Chapter 35 | "Kayo na ba?"

104 8 2
                                    

Uupo na sana kami sa designated place namin ni Ford ng bigla nyang hinawakan yung braso ko at pinipigilan ako.

"Ano ba?" Medyo iritable kong response.

"Sandali, mamaya na pala tayo pumasok" sabi nya at mukhang aayain pa kong lumabas. Tinanggal ko yung kamay nya at saka umupo na sa arm chair ko.

"Ano na naman drama mo?" Tanong ko at inaayos na yung bag ko.

"Wala, ewan. Hindi kasi ko kumportable ee. Ewan" sagot nya at umupo na din na parang hindi mapakali or whatsoever. Basta, iba yung body language nya.

Hindi ko din naman sya masisisi dahil alam kong medyo or should I say, nakakahiya talaga yung naging rejection nya kay Bettina last week, at hindi nya man sabihin. Alam ko na dinadala nya pa din yun hanggang ngayon.

"Huy" sabi ko at nakahawak sa kamay nya.

"Relax. Okay, ano ba kasi nangyayare sayo?" Tanong ko. How stupid, right? Alam ko na din naman yung sagot, tinanong ko pa.

"Hindi talaga ko mapakali ee, ewan. Parang gusto ko ng umuwe, ayoko munang pumasok" sagot nya.

"Para kang sira, ano ba, Ford. Kalimutan mo na yun" sabi ko at medyo umasim yung mukha nya. Medyo wrong move ako dun

"I mean, sorry. I should stop acting like I know your pain" biglang bawi ko at tumingin sa other side ko. Jusko. Maiiyak pa ata ako.

"Hindi, okay lang. Siguro nga, tama nga. Dapat ko na talagang kalimutan yun" sagot ni Ford

"Dont be pretentious, Ford. Alam ko na masakit pa din, go ahead. Ilabas mo lang, wag mong kimkimin. I will never get tired of listening and understanding you"

Nakahawak pa ko sa pisngi nya. Yung para kaming nasa romantic movie na nagbabatuhan ng cliche na linya at walang pakialam sa paligid

(Hindi alam nila Ces at Ford na nandun na yung subject teacher nila at kitang-kita yung sweetness nila sa likod)

"So, goodmorning Ms. Dominguez and Mr. Valencia, are you done?"

Biglang nagsalita si Mam. Flores sa harap. Medyo naconscious naman ako na binaba yung kamay ko na nakahawak kay Ford at para kaming tanga na kunwari hindi kami magkakilala at parang strangers lang kami.

"Are you done?" Tanong nya ulet

"Yes po Mam" sabay kaming nagsalita ni Ford at talagang exact phrase yung sinabi namin. Nagkatinginan pa kami na parang mga baliw.

"Si Ford po kasi"

"Si Ces po"

Magtuturuan pa sana kami kaso parang ang awkward lang kasi agaw eksena na talaga kami sa mga classnmate namin. Nahihiya na din talaga ko to be honest. Kung pwede lang na bumuka ang lupa at lamunin ako nito for a while, ginawa ko na.

"You two looks like a very good couple, anyway. Going back--" sabi nya at nagsimula na sya ng kanyang introduction

"Couple?" Inulet ko pa na parang diring-diri ako.

"Parang tanga no?" Tanong ni Ford. Bulong lang yun

"Oo nga, parang tanga. Couple daw ba ee" ayan. Bina-backstab namin si Mam. Dyan kami magaling ni Ford ee.

Nagsisimula na yung discussion pero may part na nakikinig ako kay Mam. Flores and at the same time, nadi-distract ako ni Ford. Bwisit kasing lalaking to. Andaming pakulo.

"What will you do next, yes, Mr. Valencia?"

Medyo nagulat ako dun and at the same time, syempre nagulat din ng bongga si Ford at muntik pang mabitawan yung phone nya.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon