Chapter 59 | Mind the Gap

92 2 2
                                    

"Ma, please naman oh? Ma" naiiyak na sabi ko habang nagmamakaawa na kausapin si papa.

Umiiling lang sya at lumabas na din ng kwarto ko.

"Kuyaaaaaa" nagbabakasakali din ako sa kay kuya para kausapin si Papa. Kaso wala, lumabas din sya ng kwarto ko at hindi ako pinapansin.

Masama ang loob ko dahil sa nangyare. Na-aksidente na nga kami ni Ford, hindi ko alam kung ano lagay nya tapos bigla pa kaming paghihiwalayin. Oo, naiintindihan ko din naman yung dahilan ni Papa pero ngayon ko na nga lang ulet nakita at nakasama si Ford, tapos magkaka-ganito pa.

Magisa lang ako sa kwarto ko ngayon at umiiyak. Gustohin ko man na suwayin si papa, pero syempre ayoko din namang gawin yun kaya sa ayaw at sa gusto ko. Kailangan ko nga munang iwasan si Ford.

•_•_•
First day of the year....

Resume ng classes namin after our Christmas vacation. Yung ibang mga kaklase ko nagtatawanan, nagkwe-kwentuhan at nagpapayabangan sa kung ano ang mga nangyare sa kanila nung pasko at bagong taon. Kung saan sila pumunta, ano-ano mga handa nila or such. Hindi na din naman ako naki-kwento dahil loner lang naman ako sa likod at may benda pa din yung ulo ko.

"Hey Ford! Napaano ka?" Narinig kong tanong nung isang lalaki. Dumating na pala si Ford. Nakipag-fist bump lang ito saka dumerecho na din sa upuan namin.

May benda din sya sa ulo at may sugat yung pisngi nya. May nakalagay din na support sa balikat at braso nya dahil napilayan ata sya. Napapapikit na lang ako at pinipigilang umiyak.

"Ford, kamu----" hindi ko mapigilan ang sarili ko na kausapin sya.

Pero bigla syang tumayo at kunwari hindi nya ko napansin. Kunwari hindi ako nage-exist. Ang sakit, sobra.

Nung nag-start na yung klase namin. Nasa tabi lang sya ng isang classmate kong babae instead na sa proper seat plan namin. Ako lang yung nasa dulo since lahat sila nagfi-fit in sa unahan dahil marami pa ding absent.

Okay, self. Wag kang magpakitang mahina ka. Kaya mo to.

Natapos ko ang isang buong araw na hindi man lang kami nagkibuan o nagkausap ni Ford. Halata kasing umiiwas din sya sakin sa hindi ko malamang dahilan. Pinagsabihan kaya sya ni Mama? Ni Papa? O sinabihan din sya ni Tita?

Ang unfair naman nila. Wala naman samin ang may gusto sa nangyare, diba? Pero bakit ganun?

Nakita ko pa si Ford na sumakay ng jeep pauwe. Siguro hindi na sya pinagamit ni Tita ng motor. Halos magkasabayan lang kami sa pagsakay at mga ilang metro lang natatanaw ko pa sya na naglalakad sa may kanto papunta samin.

Napansin ko din na nagkasalubong yung mga mata namin bago sya pumasok sa gate ng bahay nila pero agad-agad nya din itong iniwas. Bakit ka ganyan, Ford? Nasasaktan ako.

Pag-uwe ko ng bahay, pansin nila mama at papa yung matamlay na aura ko nung nagmano ko sa kanila at dere-derechong pumasok sa kwarto ko. Ngi hindi ko na nga sila napansin nung kinakamusta nila yung araw ko sa school na dati nilang ginagawa.

My day is dull, faded. Like in a black and white. Sobrang plain lang talaga. Siguro mas nasanay na kasi ko na kahit nagaaway or nagkakainitan kami ni Ford, eh nagkakausap and at the same time is alam kong bonded pa din kami. Hindi tulad ngayon na pinaghihiwalay kami at nagiiwasan sa isat-isa.

Sumabay pa din ako sa family dinner namin pero sobrang tahimik ko lang. I mean, nakikitawa ko sa mga usapan nila pero Im not in the good mood to butt in sa mga kwento.

"Ces" tawag sakin ni Mama nung paakyat na ko ng kwarto

"Kamusta ka na?"

Parang ang sarcastic ng dating sakin ng tanong na yun. Napangiti lang ako at sumenyas na aakyat na para magpahinga.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon