Chapter 43 | Paramdam 101

114 4 1
                                    

Meanwhile, on the other side of the story...

"Ford, napaano ka?" Tanong ni Doreen.

"Wala to, ano? Tara na, practice na tayo. Mamaya may practice na kami ng basketball. Game na namin bukas" sagot naman ni Ford.

"Sige-sige. Teka, nasan na ba si Ces?" Tanong nung isa nilang kasama

"Naku, baka busy pa yun. Alam nyo naman. Sige na, kahit kayo na lang muna ang magpractice. Papunta na din siguro yun" sagot ni Doreen.

Nag set-up na sila ng mga instruments at inaayos na din nila kung ano ang kakantahin nila. Habang naghihintay, napagpasyahan nila Ford na kumanta muna ng isang kanta na hindi nya man kayang sabihin ng direkta kay Ces, pero nailalabas nya sa pagkanta.

Play "Wag mo na sana" by Parokya ni Edgar

Naiinis na ako sa iyo
Bakit mo ba ako ginaganito?
Ikaw ba ay naguguluhan
Saking tunay na nararamdaman, sa iyo.

Ano pa bang dapat na gawin pa?
Sa aking pananamamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyang  pansin, saking paghanga at pagtingin, sayo....

"Naks naman Ford!" Kantsaw nila Doreen dahil alam nila na kay Ces nya dine-dedicate yung kanta.

Wag mo na sana akong pahirapan pa,
Kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na,
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala, oo na, mahal na kung mahal kita.

Ahhhhh...

Ano pa bang dapat na gawin ko?
Upang malaman mo  ang nadarama ko?
Upang iyong mapagbigyang pansin, saking paghanga at pagtingin, sayo..

"Whooooo! Mahal ka din nun Ford!" Kilig na kilig na si Doreen. Alam nya din kasi na may gusto sila Ford at Ces sa isat-isa pero wala lang sa kanilang dalawa ang naglalakas ng loob na umamin.

•_•_•

Wag mo na sana akong pahirapan pa,
Kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na,
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala, oo na, mahal na kung mahal kita.

Naabutan ko si Ford na kumakanta at nagpra-practice para nga sa nasabing battle of the bands. As usual, sobrang nakakakilig ang boses ng kuya nyo. Kaya ayun, kilig na kilig naman ako lalo na't naga-assume pa ko na kanta nya yun para sakin.

Nye. Ang corny mo dun, self.

"Whoooo! Galing-galing mo talaga Ferdinand!" Tuwang-tuwang sabi ni Doreen pagkatapos nyang kumanta.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan yung noo nya na may pasa.

"Ano, okay na ba yan?" Tanong ko. Wow naman, Ces. Nagfe-feeling ala caring girlfriend ka naman sa part na yun.

"Okay na ko, wala to. Kaya ko na naman ee. Saka malayo naman sa bituka" sagot nya. Parang biglang humangin ng malakas.

"Asan ka nga pala kanina?" Tanong nya sakin

"Ha? Nasa library, nagre-review. Nagtra-training" sagot ko.

"Next time, sabihin mo sakin kung saan ka pupunta para alam ko kung san kita pupuntahan, baka mamaya may mangyare sayo ee, o may gumalaw sayo ee. Mabuti na yung alam ko" sabi nya. Nakangiti lang sarcastically sila Doreen. Mga bwisit na to. At bakit ba kasi may ganitong ganap, Ford? Kung makapag act naman sya parang sobrang protective na boyfriend nya sakin.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon