Pagkatapos naming kumain ni Nato. Hindi ko alam kung bakit pero bigla talaga kong na-awkwardan na ewan. As in, parang bigla akong napabalik sa realidad mula sa isang illusyon na tipong "ano ba ginagawa ko dito?"
"Nato..." hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Bakit?" Tanong nya habang umiinom ng softdrinks.
"Itatanong ko lang, ah. Ano..." teka, tama ba talaga na tanungin ko sya about dun?
Sandali. Abort. Wag na pala.
"Ah, wala. Nakalimutan ko na pala. Nasa dulo na ng dila ko ee" ayan, mas lalo pa tuloy akong nahiya.
"Ako muna magtatanong sayo, kung okay lang?"
Medyo kinabahan naman ako. Ngayon nasa kanya naman ang baraha. Ano naman kaya ang itatanong nya?
"Bestfriend mo si Ford, diba?" Tanong nya.
"Yes. Oo, mag-bestfriend kami" sagot ko. Bakit naman nya tinatanong si luko? Wait lang aa. Ano to?
"How is he?" Medyo nanlaki yung mga mata ko dun. Bakit nya kinakamusta si Ford? Alam kong it sounds awkward pero, Nato. Bakla ka ba?
"Ha? Ah, ayun. Okay naman. Mabuti naman" sagot ko.
"I mean, how is he? Alam kong sobrang down nya this past few days right after that scene in the grounds last time. Is he getting over it?" Tanong nya. Teka nga, medyo nagtataka naman ako. Bakit naman nagkainteres sya sa buhay ni Ford?
"Yes, ano. Actually, medyo nakakalimut-limutan nya na din naman yun. And Im doing my best to mend his heart. Ayokong nakikitang nasasaktan yung bestfriend ko ee" sagot ko. Bakit naman ganun, self? Bakit may pagdra-drama?
"Talaga? Good. Thats good" sagot nya din at nakangiti sakin.
"Bakit mo nga pala tinatanong si Ford?" Tanong ko. Medyo mabigat-bigat to. Pero hindi ko naman ine-expect na mas mabigat pala yung itatanong nya din sakin.
"You love him, right? More than bestfriends"
Napatigil ako dun. Teka, Nato. Bakit naman ganito napunta usapan natin? Personalan na ata to aa?
"Hi-hindi aa" pag-dedefend ko. Napapangiti na lang sya.
"Ford, hes really a good guy. Bagay kayo" kinikilabutan na talaga ko sa mga linyahan ni Nato.
"Madami na din ang nakakapagsabi, pero imposible talaga ee" sagot ko. Tumataas talaga balahibo ko. Seriously.
"Bakit, ano ba pumipigil sayo para hindi mo aminin kay Ford na gusto mo sya?" Tanong nya
"Nato....Kaloka aa?" Medyo iritable na sabi ko.
"Look, mag-bestfriend lang kami ni Ford. And, honestly. Dahil sa pagiging malapit namin, nasira yung pagkakaibigan namin nila bakla. Sa tingin mo ba---" magsasalita pa sana ko kaso nagsalita din sya in his powerful statement that freeze me.
"Mahal mo si Ford, and mahal ka din nya. Hanggang kailan kayo magtataguan?" Tanong nya. May sinabi pa sya ee, hindi ko lang masyadong naintindihan.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?