Chapter 31 | "Bati na tayo"

132 7 2
                                    

Mga 7pm pa lang at maaga pa para matulog. Weekend din naman kaya lulubus-lubusin ko na din ang pagpupuyat.

As I was playing my playlist with my headset on. Medyo nadistract lang ako kasi may kumakalabog. Thinking na si Mama yun at kinakatok ako. Dali-dali akong napatayo at tumakbo sa may pinto pero pagbukas ko, wala namang tao. Hala. Minumulto ba ko?

Pagtalikod ko at pabalik na ko sa kama. Halos mapasigaw ako sa may bintana kasi nakita ko na nakasilip si Ford. Walangyang to.

"Ford!?" Gulat ko. Papatayin pa ko sa atake sa puso.

Inuuntog nya yung ulo nya sa may bintana kasi hindi sya maka-katok gamit ang kamay nya. Edi nalaglag sya. Luko to ee.

Binuksan ko yung bintana at saka sya pinapasok. Okay. Saka ko na lang iisipin yung ipapaliwanag ko kay Mama in case. Kaloka talaga tong lalaking to. Masyado naman syang risk taker.

"Ano ginagawa mo dito!?" Tanong ko

"Wala, gusto lang kitang makita" sagot nya. Ay, wow naman.

"Eh bakit dyan ka pa dumaan? Para kang sira. Bakit, si Spiderman ka ba?" Tanong ko

"Oo, ako ang Spiderman ng buhay mo" sagot nya. Napanganga na lang ako.Ganito ba nagagawa ng pagiging broken sa buhay ng isang tao?

"Pag tayo nahuli ni---" magsasalita pa sana ko kaso speaking of..

"Ces!?" Narinig ko na yung boses nya. Kaloka. Panic mode ako na tinulak si Ford.

"Magtago ka! Magtago ka!" Aligagang-aligaga ako. Jusko. Ipapahamak pa ko ni Ford ee

Nagtago sya sa may ilalim ng kama ko. Naks. Mabilis.

"Ma?" Tanong ko habang nakabukas yung pinto ng mga 25%.

"Ano yung kumakalabog dyan?" Tanong nya.

"Ah, wala Ma. Ano. Nagdru-drums lang ako. Nagsosoundtrip kasi ko ee. Napapalakas pala, sorry po" sagot ko. Jusko. Ang sabaw ata nitong allyby na to. Pero bahala na.

"Okay. Sige, may pagkain na sa baba kung nagugutom ka. Hindi ka pa naghahapunan, kumain ka aa. Hindi ka se-sexy sa ginagawa mo. Hindi ka pang FHM!" Sabi nya. Medyo pahamak nga lang yung last part. Feeling ko tuloy pinagtatawanan na ko ni Ford.

Medyo nakahinga ko ng maluwag nung nakaalis na si mama. Okay Ford, pwede ka ng lumabas.

"Hindi mo naman sinasabi sakin, nagbabalak ka pa lang maging cover girl ng FHM" pang-aasar nya nung lumabas na sya sa ilalim ng kama. Oh great. May pangiinis na sya sakin. I just rolled my eyes at sinuntok yung sikmura nya.

"Umuwe ka na nga" sabi ko at binuksan ulet yung bintana at sumesenyas na umalis na.

"Chura nito, pinagdala kaya kita ng pagkain" sabi nya sabay kuha ng plastic bag na sinabit nya sa may pader.

May dala syang spaghetti, solo pizza at softdrinks from Greenwhich. Jusko. Papa John Llyod. Ikaw ba yan?

May dala pa syang bulaklak na pinitas nya lang ata sa tabi-tabi. Jusko, friend. Nalanta na sya at gutay-gutay na talaga. Napangisi na lang ako. Ano bang pakulo to Ford?

"Ano, papaalisin mo pa ba ko?" Tanong nya na iniinis pa ko. Hindi naman ako makasagot. Nakuha nya na din naman kasi ang kiliti ko. Haha

"Sige na nga, dito ka muna. Pero wag kang maingay aa!" Sagot ko

Nakangiti lang sya sakin. Yung ngiti nya na sarcastic with his mapangasar na taas-baba kilay pose.

"Nahiya ka pang kainin, kumain ka na. Jusko. Nagdi-diet ka pa para maging cover girl ng FHM. Hindi mo naman sinabi sakin na yun pala pangarap mo" pang-aasar nya. Triggered tuloy ako. Ngumi-ngisi lang sya sa masamang tingin ko sa kanya.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon