Chapter 10 | First Hangout

156 7 1
                                    

Natapos yung seminar na yun na nakasandal lang ako sa balikat ni Ford. Ngi napurnada na nga yung antok ko ee. Buti na lang talaga medyo nasa madilim kaming part ng auditorium kaya hindi kami masyadong kita ng mga tao at magaling tyumempo si Ford. Pagbukas kasi ng mga lights right after that clip viewing. Nailayo nya na agad yung sarili nya, ay oo. Yung muntik akong tumumba kasi bigla nyang inalis yung balikat nya. Bastos din ee.

Naghiwalay lang kami ni luko nung nakita ko ang dalawang gaga kong friends habang palabas na kami ng auditorium.

"Bakla ka ng taon, san ka galing? May attendance tong seminar na to" sabi ni Chester.

"Nakapakinig naman ako, nandun lang ako sa likod" sagot ko.

"Weh? Sige nga, ano natutunan mo?" Aba ang bakla, hinahamon pa ko. Teka, ano ba isasagot ko ganung hindi nga ako nakapag-focus dahil kay Ford?

"Na ikaw, kahit bakla ka at kabayong nag-anyong tao, pwede ka pa ding makabuntis" sagot ko saka nya ko binigyan ng isang mainit na sabunot. Normal na mapanakit ang Chester. Kaya sanay na ko with no harsh feelings.

"Ang galing ni bakla. Nakinig nga" sabi naman ni Angge at pumapalakpak pa kaya pati sya nakatikim ng nagbabagang kamay ni Chester.

"Kumain na nga tayo ng tanghalian. Ginigigil nyo ko ee" aya nya kaya pumunta na kami sa canteen para mag-lunch. Hindi ko na din pinansin si Ford kahit na iniwan ko sya after that seminar sa likod nung nakita ko tong dalawang to.

Ay wait, bat ba ko makokonsensya? Malaki na din naman sya at kaya na nya sarili nya, diba? For sure naman makakakita sya ng mga tropa nyang lalaki at may makakasama sya mag lunch or what. Basta, bakit ba inaalala ko pa na iniwan ko sya, at inner self. Hoy aa. Bakit mo ko inu-udyukan na balikan at hanapin sya? Fck. Whats happening in me?

"May problema ba ateng?" Tanong ni Angge nung napansin na napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko.

"Ha? Wala. Wala. May naalala lang ako" sagot ko na lang.

"Siguro yung video dun sa seminar no? Bakla, documentary yun hindi porn" sabi naman ni Chester. Jusko, akala ata naglilibog ako.

"Hindi, basta. Kain na lang tayo" sabi ko na lang at tinapos na yung kinakain ko. Isantabi muna ang pagiisip kay Ford. Hindi naman importante.

Sabay-sabay kaming bumalik sa classroom namin at umupo na din sa mga designated place namin. Si Ford nandun na sa pwesto nya kaya medyo awkward ako nung pagdating ko.

"Kumain ka na?"

Ay teka, bakit? Nanay nya ba ko at anak ko sya para itanong yun? He just gave me a "yung totoo" look at parang nagtataka kung bakit ko naitanong yun.

"Ililibre mo ba ko?" Tanong nya.

"Hindi" sagot ko at kunwari malditang inayos yung upuan ko at yung bag ko.

Nung dumating na yung prof namin for our afternoon class. Chemistry. Yes, dito kami nag-exam kanina ni Ford at ngayon pa lang namin che-checkan yung mga papel. And to tell you, hindi ko pa nakakalimutan na may deal kami ni Ford na kung sino may pinaka mataas na score eh manlilibre.

Okay, the moment of truth. Random chineckan yung mga papel. Nung tapos na kaming mag-check at i-evaluate mga papel namin at binalik sa kanya-kanyang may-ari. Dito na yung moment na yung iba proud na proud sa mga scores nila, at yung iba nahihiya.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon