Chapter 26 | Makeover

128 10 1
                                    

"Ayun naman, mabuti naman at naisipan mo ding sumama saming gumala bakla. Nakakaloka ka" bungad sakin ni Angge pagdating ko sa may terminal ng jeep.

"Subukan nya lang tumanggi. Edi tinakwil na natin yang gagang yan" masunget naman na sabi ni Chester.

"Eto naman. Wag na kayo magtampo. Eto na nga ako oh, Im all yours. Tara na, san ba tayo pupunta?"

Sabi ko na lang at sumakay na kami ng jeep. Mga bwisit din tong mga impaktang to ee. Kung hindi ko lang talaga sila mahal, naku.

Pero mabuti na din naman yun, at least makakasama ko ulet sila at alam ko na nagtatampo na din sila sakin dahil lagi na lang si Ford ang kasama ko. Mabuti na din to para makabawi sa mga gaga.

"Asus, ang sabihin mo. Mas naeenjoy mo na kasama yung bagong bestfriend mo" sabi naman nitong si Angge. Tampo-rurot pa ang gaga. Akala nya kinaganda nya.

"Eto naman, eto na nga oh. Kasama nyo na ko today" sabi ko nung pasakay na kami ng jeep at naghihintay ng ibang pasahero.

Mabuti na lang din at weekend kaya kahit papano nakalabas na naman ako. Pero bigla ko ding naaalala na its been a week na din pala since nung lumabas din kami ni Ford no? Engks. Sorry. Erase muna natin yung lalaking yun ngayon. Please lang self. Pigilan mo muna ang sarili mo sa pagiisip sa kanya.

"Anyway, san nga ba tayo pupunta?" Tanong ko

"MOA na lang tayo gumala" sabi naman ni Chester since sya din naman ang nag-aya, sige na edi go. Wag nating kontrahin si Senyora

Nung nakadating kami sa MOA. Kumain lang kami sandali sa isang fastfood since hindi namin ganun ka-afford kumain sa mga mamahaling restaurant na nakahilera dun.

Window shopping lang ang ginawa naming pampalipas oras. Tingin-tingin ng mga damit. Sukat-sukat tapos kapag inuusisa kami ng mga staff.

"Ay sige po, balik na lang po kami later. Magwi-withdraw lang po ako" maarte at may class na sabi ni Chester at talagang pinapakita pa yung ATM nya. Pa-rich kid ang gaga. Eh sa scholar nya lang naman yun. Anyway, magandang distraction na din yun kesa naman iba isipin nung staff at sabihin na nakisukat lang kami like that. At least kahit papano hindi awkward. Galing diba? Galawang Chester yan ee :sarcasm:

Pauwe na din kami that time pero may nadaanan kaming kabubukas lang na salon. Syempre bago, may mga offer-offer sila like that. Discount o kaya parang package deal kemberlu.

"Uy tara, try natin" sabi naman ni Chester. Bakla ee. Kaya expected na talaga

Nagpagupit sya ng konti at nagpakulay. Ako naman, nagpa-manicure lang para naman masabi na hindi kami nakitambay lang at para na din maka-bweno mano dun sa nasabing salon.

"Bakla ikaw, ayaw mong magpagupit?" Tanong ni Angge habang nagpapa-trim

"Ha? Hindi na" sagot ko na lang.

"Sige na, bakla. Magpagupit ka na, kahit trim lang para naman mabawasan mga split ends mo" sabi naman ng Chester. Aba luko tong gagang to ee.

"Sagot ko na bakla kung nagaalangan kang gumastos, jusko. Magpagupit ka lang, please naman Cecilia"

Bakit? Nakakaloka tong dalawang to. Parang sobrang big deal sa kanila na magpagupit ako.

"Para squad goals tayo gaga. Lahat tayo bagong hairdo. Ganern" sabi naman ni Angge. I just rolled my eyes. Bahala na nga

Umupo na ko dun sa may upuan at pinabayaan na yung staff na gupitin yung buhok ko.

"Ay teh, ano sa tingin mo magandang style para sa kanya?" Sabi ni Chester at kinakausap yung staff.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon