Chapter 42 | Dennis vs Ford

124 6 2
                                    

Meanwhile, on the other side of the story...

Kasalukuyang nagtra-training ng basketball si Ford dahil sumali ito sa varsity team ng school nila at may game na sila sa makalawa kaya puspusan na din at naghahabol sya ng practice.

"Pre" tawag ni Ford kay Nato.

"Bakit? Mag-focus ka" sabi ni Nato at nakafocus sya sa paglalaro pero pinansin nya pa din si Ford.

"Wala" sagot ni Ford at bigla syang tumigil at nagpunas ng pawis.

"May problema ba?" tanong ni Nato at nakahawak sa balikat ni Ford dahil halata na balisa ito.

"Si Ces kasi ee, ano. Basta" hindi nya alam kung paano sasabihin kay Nato yung nalaman nya.

"Ano si Ces?" Tanong nya

"Kasi ganito yun, may nagte-text sa kanya nung mga nakalipas na araw, nakikipag-kaibigan sa kanya--" panimula ni Ford nung nakaupo na sila sa benches pero sumabat agad si Nato.

"So nagseselos ka?" Tanong nito

"Hindi naman sa nagseselos ako, pre. Pero yung nagtetext na yun, alam ko gagag*hin lang nun si Ces. Lalo na't kilala ko yun. Kilala mo ba si Dennis? Yung ex ni Bettina?" Pagpapatuloy ni Ford.

"Woah-woah. Ex ni Bettina? Eh halos magi-ilang buwan pa lang sila aa?" Parang nagulat pa si Nato sa nalaman nya.

"Ha? Alam mo?" Tanong ni Ford

"Oo naman, si Dennis Torrecampo yung pinalit sakin ni Bettina ee" sagot ni Nato na kinagulat at hindi makapaniwala si Ford.

"Hutaena. Ex mo si Bettina!?" Tanong ni Ford na ayaw nyang paniwalaan yung nalaman nya.

Tumango lang si Nato at biglang natahimik.

"Paano nangyare yun?" Tanong ni Ford

"Dahil walang lalaking nagtatagal kay Bettina, shes a bitch. Maganda lang sya, pero masama ugali nya" sagot ni Nato.

"Kaya--" may advice pa sana si Nato kaso bigla syang pinutol ni Ford.

"Ano ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Bettina? Yun, shes the queen bee of the school. Lahat ng lalaki, patay na patay sa kanya. Pati ako, noon. Pero nung naging kami, dun ko sya mas lalong nakilala. Lagi syang nagger, lahat gagawin nya to make her look rich and famous. At kapag wala ka ng pakinabang sa kanya, wala. Basura ka na lang" sagot nya.

"Kaya tama lang na binusted ka nya, at least hindi mo na yun mararanasan. At least maaga pa lang naligtas mo na agad ang sarili mo sa mga---" pagbibigay advice ni Nato.

"Grabe. Salamat, pre. Ngayon ko lang nalaman to" sabi ni Ford

"Eh si Dennis?" Tanong ulet nito

"Dennis? Ayun, mayaman lang yun. Pero masama din ugali" sagot ni Nato

"Kaya dapat ko talagang protektahan si Ces sa kanya" matigas na sabi ni Ford at parang nagiinat pa ng kamao.

"Yes. Pero tama na yan, tara na. Practice na tayo ulet" aya ni Nato at bumalik na sila sa court.

Pagkatapos ng nasabing practice nila. Magisa na lang si Ford sa may parking lot at papunta na sana sya sa motor nya ng may humawak sa balikat nya, sakto nung kanyang pagharap ay isang kamao ang tumama sa mukha nya na agad nitong kinatumba.

"Ano!? Lalaban ka!?" Sabi ni Dennis

"Gag* ka" sagot ni Ford at agad tumayo.

"Alam mo, ikaw. Kahit kailan talaga lagi kang epal" matigas na sabi ni Dennis at nakaduro pa kay Ford.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon