Chapter 45 | Take It or Leave It

120 4 3
                                    

"Hindi ka maglalaro?" Tanong ko kay Nato

Nginitian nya lang ako. Nye. Yun lang naging response nya?

"Akala ko ba may game kayo?" Tanong ko ulet

"Meron nga, pero si Ford na bahala" finally. Nagsalita din sya. Pero bakit nya sinasangkalan si Ford?

"Akala ko ba, diba ikaw yung team captain?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo nga, pero hindi na ngayon" sagot nya

"Si Ford na?" Tanong ko. Tutal lagi nya namang bukambibig si Ford diba?

"Oo" prenteng sagot nya at nakapamulsa pa.

"Oh bakit?" Tanong nya nung napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit biglaan naman ata?" Tanong ko pero ayan na naman tayo sa pagngiti-ngiti nya na yan.

"Hindi ba, sabi ko sayo noon, ugh. Basta, aalis na ko ee" sagot nya. Medyo nagaalangan pa sya sa pagsagot nun.

"Bakit?" Tanong ko and obviously its sound patheticly.

"The plan has been changed, hindi ko na matatapos yung school year dito. Effective this January, magtra-transfer na ko sa Ateneo to be in the Junior Basketball team" sagot nya. Medyo napayuko sya nung sinagot nya yun at medyo napailing naman ako kasi biglang may tumulo na luha sa mga mata ko. Ang OA lang.

"Goodluck, masaya ko para sayo" sabi ko. Ang plastic ko sa part na yun.

"Thank you, wag ka na malungkot. Kapag may time naman ako, dadalaw-dalaw din ako dito. O kaya malay mo, magkita pa din tayo sa sakayan ng jeep. Hahaha" sabi nya na lang para kahit papano wag akong malungkot. Wow

"Anyway, san ka nga pala ngayon?" Tanong nya at sinamahan nya ko sa news writing room.

"Una na ko, goodluck" sabi nya sabay kindat pa sakin bago naglakad paalis.

Parang medyo distracted ako dun sa nalaman ko na aalis na nga si Nato. Ang bilis kasi, akala ko mahaba pa yung time para makasama sya. Hindi na din pala. Siguro nga dapat ko ng ding kalimutan yung kung ano mang affection na nararamdaman ko sa kanya, noon pa.

The reality...

May gusto na din naman si Nato kay Ces noon pa. Siguro hindi nya lang din maamin ito dahil ayaw nyang isipin na nagta-take advantage lang ito knowing na may gusto din sa kanya si Ces.

All this years, tinago lang din ni Nato yung kung ano mang nararamdaman nya kay Ces. Nagkaron sya ng girlfriend, si Bettina ngunit kabaligtaran naman ito sa mga katangian na hinahanap nya sa isang babae. Ganda lang ang nagdala kay Bettina ngunit hindi nya nakayanan ang gaspang ng ugali nito kaya naghiwalay din sila.

Sa kabilang banda, nagkaron ng magandang samahan sila Ces at Nato bilang schoolmate at magkaibigan (hindi nga lang open sa lahat). Kapansin-pansin din na nagiging malapit si Nato o di kayay gumagawa sya ng mga paraan para magkausap o magkita sila ni Ces.

Nung nalaman nya na may gusto din si Ford kay Ces. Dito na nya tinigil ang kung ano mang nararamdaman nya sa dalaga dahil alam nyang mawawala din naman sya sa eskwelahang pinapasukan nila at alam nya din na magiging masaya sila Ford at Ces bilang magkasintahan kung sakali dahil sa magandang pagkakaibigan nila.

Kaya nga ganun na lang kung i-push nya si Ford kay Ces, dahil alam nito na parehas lang silang nagtataguan ng nararamdaman nila at sya nga itong lalaki, hindi man lang sya ang gumawa ng way para umamin sa dalaga.

•_•_•

Nagco-cover ako ng Quiz bee sa kabilang building. Yun kasi yung gagawan namin ng balita kaya kailangan namin ng coverage para makakuha ng details and infos.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon