Chapter 61 | Stop. Look. Listen

104 3 1
                                    

"Bakit ka naman nagpaulan, Ces?" Tanong ni Mama nung pag-uwe ko. Nakatingin lang din sakin si papa. Napansin kong nagtama yung paningin namin kaya sumagot na din ako ng palusot ko.

"Magkasama ba kayo ni Ford?" Tanong naman ni Papa

Napalunok ako bigla.

"Hindi po, pa. Naabutan lang po talaga ko ng malakas na ulan. Nasira din po kasi yung payong ko dahil sa lakas ng hangin" sagot ko. I guess valid naman talaga yun dahil kita naman yung bali sa payong.

"Ah sige, magbuhos ka para hindi ka magkasakit. May nilutong champorado ang mama mo, kumain ka" sabi nya at pumasok na ko. Kung normal na araw yun, may paghalik pa ko sa kanila pero ngayon, wala. Deadma. Dere-derecho lang akong pumasok. Siguro gets na nila yun na dahil nga basa ako, pero ang totoo. May tampo pa din talaga ko.

Naligo ako tulad ng pagkakasabi ni Papa para hindi ako magkasakit. Bumaba na din ako at kumain ng meryenda na niluto ni Mama. Sakto, medyo malamig ang panahon kaya bagay na bagay ang mainit na champorado.

"Ces, kamusta ka na?" Tanong ni Mama nung kumakain ako.

"Ayos naman po" sagot ko at napapa-cringe pa ko. Parang ang awkward kasi na nagtatanong sya sakin ng ganun.

"Sigurado ka?" Tanong nya at napatigil ako sa pagkain ko.

"Anak, *hingang malalim* Sana maintindihan mo kung ano man ang desisyon ng papa mo" nakataas ang kilay ko na nakatingin sa kanya. Alam kong parang ang bastos, pero bakit ganun diba? Hindi ba nila naisip na masakit para sakin yun?

"Masakit para sakin na makita ka na nagkakaganyan"

I just rolled my eyes. Parang nonsense na lang ee. Bigla na nga akong nawalan ng gana ee.

Pero nung niyakap nya ko. Parang dun ako biglang lumambot. Yung feeling na alam mo sa sarili mo na hindi mo pala kayang magalit sa magulang mo.

Sometimes, when the beast got caged, the beast get angry. Hindi ba, the more na nakukulong or nasasakal ka, the more na lumalaban or nagre-rebelde ka?

Kinabukasan

Nasa school na ko at umagang-umaga pa lang. 6am pa nga lang ata nandito na ko hindi kagaya dati na sobrang late ko pa. Nakakapanibago, yes. Pero parang mas awkward kasi kung nasa bahay pa ko. Dito kahit papano, basta. At least malayo sa awkward atmosphere kapag kasama ko sila Papa.

Nasa canteen ako nun at dumadami na din yung mga estudyante. Unconsciously, hindi ko man gustong makiusyoso sa paguusap ng dalawang babaeng kararating lang pero medyo nasaktan kasi ko nung narinig ko yung pinaguusapan nila.

"Wala na nga pala si Nato no? Hindi na sya dito maga-aral. Lumipat na sya ng school" sabi ni ate girl number 1.

"Oh? Akala ko ba tatapusin nya pa yung school year dito?" Tanong ni ate girl number 2

"Hindi na ee, lumipat na din kasi sya agad kasi maganda yung offer sa kanya nung school na lilipatan nya. Hindi na sya nagkwento ee, basta yun lang ang alam ko. Sayang, wala na tuloy akong katabing gwapo sa room"

Parang biglang nanikip yung dibdib ko na hindi ko malaman. Ang tanga lang, diba? Feeling ko sobrang loser ko na at kung makapag-act ako para kong girlfriend na naiwan ni Nato.

Pero diba ang sakit lang? Si Ford nga pinaglalayo kami, tapos si Nato naman wala na sa school diba? So parang nawalan ako ng kakampi. Nawalan ng kaibigan. Alam kong parang ang OA pero ngayon na nga lang kami naging close ni Nato tapos ganun pa. Nakakapanghinayang.

Sa first class namin. Medyo dumadami na kami unlike kahapon na marami pang bakante na upuan. So expected na na sobrang ingay na naman namin.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOOOOOUUU!" Narinig ko sa komosyon ng mga kaklase ko. Birthday pala ni Karlo. Yung class escort namin.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon