Kabanata XIV: Lukso ng Dugo

367 21 6
                                    

Bumitaw si Mira sa kamay ni Linay “Hindi kami naparito upang manggulo. Nais lamang naming malaman kung may napadayo di-“ hindi natapos ni Mira ang sinasabi nang magsalita ang isang encantado.

“Pinadala ka ba dito ni Avria upang kami ay lansingin at di kalauna’y paslangin?”

Kaagad bumitaw si Paopao sa kamay ni Linay at nagsalitang na wala silang kinalaman kay Avria “Kami ay mula sa ardantao at naparito kami upang hanapin ang yna ng aking kasama”

“Bakit dito mo siya hinahanap?” tanong ng isang diwata na kalalabas lamang ng isang kubol.

“may nakapagsabi sa amin na maaring dito siya magtungo. Nais ko lamang makita ang aking yna, maniwala kayo” may pagmamakaawa na sa boses ni Mira, na kaagad napansin ni Paopao.

Lumapit ang diwata sa sanggre at nagpakilala bilang Ornia “Ano ang ngalan ng iyong yna?”

“Sa katunayan ay hindi ko alam ang maaring ngalan niya dito sapagkat siya ay nawalan ng ala-ala” nagkaroon ng ideya si Ornia kung sino ang hinahanap ng encantada.

“Kung gayon paano ka naming matutulungan kung ni ngalan ng iyong yna ay hindi mo masabi? Maliban nalamang kung ikaw ay isang espiya ni Avria” pilit sinusubukan ni Ornia si Mira sapagkat ayaw niyang may mapahamak sa kanilang tribo, lalo na ngayong mainit ang mata ni Avria sa mga diwata.

“Hindi po! Eto po” may kinuhang papel si Paopao mula sa bulsa niya at ipinakita it okay Ornia “yan po yung itsura ng hinahanap namin” nang buklatin ni Ornia ang papel ay nakita niya ang iginuhit ni paopao noon.

“Cahira?” mahinang sabi ni Ornia, tumabi sa kanya si Linay at pilit sinilip ang nakalagay sa papel.

“Si apwe Cahira nga iyan nanang ornia” pag sang-ayon ng paslit.

“Cahira? Iyon ba ang ngalan dito ng aking yna?” nagkaroon ng pag-asa si Mira na makita kaagad ang kanyang yna, ngunit sadya atang pinaglalaruan sila ng tadhana, sapagkat sinabi ni Ornia na wala na sa kuta si Pirena.

“lumisan sila dito noon nakaraan na araw, at hindi naming alam kung saan sila nagtungo” ibinalik ni Ornia ang larawan kay Paopao.

“Sila?” pagtataka ni Paopao. Ipinaliwanag ni Linay na kasama nito si Galen “Galen?” dagdag na tanong ni paopao.

“Siya ang kasintahan ni Apwe Cahira” makulit na sabi ng paslit na ikinagulat ni Mira at Paopao. Kaagad naman sinaway ni Ornia ang bata.

“hindi namin tiyak ang tunay na namamagitan sa dalawa ngunit gaya nga ng aking sabi ay wala na dito si Cahira at hindi naming alam kung saan sila namamalagi. Maari na kayong umalis” umalis na si Ornia at iniwan na niya sa mga kasamahan sila Mira.

Tinignan ni Mira sa mata si Linay “Linay, kung magbalik dito ang aking yna, maari mo bang sabihin sa kanya na dumating ako, dumating si Mira para sa kanya” tumango si Linay, at doon nagsimula nang maglakad paalis sila Paopao, upang hanapin si Pirena.

*

*

*

Sa magdamagang paghahanap nila kay Pirena ay dinapuan na ng antok sila Mira at Paopao. Napagdesisyunan nilang magpahinga sa ilalim ng isang puno, at doon muna magpalipas ng gabi.

Mahimbing na natutulog ang dalawa nang may biglang kumaluskos di kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Nagising si Mira nang makaranig siya ng tunog ng mga sandatang nagtatama.

Kaagad niyang ginising si Paopao, at nagmatyag sa lugar kung saan niya narinig tunog.

Kanilang nasaksihan ang laban sa pagitan ng mga kawal etherian at isang encantadong naka balabal at taklob nito ang kanyang mukha.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon