Chapter 63 | Unwanted

69 3 2
                                    

"Ang galing mo kanina, Ba" sabi ko kay Ford nung pauwe na kami. Sakto at katatapos lang din ng training nila ng Basketball.

"Hahaha. Idol mo na naman ako. Ikaw ba yung sumigaw kanina?"

Parang biglang lumaki yung mukha ko na hindi malaman. Ang tanga mo talaga, Ces. Nabosesan nya nga ako.

"HA? Ano, anong sumigaw? Eh nasa library ko kanina" palusot ko na lang.

"Weh? Yung nag I LOVE YOU FORD?"

Nakatingin pa sya sakin ng mata sa mata. Shet. Paano na?

"Hala. Hindi aa? Kapal neto"

At dead air na. Mabuti na din yun at tahimik lang kaming nakasakay sa jeep habang binabagtas namin ang daan pauwe. At dun ko narealize na sobrang tanga ko talaga. Bakit nga ba ko sumigaw ng ganon?

Nakatingin ako kay Ford since magkaharap kami at nakayuko lang sya since medyo pagod nga ata ang luko sa training. Sa loob-loob ko. Parang gusto ko syang iuntog na lang sa pader or what para magkaron sya ng amnesia at makalimutan nya yun.

Engks.

Dumerecho na sya ng tingin. Ngumiti pa sya sakin. Nawala na agad sa isip ko yung evil plan na yun. Which is obviously, sobrang stupid na naman. Ano ba, Ces?

Wait, nakatingin sya sakin. Paikot-ikot yung mata ko kung saan-saan. Kunwari hindi ako nakatingin sa kanya. Baka mamaya bigyan na naman nya ng malisya.

Nung nakauwe na kami. Dun na ko dumerecho sa kwarto ko at parang ginusto ko na lang ata na mag-kulong na lang dun at wag na magpakita kay Ford. Shet.

Ano ba drina-drama ko? Eh ilang beses nga akong nag-attempt umamin sa kanya ee. So ibig sabihin, kung sakali nga pala talaga na sinabi ko sa kanya ng derecha yun......

Pagtatawanan nya ko?

Mygod. Parang naririnig ko na sa isip ko yung malulutong na tawa ni Ford. Parang alam ko na kung ano magiging ending nun kung sakali talaga na nag-confess ako sa kanya. Kaya mabuti talaga na hindi talaga. Hindi. Hindi. Hindi talaga

"HINDIIIII!"

At biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ces, bakit ka sumigaw? Ano nangyare?"

May pagpapanic pang sabi ni Kuya at sa background nakita ko din si Mama na kararating lang at pumasok sa kwarto para i-check kung okay lang ako.

"Ha? Hala, naku. Sorry, napalakas ba? Nagpra-practice kasi ko ng lines ko para sa drama, este play namin sa school bukas ee. Wait, ano nga ba yung lines ko? Teka"

Mabuti na lang may kemeng folder ako sa malapit sa unan ko. Thankful na din ako at makalat ang kwarto ko this time kaya kahit papano, medyo valid ang reason ko at paniwalang-paniwala sila kaya maari na silang makalabas.

"Muntik na ko dun" sabi ko na lang sa sarili ko at sinasampal-sampal ko pisngi ko at may bonus pang sabunot.

Bakit ba napapalakas ang boses ko. Supposedly kapag iniisip ko, dapat sa isip ko lang. Eh bakit napapalakas talaga at nasisigaw ko pa?

Jusko. Nakailang pagsisinungaling ako today? Siguro kung ako si Pinocchio, malamang ang haba na din ng ilong ko.

•_•_•

May training ulet sila Ford ng basketball. Bali morning drills pala nila. Kaya pala hindi ko sya naabutan pagpasok. Anyway, going back. Habang naglalakad ako papasok ng classroom namin.

"AHHHH! I LOVE YOU FORRRDD!"

Swear. Nah. I swear, hindi talaga ko yun. Pero rinig na rinig ko na may sumigaw nun mula sa may grounds. Teka, nasan ang lapastangang babaeng yun?

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon