Nakangiting naglalakad patungo sa Azotea si Pirena, ninanamnam ang magandang tanawin at kapayapaan na ngayon lang muli niyang nasilayan. Maraming nagbago matapos ang huling digmaan na kanilang pinagdaanan, ang kamatayan ng amang si Hagorn; nanumbalik ang kapayapaan sa buong lupain ng mga encantado. Bumaba sa trono si Danaya at kinoronahan si Alena bilang bagong reyna na Lireo; na di kalaunan ay nagsilang ng isang sanggol na lalaki.
Di lamang anak ni Alena ang bagong diwani sapagkat maging si Lira ay hinandugan ng isang sanggol, si Cassandra. Na mula sa kanyang buhok, dugo ni Cassiopeia at abo ni Amihan. Isang kagulat-gulat na pangyayari nang ipakilala sa kanilang lahat ang munting diwani na tagapagmana ng Sapiro.
Ngunit ang hindi inaasahan ni Pirena ay ang kanyang pakikipag-isang dibdib kay Azulan. Ni minsan ay hindi niya inakalang magmamahal siya o di kaya ay magpapakasal. Kung kaya't masuwerte siya't dumating ang asawa sa kanyang buhay at mas nagpadagdag pa sa kanyang saya ang pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na anak at hadia, na si Lira at Mira.
"Tila ang lalim ng iyong iniisip, Mahal ko" Wika ng lalaking yumakap sa kanyang likuran. Nangiti nalamang si Pirena nang mapagtanto kung sino ang encantado "Kumain na ba kayo?"
Hinarap ni Pirena ang asawa "Hindi pa mahal kong asawa, sapagkat hinihintay ka namin upang tayo'y magsabay-sabay na".
Lumuhod si Azulan at hinalikan ang tiyan ng Hara "Poltre aking munting diwani, kung natagalang gumising ang iyong ama. Sapagkat pinagod ako ng iyong ina kagabi"bahagyang hinampas ni Pirena ang asawa sa balikat nito at tinanong kung ano ang kanyang pinagsasasabi. Tumayo si Azulan na tumatawa, "Hindi ka na mabiro Pirena. Halika na at baka gutom na kayo"
Habang naglalakad patungo sa hapag, ay nakita nila sila Mira at Lira na palabas ng kanilang silid. "Avisala lovebirds!" masayang bati ni Lira na hawak sa kanyang bisig ang anak na si Cassandra. Yumakap naman si Mira sa ina at sa asawa nito.
"Avisala aking apwe" bati ni Mira na nakahawak sa tiyan ng ina. "Nasasabik na akong makilala ka"umiyak bigla si Cassandra kaya naman napatingin nalamang ang mag-asawa "tayo na at mukhang gutom na ang aking hadia" wika ni Mira.
***
Nagbigay galang ang lahat ng pumasok sa hapagkainan ang Hara Alena na dala ang kanyang anak na si Adamus. "Kay gandang tignan na kumpleto tayo ngayon" iginala niya ang kanyang tingin at dinama ang pagsasama-sama ng kanyang pamilya. Naroon si Pirena at Pirena, kasama ang kanilang mga asawa; ang kanyang mga hadia; ang rama ng sapiro; ang dalawang bagong diwani na di magtatagal ay magiging apat, sapagkat nagdadalang diwata na rin sila Pirena at Danaya. "Kay saya at buo tayo ngayong umaga"
Sa gitna ng pagsasalo ay bigla nalamang napasinghap sa sakit si Danaya at Pirena na kaagad dinaluhan ng kanilang mga asawa. Nagliwanag ang kanilang mga palad na tanda ng nalalapit na pagsilang ng kanilang mga anak. "Mukhang magiging apat na ang diwani ng Lireo" nakangiting wika ni Ybrahim. Ngumiti ang mga nagdadalang diwata na mga sanggre, hindi na maitago sa kanilang mukha ang pagkasabik na makita ang kanilang mga anak.
"Aking mga kapatid, hindi ko nais na may masama pang mangyari sa inyo gayong nalalapit na ang inyong pagnganganak. Kung kaya't inuutusan ko kayong ipagpaliban ang ano mang gawain o tungkulin na mayroon kayo hanggang sa kayo ay magsilang."tutol man ang dalawang ay hinayaan na nila, para sa kanilang mga anak.
Ibinaling ni Mira ang tingin sa kanyang yna at nagwika na"Huwag ka mag-alala yna, ako na muna ang bibisita sa Hathoria habang ikaw ay nagpapahinga". Lubos itong ikinagalak ni Pirena kaya naman napayapa ang kanyang loob.
"Ako narin Ashti Danaya, ako na ang bahala sa mga duties mo" nakangiting sabi ni Lira sa kanyang ashti. "Wag ka na ring mag-alala kung sino ang mag-aalaga kay Cassandra, andyan naman si Itay" Sinang-ayunan naman ito ni Ybrahim.
"Avisala Eshma sa inyong lahat"wika ng dalawang nakakatandang sanggre.
Hinawakan ni Alena ang kamay ng dalawang kapatid, na nakaupo sa magkabilang sulok ng kabiserang kanyang kinalalagyan. "Pamilya tayo, kung kaya tayo-tayo rin ang magtutulungan"
Matapos ang umagahan ay isa-isa nang nasi-alisan ang mga diwata, maliban nalamang kila Aquil at Danaya. "Nasasabik na akong makita ang ating anak"niyakap ni Danaya ang isa niyang bisig sa likod ni Aquil at idinantay ang ulo sa balikat nito. "Sana ay malusog ang ating sanggol" dagdag pa nito.
"Sigurado akong malusog siya sapagkat ingat na ingat mo ang ating anak." Paninigurado ni Aquil "Ang importante ay ang maramdaman niya ang pagmamahal natin sa kanya, maging babae o lalaki man ang ating sanggol"
"Alam kong isa siyang babae" wika ni Danaya, nagtaka naman si Aquil kung paano ito nalaman ng asawa "Nararamdam ko lamang na isang babae ang aking dinadala" nakangiting sambit ni Danaya.
Napahiwalay ang dating hara ng Lireo sa kanyang asawa nang makarinig ng kaguluhan. Lumabas sila sa pasilyo at may nakasalubong na isang damang nanakbo "Dama anong nangyayari?" isinagot nitong manganganak na ang hara ng Hathoria at nagpatuloy sa pagtakbo. Kaagad naman inalalayan ni Aquil ang asawa na kitang-kita sa mga mata ang pag-aalala sa apwe.
Sa kanilang pagdating sa harap ng silid nila Pirena, nadatnan nila doon sila Mira at Lira na kasama pala nila Pirena nang makaramdam ito ng pagkirot ng tiyan. "Mira" pagtawag niya sa pansin ng hadia na kanina pa pabalik-balik. "Mira kumalma ka"hinawakan ni Danaya ang balikat ng hadia,
"Poltre ashti. Kinakabahan lamang ako para sa aking yna at apwe. Kanina pa kami ni Lira dito, bakit tila ang-" hindi na natapos ni Mira ang sinasabi dahil nakarinig na siya ng iyak ng isang sanggol. Hindi nagtagal ay lumabas na ang mga babaylan at kaagad siyang nanakbo papasok ng silid ng ina.
Pagpasok na pagpasok ni Mira ay nakita niyang nakaupo sa kama ang ina sa kaliwa nito ay nakaupo si Azulan. Lumipat ang kanyang tingin sa munting sanggol na nasa bisig ni Pirena. "yna"napatingin si hara sa anak, na kaagad niyang tinawag upang sila ay tabihan. Ipinasa nito ang sanggol sa panganay na anak "isang napakagandang diwani" mangiyak-ngiyak na wika ni Mira. "Ipinapangako ko aking apwe, po-protektahan kita gaya ng ating mga magulang" hinalikan niya sa noo ang munting diwani na nagpalambot pa lalo sa puso ni Pirena.
Lumipat ang tingin ng mag-asawa sa mga bagong pasok sa kanilang silid, sila Danaya, Aquil, Lira at kasama si Alena."Ano ang iyong anak Pirena?"masayang tanong ni Alena.
"Isang babae hara" masayang sagot ni Azulan. "Isang napakagandang anak na babae"hinalikan sa noo ni Azulan ang asawa habang hawak ang kaliwang kamay nito.
"Ano ang pangalan niya ashti?"
"Serena" inulit ni Lira ang ngalan na binigkas ng kanyang ashti. "Ang ibig sabihin nito ay mapayapa. Nawa'y tulad ng kanyang apwe, ay mapayapa ang loob ng aking bunso at hindi magpadala sa bugso ng kanyang damdamin"napangiti naman si Mira sa sinabi ng kanyang ina.
Lumapit si Alena kay Mira at tinanong si Pirena kung maari bang hawakan ang kanyang Hadia, dahan-dahang iniabot ni Mira ang apwe sa kanilang ashti. "Serena" inilabas ni Alena ang kanyang brilyante at binigyan basbas ang kanyang bagong Hadia "Brilyante ng tubig, sundin ang aking encantasyon, basbasan mo ang puso ni Serena upang sa gayon ay hindi ito magpadala sa bugso ng damdamin at mapag-isipan mabuti ang bawat hakbanging kanyang gagawin at nawa ay maging kasing busilak ng tubig ang kanyang puso."
Lumapit si Danaya sa kapatid at hadia, "Brilyante ng Lupa" sa salitang ito ay nagpakita ang brilyante "sundin aking sasambitin, basbasan mo ang aking hadia na si Serena ng galing sa pakikidigma tulad ng sa kanyang ina, tapang at tibay ng loob halintulad ng matitibay na tinga ng Hathoria."
"Avisala eshma sa inyong handog mga sanggre"Wika ni Azulan. Iniabot na ni Alena ang sanggol sa mga magulang nito, "Avisala diwani Serena" hinawakan ni Azulan ang kamay ng anak at hinalikan ito.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...