Chapter 15 | Bestfriend na nga!

135 7 2
                                    

Napatingin lang ako sa kanya na parang hindi ako makapaniwala. As in, naka drugs ba sya? Bakit ganito linyahan nya?

"Bestfriend, ako? Paano? Kailan?" Tanong ko na hindi talaga ko makapaniwala. As in, seryoso talaga. Paano nangyare yun ganung lagi nga kaming kontrapelo at nag-aaway.

"Sus. Kunwari ka pa ee. Pabebe" sagot nya. Imbento din tong si luko ee.

"Bestfriend kita, simula nung inaway ka nung mga pangit na 4th year na yun. Kasi, ako lang ang mang-aaway sayo. Kasi nga ako bestfriend mo"

So ganun? Eh impakto pala to ee. Impakta kasi kapag yung dalawang gaga. Eh lalaki sya, thats why.

"Eh dalawa lang naman ang bestfriend ko ee. Si Chester saka si Angge" sagot ko. Aba, dapat lang. Proud ako na bestfriend ko yung kabayong naganyong tao na yun at yung babaeng GGSS lagi. Gandang-ganda sa sarili nya que laki-laki naman ng bunganga nya kasya ata kamao ni Pacman. Ay sorry, masyado ko namang inapi ang mga friends ko. Pero dont worry, normal naman samin ang maglaitan. Pero mahal namin ang isat-isa at hindi kami mga plastic (ganun, kesa naman sa iba dyan. Ehem)

"Pwes, bestfriend mo na din ako ngayon. Boybestfriend mo" sagot nya din. Aba, ayaw talaga magpatalo. Boy-bestfriend daw. Kaloka

Ano ba, tatanggapin ko ba offer nya? Nagda-dalawang isip ako ee. Pero sige na nga, okay na.

"Fine. Bestfriend" sagot ko tapos nginitian nya ko. Eh walangya namang ngiti yan Ford. Pamatay. I dunno pero may konting kilig sakin yung pag-ngiti nya sakin na parang si Nato. Bwisit. Dumagdag pa sa listahan ng crush ko.

Oo, ang tanga no? Kung sino pa mortal enemy ko sya pa naging crush ko? Muntanga lang.

"Sabi na ee. Hindi mo naman kasi kayang tanggihan kagwapuhan ko" sagot nya.

Aba, mukhang may alter version na si Angge. Kung sya Gandang-ganda. Eto naman eh gwapong-gwapo sa sarili nya. Pero infairness, gwapo naman kasi talaga si Ford. May height, malakas din ang dating kaso yun nga lang.....

"Diba bakla ka?" Panimula ko nung pang-aasar kaya he gave me that killer death glare. As in, ayan na naman. Kung nakakapatay siguro yung titig nya pinaglalamayan na ko ngayon.

"Ay sorry po. Sige po, lalaki na po kayo. Sorry na po Bestfriend" sabi ko na lang na natatawa pero sya masama pa din ang tingin sakin.

"Wala kang leeg no?" Tanong nya. Wait, ano daw?

"Grabe ka, ano akala mo sakin? Pagkatapos ng baba ko dibdib agad?"

Nangtri-triggered to. Judgemental din ee. Yun talaga common denominator namin.

"Ayan oh, dalawa baba mo. Yuko ka" sabi nya so yumuko naman ako. Hindi naman tulisan yung baba ko na parang nagsuicide ako kapag yumuko ako sa mala patalim nitong korte.

"Bilangin natin ang baba ni Cecille" sabi nya at parang yung sa Dora na binibilang yung parang layer ng taba sa may baba ko.

"Isa...dalawa"

Pota. Binigyan ko sya ng isang suntok sa tyan nya. Bastos ee. Binabadtrip pa ko. Pag ganitong may dalaw ako, may sumpong ang maldita self ko.

"Alam ko na tatawag ko sayo, double chin!"

Binigyan ko din sya ng death glare para given na triggered or provoked na ko pero ayaw nya pa ding tumigil.

"O kaya, baba. Babababa. Bababa ba? Bababa" pang-aasar naman nya. Ngayon naman para syang nagtatanong kung may bababa sa elevator or what. Abnormal ka talaga Ferdinand!

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon