Chapter 40 | Swap

131 5 2
                                    

"Cesssss!" Tawag sakin ni Doreen.

"Ready ka na ba?"

I just gave a cringe look. Ready for what? Nakakaloka.

"Ay, hindi pa ba nasabi sayo ni Ford?" tanong nya ulet. Anong dapat sabihin ni Ford?

"Eto na pala si Ces ee" out of nowhere biglang sumulpot si Ford sa likuran namin ni Doreen.

"Akala ko naman nasabi mo na kanina nung nasa Library kayo" sabi ni Doreen kay Ford.

"Ano bang dapat sabihin?" Tanong ko. Sabihin na ano, Ford? Na ako ang mahal mo? Ganun?

I just shook my head. Parang tanga lang.

"Kasi ganito, Ces. Magtra-training na nga tayo. I mean, kayo sa battle of the bands" sagot ni Doreen.

"Agad-agad?" Tanong ko na hindi makapaniwala.

"Oo. Para at least handa na tayo" sagot nya

"Tara na, Ba" sabi ni Ford at kinuha na yung mga hawak kong libro. Nagpapa goodshot pa ang luko.

Pumunta kami sa may stage kung san nandun yung ibang members ng banda. Halos lahat puro lalaki. Kaming dalawa lang talaga ni Doreen yung babae, or I guess ako lang ata talaga. Maypagka tomboy din kasi to ee.

"Ano ba kakantahin natin?" Tanong ni Ford

"Isip muna tayo, pero sa ngayon. Magusap-usap muna tayo kung ano plano natin. Okay, sino ang magba-bass?---- ay. Ces at Ford, kayo ang magiging vocalist aa" panimula ni Doreen at nagdi-division of labor na.

"Ikaw Sam, keyboard. Okay" sabi nya dun sa bagong recruit din nila.

"Okay. Okay na tayo. Lets go? Start na tayo?" Sabi ni Doreen nung nai-line up na kami.

Honestly, pwede pa bang mag-back out? Like seriously? Bakit sa dinami-rami ng babae sa mga classmates ko, ako pa ang napagtripan ni Doreen? At bakit si Ford talaga yung partner ko? Ang lame diba? Scripted ata to ee.

"Okay. G" go signal ni Doreen kaya tumugtog na ng intro si Kuyang Keyboardist at yung Guitarist.

There was a time in my life when I open my eyes----

Hindi ko talaga alam kung bakit pero bigla akong nadistract. I mean, para kasing hindi talaga ko nahihilera sa mga banda or what. Like hello, hindi ko naman din kasi hilig ang pagkanta at hindi din ganun kapulido o kaganda boses ko.

"Ces? May problema ba? Okay ka lang? Bakit ka tumigil?" Tanong ni Ford

"Ano, kayo muna yung mag-practice please. Parang hindi ko yata kaya to" sabi ko at naglakad paalis

"Ces!" Habol ni Doreen

"Kevin, ikaw muna bahala dito aa?" bilin nya sa isa nilang kasama bago nya ko sundan.

Pababa na ko ng stage pero naabutan nya ko at hawak yung balikat ko.

"Ces, ano ba problema?" Tanong ni Doreen

"Doreen, ano ka ba? Hindi naman kasi talaga ko sanay kumanta. Saka parang hindi talaga ko bagay sa pagbabanda. Sorry talaga" sagot ko

"Ano ka ba, wag mo kasi i-down yung sarili mo. Tara na, ang mabuti pa. Panuorin mo muna sila. Tapos kapag okay ka na, ano. Baka sakaling magbago isip mo. C'mon Ces. Ikaw pa ba? Ang ganda kaya ng boses mo" sabi nya at hawak yung kamay ko pabalik sa stage.

"Yown!" Tuwang-tuwang sabi ni Ford

"Okay boys, pagpatuloy nyo lang yan. Usap lang kami" sabi ni Doreen kaya nagpatuloy sa pagpra-practice sila Ford.

That Thing Called "Bestfriends" langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon