Last day ngayon ng Intramurals sa school. Mamaya, awarding ceremony na. Pero bago yun, championship game naman para sa Basketball. Team nila Ford laban sa mga Senior years.
Dahil may oras naman ako, pinanuod ko yung nasabing game nila Ford. Wala lang, supportive bestfriend lang ang role ko dun. Alam ko naman kasi na may ine-expect sya na manunuod para sa kanya, syempre given na si Bettina yun.
"Pag nanuod si Bettina, sobrang saya ko" sabi sakin ni Ford nung kausap ko sya kagabe. Bastos ee no? Walang preno. Hello, may damdaming nasasagasaan oh.
"Nakita ko kaya sya nung last game namin. Ang ganda nya, hindi nya na kailangang magsuot ng cheerleading uniform ee. Hahaha"
Nagsasalita lang sya pero parang lumalabas lang yung mga sinasabi nya sa kabilang tenga ko. Napapatingin na nga lang din ako sa ibang direksyon kasi feeling ko may tutulo na luha sa mga mata ko. Syempre, ang awkward naman kung makikita pa yun ni Ford no.
It hurts me, a lot. The pain is literally killing me. Ganito pala yung feeling na hindi ka gusto ng taong gusto mo no? Tapos ikaw pa tong pinagsasabihan nya, o sayo sya nagoopen kung gaano sya kapatay na patay sa babaeng gusto nya. Yung bawat compliment nya o papuri nya eh parang tumatapak sa pagkatao mo. Like hello, Ford. Im here, yuhooo. Hindi mo pa ba ko nakikita ganung nasa harapan mo lang ako? Sabagay, love is blind nga sabi nila.
Hindi ko maiwasang hindi masaktan, wait. Wala nga pala kong karapatan. But lets say na magtampo kay Ford. Sino nga ba ko diba? Hello, I have to slap myself real hard. Bestfriend nya lang naman ako. Hanggang dun lang. Fix lang ako sa ganitong attachment sa kanya.
"Bagay naman kami diba?"
Hindi ko alam kung manhid ba tong si Ford or what ee. Pero syempre, given na yun na hindi. Hindi naman nya kasi alam na may gusto na ko o nafa-fall na ko sa kanya and most importantly, alam nya na imposible na magkagusto sya sakin dahil alam nya na the feeling is mutual lang din. Ang saya nitong set-up na ganito ee no? Lasang tanga.
"Ha? Oo. Gwapo ka, maganda sya. Bagay na bagay kayo"
Wow naman self. San mo naman nakuha yung guts para sabihin yun? Para kong may nginunguya na bato habang sinasabi ko yun. Like wtf. Ang sakit kaya. Talagang ako pa nagcompliment ee no? Siguro kung kasama ko ang mga gaga kong kaibigan malamang may sabunot ako dun.
"Talaga ba?" Tanong nya
"Oo kaya. Bagay kayo"
Pota. Double kill. Yan tayo ee, pilit mo pang pinagtutulakan sa iba kahit deep inside sa sarile mo pinapatay ka na.
"Huy, nakatulala ka dyan"
Medyo nabalik lang ako sa realidad nung binato sakin ni Ford yung bimpo nya nung pagkatapos ng warm-up nila. Grabe, masyado ko namang dinamdam yung usapan namin kagabe.
"Wala, kinakabahan lang" sagot ko
"Bakit ka naman kinakabahan?" Tanong nya. Teka nga, bakit nga ba? Masyado naman kasi kong mema ee.
"Wala. Basta, ingat ka aa. Baka mainjured ka. Tanga ka pa naman" pantra-trashtalks ko sa kanya.
"Hahaha. Magiingat talaga ko. Ayokong mapahiya kay Bettina ee" sabi nya sabay turo sa kabilang side at nakita ko nga sya na nakaupo kasama sila Carly at Rhea na kapwa bitchesa friend nya. Yung parang napapanuod nyo sa mga movies na laging may asungot na back-up yung mga queen bee ng school like that.
Sa pagpito ng referee. Umalis na din si Ford at usual, ako yung naging tagabantay ng gamit nya. User din tong si Ferdinand ee.
Habang nagme-meeting sila kasama yung coach namin. Nakita ko na tumingin sya sakin saka nya ko kinindatan na parang inaasar ako. Pero bakit ganun, bakit kinikilig ako? May problema na nga ata talaga ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109254864-288-k657833.jpg)
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?