Chapter 5 | Riot

137 6 1
                                    

Dumating yung mga araw na puro pag-aaway at pagba-bangayan ang ginawa namin ni Ford. As in, totally from morning to afternoon. Lahat ata ng subjects nagsasagutan kami, nagbabarahan, nagpapataasan at nagkakainitan. Minsan kahit simple lang yung dahilan, wala na. Sya din naman kasi ang may kasalanan kung bakit gumugulo ang buhay ko. Its been one week pa lang since nung dumating sya sa section namin pero ganun na agad yung pinapakita nya. Nakakainis. At ang mga magagaling ko namang kaklase, ayun palibhasa bagong salta eh si Ford agad ang kinakampihan. Mga bwisit din ee.

Worst section na nga kaming maituturing, mas lalo pang naging worst dahil sa panay-panay na reklamo ng mga teacher namin dahil nga sa bawat period/klase namin ay lagi kaming may away o sagupaan ni Ford.

"Ms. Dominguez, at ikaw Mr. Valencia. Lagi kayong nag-aaway. Que bago-bago mo pa lang dito, ganyan na agad ang pinapakita mo" panenermon samin ni Mam. Masu

"Sorry po, Mam" sagot naman ng Ford na parang tupang maamo. Ang plastic ampota. Nakayuko pa at parang nag-papaawa pa ang luko. Sarap sapakin at hambalusin ng dos-por-dos.

"At ikaw naman, Cecille" sakin napunta ang bala at mala armalite na sermon nya. Pero lakas maka badtrip na binuo nya name ko. Wtf

"Yes, mam. Im sorry po, hindi na po mauulit" sagot ko.

Ay teka, wait lang. Tama ba yung nasabi ko? Pero sige na nga, hayaan na lang. Wag na lang hayaang papasukin ang espiritu ng kabadtripan dahil sa bwisit na Brent Ferdinand na yan.

Ford, play dead. Ganun. Kunwari walang Ford na nage-exist dito sa room. Kunwari hindi pa sya dumadating at normal-normal lang ang lahat.

Ekis. Negative. Mali.

PE namin that time. Unlike sa ibang subjects namin na written or paper based ang exam. Dito naman performance task. Volleyball yung PE namin and as usual, may grupo-grupo na naman. Syempre given na na hindi kami ang magka-grupo ni Ford at kami pa din ang magka-away.

"Mine, mine, mine!" Sigaw nung isang ka-team ko nung tino-toss na sa kanya yung bola para ma-spike nya.

"Im yours, Im yours, Im yours"

Sabi naman ni Ford. Yes, si Ford na nasa bench at nanunuod lang. Babae kasi yung sumigaw nun, at syempre given na kinilig yung babae na yun at kinantsawan naman ng mga magagaling kong kaklase.

"Uy, selos si Ces! Hahahaha" asar ni Garfield. Aba ang impaktitang bakla, prino-provoked ako. Hayaan mo na si Chester ang umaway sa kanya, hindi kami magkalevel. Hindi ako pumapatol sa isang tao na naligo sa tinta ng pusit sa sobrang itim. Ay ooppps. Sorry, sige na nga. Moreno sya, na papunta na sa mala Barack Obama.

Hindi ko na lang sya pinansin at mas nagfocus sa game. Ignore all the negativity Ces, conceal your emotions. Wag ka muna magsimula ng gulo.

"Hoy! Gumalaw ka! Para kang tuod dyan!"

Sigaw ni Ford. Yep, hes cheering me pero may criticism. Oo nga naman, halos yung ibang mga members ko lang yung gumagalaw. Eh sila lang din naman kasi ang naglalaro at nakakapag-defense ee. Sila lang din kasi yung talagang may alam sa laro, ako? Ayun. Standby lang. Props lang.

Wait. Eto na, papunta sakin yung trajectory ng bola. Idi-dig ko na sana kaso, patay. Nagiba yung direksyon ng bola. Hindi sa kabilang court kungdi sa gilid, sa mga bench to be specific. Sakto naman na nandun nga ang Ford at natamaan sya ng bola sa ulo habang umiinom ito ng tubig.

"Fck. Hala, sorry!" Dispensa ko. Lumapit pa talaga ko sa side nya para humingi ng sorry.

"Weh, sinadya mo yun ee" sulsol nung mga classmates ko.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon