Chapter 6 | Sanctions

134 6 3
                                    

"Paano gagawin natin ngayon?" Medyo naiiyak na tanong ko. Paikot-ikot na ko sa loob ng CR at hindi malaman ang gagawin.

"Wag ka ngang umiyak. Ang OA mo ee" medyo iritableng sagot ni Ford habang nakaupo lang sa may gilid.

"Hindi pwedeng malaman ng parents ko to. Panigurado grounded ako nito, baka tanggalan pa ko ng allowance" sagot ko habang nagpupunas ng luha ko at kinakagat ko na yung hinlalaki ko sa sobrang kaba at iyak.

"Sa tingin mo gusto ko ding malaman to nila Mama at Papa?" Tanong nya sakin. Oo nga pala, dalawa nga pala kaming may kasalanan kaya for sure, papatawag din ang parents nya.

"Ford, sorry aa" ayan na, nagbababa na ko ng pride. Nagsorry talaga ko. Alam ko kasi na mapapagalitan sya ng parents nya in case. Que bago-bago nga naman, mapapatawag agad sila.

Pero teka nga, bat nakokonsensya ko? Ang bait ko naman? Nagtatalo yung inner good at bad side ko. Ang yabang nya para hingan ng sorry. Tsk.

"Ano magagawa ng sorry mo? Ayan na nga oh, napahamak na tayo" sagot nya. Oh great, ayaw nya tanggapin apology ko.

Napaupo na lang din ako sa gilid ni Ford. Mga isang metro ang layo namin sa isat-isa. Nakayuko lang ako at napapadasal na din kung paano ko malalampasan tong pagsubok na to. Kung kanina medyo nagkakainitan kami ni Ford, ngayon peace lang. Nakaupo lang sya sa gilid at parang chill na chill lang at napapabuntong hininga.

"Tara, labas na tayo" sabi ni Ford sakin. Tinignan ko lang sya sa mata. Seryoso ba sya?

"Ano, hihintayin mo pa ba na lumaki tong kasalanan natin at ipatawag mga magulang natin? Tara na, harapin na natin tong kaso na to" sabi nya at inalalayan akong makatayo.

Sabay kaming lumabas dun sa banyo. Sabay din kaming pumasok sa Principals office kung saan naabutan namin dun yung Principal na nakataas ang kilay na tingin samin. Ako na yung naunang magpaliwanag.

"Mam, Im sorry po. Sorry po talaga sa nangyare"

Pagmamakaawa ko at halos maiiyak-iyak na din. Sana nga lang effective tong drama ko.

"Sorry po mam, parusahan nyo na lang po kami. Wag nyo lang po sanang ipatawag mga magulang namin" sabi naman ni Ford

"Well, then. Lets go to the Guidance Office for counselling and kung ano ang pwedeng ipagawa sa inyo. Dont worry, apology accepted. But, you have to face the sanctions for doing such act" sabi ni Madam. Principal.

Napaiyak ako at halos mapayakap pa ko kay Madam. Actually, hindi naman sya yung Principal na iisipin mo na masungit talaga at terror. Mabait din naman sya basta maganda pakikitungo mo.

Sinamahan nya kami sa Guidance Office ni Ford para kausapin yung Counselor at dun kami mapatawan ng aming magiging parusa sa kasalanang nagawa namin. Mabuti na lang din daw at maaga kaming umamin nung nagawa namin bago pa daw lumaki yung issue at mas lalong bumigat ang parusa samin na papunta na sa suspension.

Bilang parusa, pinaglinis na lang kami ng Library at ng mga Corridor ng school. Bali, naging janitor kami for a day ni Ford. Okay na din yun, at least hindi malalaman ng mga parents namin yung kasalanang nagawa namin. And all we have to do is accept the price of what we have done.

"Dapat ikaw lang naglilinis ee. Kasalanan mo din naman lahat ng to"

Narinig kong pagra-rant ni Ford habang naglilinis kami ng mga bookshelf sa library. Syempre, hindi ko na lang sya pinapansin pero deep inside nanggagalaiti na ko sa galit. Prino-provoked na naman nya ko. Makita nya, ayoko lang syang awayin pero nakupo. Makakasapak na talaga ko.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon