Pagkatapos naming kumain at makapag-kwentuhan ni Nato. Lumabas na din kami sa nasabing cafe at saktong magpapaalam na din sa isat-isa. Ay mali, papunta na din sana kami sa sakayan ng jeep kaso nakita ko sa may tapat si Ford at parang hinihintay ako. Alam kong ang assuming ko pero nakatingin kasi sya samin ni Nato.
"Ford!" Tawag ko. Tinigil nya yung pagkalikot nya sa phone nya saka tumingin ng derecho samin. Bwisit din to ee. Kunwari pang may katext. Eh nakita ko na iba tingin nya sakin kanina pa.
"Bakit hindi ka pa umuuwe!?" Tanong ko
"Hinihintay ka ata nya, sige na. Puntahan mo na sya" sabi sakin ni Nato. Ay, ganun?
"Sige-sige, thank you ulet aa" sabi ko at tumawid na ko sa kabilang side at nilapitan si Ford na mala angry birds ang kilay dahil magkasalubong ito.
Kumaway pa ko kay Nato nung naglalakad na to papunta sa terminal. Si Ford naman, ayun. Medyo padabog inabot sakin yung helmet.
"Huy, may problema ba? Sorry na" sabi ko kasi iba talaga aura nya.
"Sakay na" utos nya.
Hindi na din ako masyadong kumibo at alam kong iba timpla ng mood nya ngayon. Knowing na, ano ba ang nagawa mo Ces? To think iwanan mo sya sa ere at pinabayaan mo lang syang magmukhang tanga na bumubuntot-buntot kay Bettina samantalang ikaw ay nagsasaya kasama si Nato. Jusko. Kinokonsensya pa ko ni luko. Quits lang naman dapat kami no? Ano, sya lang dapat happy, ganun?
Habang binabagtas namin yung daan, medyo nakakapagtaka lang kasi parang iba yung way na dinadaanan namin. Parang may iba kaming pupuntahan.
"San tayo pupunta?" Tanong ko
Hindi ako kinikibo ni luko.
"Huy. San tayo pupunta? San mo ko dadalhin?"
Medyo kinakabahan naman ako. Aba, malay ko ba kung dalhin nya ko sa gitna ng NLEX at saka iwan dun. Bwisit din to ee.
"Basta. Wag ka na lang magsalita" sagot nya. Ay hala sya oh. Medyo iritable si kuya natin. Mukhang may dalaw na naman.
Nakatahimik lang ako along the way. Bahala na kung san nya ko dadalhin. *sign of the cross*
Ending, huminto kami sa may park. Hindi ko alam kung saang park to basta maganda sya. As in, maganda talaga. May mga parang ilog-ilog like that.
"Ano ginagawa natin dito?" Tanong ko
"Wag ka na ngang madaming tanong" sagot nya nung hinubad nya yung helmet nya. Hinubad ko na din yung helmet ko at inabot sa kanya.
"Oh ano, hindi ka ba sasama?" Tanong nya nung naglalakad na sya pero ako nakatayo lang malapit sa motor nya. Babantayan ko na lang yun kesa sumama sa kanya eh mukhang mainit ulo ni kuya natin ee.
"Bakit ba kasi ang sungit mo ngayon?" Tanong ko. Kinakabahan talaga ko sa kilos nya. Seriously
"Tara na nga. Dami mong arte ee" sagot nya. Bahala na nga. Nakasunod lang ako sa kanya. Siguro mga 1meter away ako sa likod nya.
Dun sa nasabing park. May parang perya or whatsoever. Eh medyo sabik ako sa mga ganyang perya kasi matagal pa ulet bago magkaperya ulet samin, malayo pa kasi ang fiesta ee.
"Bagal mong lumakad" sabi nya at hawak yung kamay ko kaya medyo awkward naman ako since para nya kong hinihila or should I say aso nya na nilalakad nya sa park.
"Ferris wheel"
Hindi ko alam pero napalakas pala yung pagkakasabi ko nun. Yung para kong batang kulang na lang umiyak para sumakay dun.
BINABASA MO ANG
That Thing Called "Bestfriends" lang
FanfictionThe Bestfriends Playlist (Ford Valencia of BoybandPH Fanfiction) prequel or side story. How the Friendship of Ford and Ces started?