Pagkauwe ko ng bahay. Yung pang-aasar nila Kuya Neil at Steven yung sumalubong sakin at yung nakakabwisit na pagsulsul nila Mama at Papa dun sa dalawa. And I was like, "Pinagtutulungan ako. Grabe. Nakakaiyak" pero hindi ko lang sila pinapansin at dere-derechong pumasok sa kwarto ko.
"Ma, mukhang badtrip ee. Hindi kasi naihatid ni magiging bayaw"
Nakapasok na ko sa kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit narinig ko pa yung sinabi ni Steven kaya napalabas talaga ko at dinefend ang sarili ko.
"Anong badtrip ka dyan? May pinuntahan sya, okay? Saka kaya ko naman umuwe magisa aa?"
Nakatingin lang sila sakin habang sinasabi ko yun. Yung parang sobrang defensive nga talaga ng datingan ko.
Natatawa na lang si Papa at Mama sakin. Si Kuya Neil at Steven, ayun. Nakakainis talaga. Ang sarcastic kasi ng tingin nila sakin ee. Nakakabwisit talaga. Urgh. Padabog ulet akong pumasok sa kwarto ko para magpalit ng pambahay.
"Ate, kunwari ka pa kasi ee. Crush mo yung kapitbahay natin ee" ayaw talaga tumigil nitong magaling naming bunso kaya nakatikim na sya ng pingot sakin. Ayun, iyak sya.
"Nay! Si Ate!" Pagsu-sumbong nya. Tsss. Maiinis pa ko nitong batang to ee.
"Whatever"badtrip na sabi ko at kumuha lang ng isang balot ng Oreo sa ref at isang coke in can. Yun lang, pwede ko ng hapunan yun. Busog pa din naman ako gawa ng unli eating namin ni Ford kanina.
Ay, teka nga. Bigla kong naalala. Itext ko nga pala sya kapag naka-uwe na daw ako. Okay, kinuha ko yung phone ko saka ko nagtype ng pwedeng i-text sa kanya.
Nakauwe na ko sis.
Teka, baka mabeastmode yun. Baka mamaya pagod sya tapos yun pa mababasa nya eh mag-away lang kami. Teka nga
Hi. Ces to, thank you. Nakauwe na ko kani-kanina pa. Magingat ka din pauwe
Wow. Ang sweet ko naman masyado. Binasa ko muna yung text na yun bago ko sinend sa kanya. Nung nasigurado ko na nasend ko na yung nasabing message. Nilock ko na yung phone ko at humiga sa kama.
"Bwisit din kasi yung bakla na yun ee. Bakit ba ko tinutukso nila Kuya dun? Tsss" I rant. Para kong tangang kinakausap yung sarili ko.
Kinakain ko yung Oreo at yun ang naging stress reliever ko at sa bawat kagat at subo ko. May halo yung pagrarant at paglalabas ng inis kayla Kuya at Steven.
Hanggang sa biglang tumunog yung phone ko. Aba, nagreply pala ang Ford.
Good.
Wow. Ang tipid naman mag-reply. Baka may pinagiipunan.
Nakauwe ka na ba?
Nag-reply pa din ako. Nak ng teteng. Sinampal at sinabunutan ko pa sarili ko kung bakit ko pa sinundan yung pag-text sa kanya. Napaparanoid kasi ko baka mamaya sabihin nya "concern sakin, baka crush na nya ko" ay subukan nya lang. Bakla nga sya ee. O kaya, "bakit kaya? Siguro hinihintay nya ko makauwe"like that. Jusko inner self, ano ba yang pinag-iisip mo? Ang nega.
Di pa
Ay teka, ano? Record breaker sa shortest reply? Nakakaloka.
Nilock ko na ulit yung phone ko saka nilayo sakin para hindi na ko matempt mag-reply. Bwisit sya. Nilagay ko yung phone ko sa may cabinet ko para kahit papano hindi ko sya mahawakan. Kunwari may virus yun at maiinfect ako kapag kinuha ko sya. Ganun, oo. Yun talaga nasa isip ko para hindi ako matuksong kunin yun sa cabinet.
Mga 8pm na din na nakahiga lang ako sa kama ko. Puro pagra-rant kay Ford. Iniisip kung gaano sya ka-bwisit at ka-badtrip sa buhay ko. Like that. Basta, si Ford lang talaga ang nasa isip ko sa dalawang oras na pagkukulong ko sa kwarto. Teka, hindi ba parang mali? Bakit sya? Ang tanga lang diba? Normal ba yung iniisip mo si mortal enemy mo?
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?