Kabanata LV: Panunumbalik

392 22 1
                                    

Nag-aayos ng kanyang buhok si Serena nang marinig niyang magbukas ang pinto ng kanyang silid. Nang lumingon siya nakita niyang nakatayo doon ang kanyang ynang reyna.

"Avisala yna"Nakangiting bati niya dito.

"Avisala mga anak" bati ni Pirena kay Serena at Mira na nakahiga sa kama.

Lumapit si Pirena sa anak, kaya naman itinigil muna ni Serena ang pag-aayos sa sarili at tumayo upang salubungin ang yna.

"Anon gang kailangan mo sa amin yna? May nakalimutan ba kaming gawin na utos ninyo?" tanong ni Mira.

"Wala anak nais ko lamang makausap kayo paukol sa mga naganap sa amin ng inyong ado azulan" ngumiti ng malaki si Serena na lubos na ipinagtaka ng hara "Bakit tila kay saya mo?"

"Yna mahal mo parin ba si Ado?" tanong ni Serena sa kanya. Napatingin naman si Pirena kay Mira na naghihintay din ng sagot ng kanilang yna.

"Alam niyo mga anak" hinawakan ni Pirena ang kamay ng anak, at marahan itong hinila upang sila ay maupo sa kama. Umayos naman ng upo si Mira at tumabi sa kanyang kapatid at yna "Ang iyong ado ang una't huli kong mamahalin. Siya lamang ang kaisa-isang encantadong aking minahal ng husto, at sa kanya ko lamang ipinagkatiwala ang aking puso"

"Ngunit ang aking ado yna, hindi mo ba siya minahal?" tanong ni Mira. Tumingin si Pirena sa panganay at umakbay dito.

"sa maikling panahon na nakasama ko ang iyong ado Gamil, oo naging mahalaga siya sa akin, ngunit noon panahon na upang mamili, nadama ko sa akin puso na mas kailangan kong bumalik sa panahon na ito" wika ni Pirena, sa anak.

Maigi niyang tinignan ang magiging reaksyon ni Mira, ngumiti ang nakakabatang sanggre sa kanyang yna "naiintindihan ko yna. At sa aking nakikita mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ni Serena"

"Ngunit mas maganda parin kung kay Yna manggagaling edea Mira" wika ni Serena sa kapatid, tumingin naman bigla si Serena sa kanilang ada "So ano nga yna? Mahal mo pa ba si Ado?" nagulat si Pirena na parang si Lira magsalita ang kanyang bunso, ngunit naalala niya na kalahati ng buhay ng anak ay nanirahan ito sa mundo ng mga tao.

"Oo anak. At alam ko habang buhay narito sa aking puso ang inyong ado" mahigpit naman na niyapos ng magkapatid ang hara, at ibinalik din sa kanila ang mainit na yakap.

"Kung gayon yna ikakatuwa mo ang aking sasabihin" masayang sabi ni Serena, humiwalay si Pirena sa kanilang pagkaka yakap at tinignan maigi ang kanyang bunso sa mga mata.

"Ano iyon?"

*

*

*

Naglilibot si Dilon sa Lireo nang mapansin niyang hindi pa niya nakikita buong araw si Khalida. Tinawag niya ang dama na bumati sa kanya at itinanong ang kinaroroonan ng isa pang mashna "Siya ay nagapapahinga sa kanyang silid sapagkat masama daw ang kanyang pakiramdam" wika ng dama.

Tumango lamang si Dilon sa dama at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang kaalam-alam na ang dama pala na kanyang nakausap ay si Liway, na kasama ni Alipato na nagmamatiyag sa Lireo.

Dumating si Dilon sa harap ng silid ni Khalida, ngunit hinarang siya ng isa sa mga kawal na nagbabantay dito "Poltre Mashna, ngunit ipinagbawal ni Mashna Khalida ang mga bisita ngayon. Nais lamang daw niya magpahinga"

"ako ang kanan kamay ng hara kaya papasukin mo ako"

"Poltre mashna ngunit hindi ito pinapayagan ni Mashna khalida"

"Gusto mo bang maparusahan kawal? O papapasukin mo ako?" naiinis na wika ni Dilon sa kawal.

"Poltre mashna ngunit sumusunod lamang ako sa utos" pagtatanggol ng kawal.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon