Chapter 9 | Something Electrifying

142 7 2
                                    

Nung pinaparada na ni Ford yung motor. Parang gusto ko na lang biglang mabura yung mukha ko. As in, bakit kami pinagtitinginan ng mga tao? Yes, nga pala. Sino ba naman ang hindi magugulat kung yung dating laging nag-aaway eh bigla nalang sabay papasok ng school, and most surprisingly. Naka-angkas pa ko sa motor nya. Ayun, inggit lahat sila.

"Salamat" medyo nahihiyang sabi ko pagbaba ko at inabot sa kanya yung helmet.

"Wala yun, salamat din pala dun sa Carbonara kagabe. Masarap"

Medyo napatawa ko dun. Dahil ba sa Carbonara kaya nya ko hinintay kanina at isinabay? Jusko, ipagluto ko na ba sya ng Pesto, Lasagna at Tuna Pasta sa mga susunod na araw? Charot.

"Ah, wala yun." Sagot ko na lang. Si Mama naman kasi talaga nag-utos nun at nagpabigay.

"Wala din yun" sabi nya sabay kindat sakin nung nilock na nya yung motor. So nagbalikan lang kami ng favor, ganun?

Magkasabay kaming pumasok ni Ford sa room at late kami ng 15 mins sa klase ni Mam. Erlinda "Masu" aka Beast.

"So, nandito na pala yung dalawa nating lovers"

Wait. Teka lang aa? Ano daw? Lovers my ass.

Nagkatinginan kami ni Ford. Yung tingin nya sakin na parang "Ha? Sya?" like that. Yung parang sinasabi nya na lugi sya sakin. Bwisit din to ee.

Sabay kaming umupo ni Ford sa designated place namin. Yes, magkatabi kami ng upuan dun sa dulo. Finally, after how many months. Nagkaron din ako ng katabi sa classroom diba, malas nga lang ng konti kasi si Ford na que yabang-yabang yung nakatabi ko. Pero to be fair, parang ang bait na nya sakin. Sana tuloy-tuloy na. Jusko naman kasi. Nakakapagod na yung away kami ng away.

"Lovers daw ba ee. Tsss" bulong ko nung nakaupo na kami

"Dun naman papunta yun ee. Hahaha" narinig pala ko ni Ford at talagang sinabi nya yun. Tss. Galawang pa-fall ee.

"Malabo. Imposible. Hindi makatotohanan" sagot ko. I guess that is the most operative words to be used.

Pinalo ko yung balikat nya. Ayan na naman ee. Nagsisimula na naman sya para asarin ako.

"Tignan mo, nancha-chansing ka pa" Itsura nya. Pinalo lang, or sinuntok lang chancing na agad? Ang OA.

"Whatever" may pag-irap na sabi ko at hindi na lang sya pinansin. Nakatahimik na lang ako at nagfocus sa pakikinig kay Mam. Masu even though autobiography nya lang ang tinuturo nya kesa sa lesson proper. Ganyan yang matanda na yan ee. Story teller.

Nung patapos na sya. Bigla nyang naalala ang isang napaka "not so" important announcement.

"Okay, mamayang 9am. Magkakaron kayo ng Seminar. Gaganapin yun sa Auditorium. Attendance is must. Pumunta kayo, okay?"

Yun yung sinabi nya bago lumabas. Wait. Paano yun? Yun kasi yung schedule namin ni Ford para kumuha ng hindi namin na-take na exam kahapon. Yun lang kasi yung oras na binigay samin. Hala sya.

"Magtake na tayo, para maka-attend tayo sa seminar na yun" sabi ni Ford

"Sige" sabi ko kaya hindi na kami pumasok sa second class. Engks. Syempre nag-paalam kami at pinayagan naman kami ni Mam. Fuentabella.

Nagtake kami ni Ford ng dalawang exam namin na hindi namin nakuha kahapon. Syempre, given na. Habang nagsasagot kami ng mga test papers. Hindi mawawala ang pagra-rant namin sa isat-isa.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon