Kabanata XXX: Ang mga Liham

303 18 3
                                    


Nakumbinsi ni Pirena na pansamantalang sa Lireo manatili ang mga encantado, at habang nag-iimpake ang mga ito ay naisip niyang mapag-isa at basahin ang mga lihim ni Gamil.

Sa isang bahagi ng kagubatan niya napagpasyahan basahin ang mga liham ni Gamil, kung saan siya lamang ang nilalang na naroon.

Nang mabuksan niya ang maliit na baul, pinagmasdan niya ang mga kalatas na nang galing kay Gamil. Nakadama siya ng kaba matapos hawakan ang isa sa mga ito.Binuksan ni pirena ang liham at sinimulan itong basahin.

'Aking pinakamamahal na Cahira o Pirena,

Hindi ko alam kung ano ang nais mong itawag ko sayo... ngunit sa akin ikaw parin ang minahal, minamahal at mamahalin kong Cahira; ina ng aking anak.

Hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin ang pangako ng ating muling pagkikita, ngunit sa ngayon kuntento na ako sa lihim na pagsilay sa iyo munting diwani.

Nagmamahal Gamil'

Matapos basahin ang unang liham ni Gamil, inisip kaagad ni Pirena kung minsan na ba silang nagkakilala ni Gamil... at doon kanyang napagtanto na sila nga ay minsan nang nagtagpo.

Bata palamang noon si Pirena at siya pa lamang ang anak ni Reyna Mine-a. Inutusan ng hara si Gurna kung kaya't siya ay mag-isang namimitas ng mga bulaklak sa hardin ng Lireo.

Nagulantang nalamang ang munting diwani nang may isang pashneya na lumabas mula sa kagubatang malapit. Narinig sa paligid ang matinis na sigaw ni Pirena.

Aatakihin na sana siya ng pashneya nang humarang ang isang kawal at ipinagtanggol siya mula sa pashneya. "Mahal na sanggre, ayos ka lamang ba?" tanong ng kawal.

"Ayos lamang ako... avisala eshma" sabi ng diwani "Dama" sigaw ni Pirena, kaya kaagad lumapit ang mga dama dito "Gusto ko nang bumalik sa aking silid" wika ni Pirena at nagsimulang maglakad papalayo.

'Si Gamil ang kawal na iyon' sabi ni Pirena sa kanyang sarili. Noon pa man pinoproteksyunan na siya ni Gamil at natandaan ni Pirena na hindi lamang iyon ang pagtatagpo ng kanilang landas.

Natokha si Gamil bilang isa sa mga kawal na sumasama sa kanya tuwing siya'y lalabas ng palasyo; kaya kahit papaano nakilala niya ang kawal.

Kinuha ni Pirena ang isa pang kalatas na nakatago sa baul, at kanya itong binasa.

'Isa ito sa pinakamasayang araw ng aking buhay, sapagkat ikaw ay aking nakausap kahit pa panandalian. Isa ako sa pinili mong sumama sayo sa iyong paglalakbay, kay saya ko lalo na nung ikaw ay aking nasarili'

Naalala niya minsan noong siya ay nagdesisyon mamsyal matapos ng kanilang pagsasanay, nais niya noon mapag-isa pero dahil sinabi ni Aquil na kailangan niyang magsama ng kawal, tinignan niya ang mga kawal na kasama ng mashna at itinuro ang tatlo sa mga ito, Isa doon si Gamil.

'Batid ko ang magaganap, batid ko ang aking kapalaran; gayon pa man handa akong tanggapin ito ng buong puso. Sapagkat alam ko, ang maibibigay ko sayo ay isang regalo lubos na magkakabuti para sa iyo- si Mira. Ihalik mo nalamang ako sa kanya at kung mayroon man, sana ay ibigay mo sa kanya ang pagmamahal na dapat ay iaalay mo sa akin.

E correi diu Cahira... mahal na mahal kita, kahit pa hindi ikaw ang itinadhana para sa akin. Ang nais ko lamang ay sundin mo ang iyong puso; mahalin ang tunay na nagpapasaya sa iyo.

Hindi ko man batid kung sino ang iyong asawa, ngunit sa kwento ni Mira, isa siyang mabuting encantado. Panalangin ko lamang ay alagaan ka niya at ang ating anak, sapagkat hiling ko sa bathalang emre na iparamdam ng iyong asawa ang pagmamahal na alay ko rin sa inyo.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon