Chapter 56 | Christmas without each other

109 2 1
                                    

"Merry Christmas!" Masayang bati namin sa isat-isa. Its almost 12 midnight and its time for our traditional Noche buena.

"Merry Christmas, ate. Hahaha" bati sakin ni Steven. Ay teka, Bakit? May nakakatawa ba?

Tinaasan ko lang sya ng kilay at hindi ko na lang sya pinansin. Paskong-pasko at magaaway pa kami. Mabuti na deadmahin na lang ang magaling na bata.

"Ate, parang iba timpla mo ngayon aa" pang-aasar nya.

"Manahimik ka, Steven. Hindi nakakatuwa" maarteng sagot ko.

"Hahahaha. Hay, pag-ibig nga naman" segunda naman ni Kuya.

"Ano problema nyo?" Tanong ko na naka-cross arms pa at kunwari bitch kung makapag-taas ng kilay with my maarteng boses.

"Malungkot ka na naman kasi. Paskong-pasko. Wag kang mag-alala. Babalik din yun" sagot naman ni Kuya

"Oo nga, iniisip ka din nun" pang-aasar naman nitong si Steven. Parang mga tanga talaga.

Si Ford na naman ang tinutukoy nila. Parang mga sira

"Kumain na nga lang tayo" aya naman ni Mama at pinatigil na yung dalawang bwisit na lalaki sa buhay ko.

Masaya kaming kumain ng mga niluto ni Mama. Syempre hindi mawawala ang paborito naming Carbonara at Macaroni Salad.

"Kainin na natin yung Crema de Fruta" sabi ni Papa. Hindi ko na nga masyadong binigyan ng pansin kahit na kaharap ko na sa lamesa ee. Ano ba yan, naalala ko na naman si Ford, or sige na nga, si Tita. Pero syempre hindi talaga maiiwasan na si Ford talaga.

"Masarap, tikman mo, Ces" sabi ni Mama. Medyo binagalan ko ng konti yung pagkain kaya ako yung huling kumuha ng Crema.

"Favorite ko kaya to" naaalala ko yung time na bumili kami ni Ford nito sa isang cafe last time.

"Ako din ee. Si Mama, masarap gumawa ng ganyan" pagmamalaki nya kaya after nun, ewan ko ba. Nagpapadala na sya ng ganyan sa bahay or pinapatikim nya lagi ako kapag may mga niluluto or ginagawang mga pagkain si Tita.

Unconsciously, medyo napabalik lang ako sa realidad nung napansin ko na nakatingin lang sakin sila Mama at Papa pati yung dalawang magaling kong kapatid dahil isusubo ko na lang eh nakatulala pa ko sa Crema de Fruta.

"Hay, nakakatawa ka talaga Ces" sabi ni Mama kaya bigla naman akong na-conscious ng wala sa oras. Parang nawalan ako bigla ng gana.

Masaya naming binuksan yung mga regalo sa isat-isa pagkatapos naming kumain. May christmas gifts kasi kami sa ilalim ng Christmas tree namin at sabay-sabay namin yung bubuksan. Eto talaga yung isa sa mga highlights ng pasko namin ee.

"OMG. Thanks kuya" sabi ko pagbukas ko ng unang regalo.

Sunod kong binuksan yung regalo sakin ni Papa na bagong cellphone, at yung kay Mama naman na mga accessories naming mga babae. Pinagiisipan ko pa nga kung bubuksan ko yung regalo ni Steven eh, naalala ko kasi na last year, ayun. Prank ang nilagay nya sa kahon kaya parang na-trauma na ko.

Ay teka, bakit dalawa?

"Kanino galing tong isa?" Tanong ko

"Kay Ford" sagot naman ni Papa

Binigyan ko lang sila ng "yung totoo" look. Seryoso ba?

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon