"Friend, tandaan mo. Walang award para sa Most Martyr, at Most Tanga sa Paibig mamaya aa? Baka kasi umasa ka na naman ee, umaasa ka na nga kay Ford, pati ba naman sa award umasa ka pa din d---" panenermon sakin ni Angge kaya nakatikim tuloy ng batok sakin at muntik na talagang sumubsob ang mukha nya sa spaghetti na kinakain nya. Bwisit na to.
"Impaktang to. Oo na, sige na. Wag mo ng ipamukha sakin" sabi ko na lang at ini-irapan sya.
"Jusko, ateng. Yun naman talaga role ng bestfriend diba? Yung ipamukha sayo lahat ng katangahan mo at itama ang landas mo kapag naliligaw ka na" sagot naman nya. Fine, bestfriend ko nga pala tong dalawang to.
"Saka ibahin mo naman kami sa 'bestfriend' mo na bago na walang ibang alam gawin kungdi ang paasahin ka. Like, seriously. Ginagamit ka lang nya friend" sagot naman nitong si Chester. Which is obviously, si Ford ang tinutumbok nya.
"Grabe naman kayo" pagde-defend ko.
"Tignan mo, pinagtatanggol mo pa" sabi nya at may pagtapik sa noo ko.
"Hindi naman sa pinagtatanggol ko, basta. Ano, bestfriend lang naman kami ee, alam ko limitasyon ko" sagot ko.
"Yun na nga ee, alam mo yung limitasyon mo pero ikaw, ayun. Nage-exceed pa din. Lagpas ka na te. Inlove ka na nga ee, yun nga lang. Hindi nya nakikita or nararamdaman, kasi nga. Ang gusto nya si Bettina" sabi ni Angge. Tignan mo to, pinamukha pa talaga sakin ee no? Bastos masyado si ate girl.
"Ateng, may balak ka bang sabihin kay Ford na nafa-fall ka na sa kanya?" Tanong naman ni Chester.
"Mga bakla, wala. Duh, as if naman maniwala yun" sagot ko.
"Kawawa ka naman" sabi ni Angge. Nakiki-simpatya ba to o nangaasar?
"Hoy mamang. Ngi minsan ba, hindi man lang pumasok sa isip mo na umamin kay Ford? Kahit wag mo biglain, unti-untiin mo. Like, basta. Iparamdam mo sa kanya yung-- ang hirap i-explain ee. Yun, na mahal mo na sya"
Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ng mga to. Bakit naman ako aamin kay Ford? Edi nasira pagkakaibigan namin, diba?
Saka, for sure naman. Napasabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin. Yun nga lang, medyo indefinite yun. Pero sana kahit papano, marealize ni Ford na para talaga sa kanya yun.
(Meanwhile, on the other side of the story)
"Pag pumunta dito si Ford, pwede bang kantahan nyo sya?" Sabi ko nung nag-abot ako ng bayad kay Doreen. Since babae sya at friends din naman kami.
"OMG" kinikilig na agad sya.
"Okay, okay. Ako bahala. Pero seryoso, dont tell me, --- omaygad. Sabi ko na nga ba ee" tignan mo to. Nangiinis pa. Oo nga naman diba, saksi sya sa mga cat-dog fights namin ni Ford tapos biglang may ganito. May pa request ng song. May pa secret message.
---
Lumabas na si Ces kasama sila Chester at Angge para maglunch.
May lunch din yung mga boys (team mates ni Ford) bilang advance celebration nila sa pagiging second place sa Basketball. Pagkatapos ng nasabing tanghalian, bumalik na sila Ford at pumunta muna sa classroom nila para magpahinga.
"This song is dedicated to......" panimula ni Doreen. Nakaupo lang sila Ford sa mga armchair sa gilid.
"Ford Valencia"
Asaran agad yung mga boys. Kinakantsawan si Ford at ini-intriga.
"This song is from, hindi pwedeng sabihin. Basta, this song is dedicated for you, so enjoy"
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?