na sagot ko saka kinuha yung gamit ko at lumabas.
"San ka pupunta?" Hindi ko na sya pinansin at dere-derecho na lang na lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?