Kabanata XXIII: Pangamba

393 21 0
                                    


Nangpumasok sa kanilang silid si Azulan ay mahimbing na ang tulog ng asawa. Lumuhod siya sa harapan nito, at kanyang nakita na basa ang mga mata nito dahil sa kakaiyak.

Hindi tuloy maiwasan ni Azulan na makaramdam ng pagka konsensya. Alam niyang wala lang talaga sa sarili si Pirena nang maganap ang mga ito, ngunit ganoon pa man nakaramdam parin siya na pinagtaksilan siya nito.

Pero nais na ni Azulan limutin ang lahat at ayusin ang kanilang pamilya. Hindi na niya nais pang mabuwag ito, sapagkat ito higit sa lahat ang kanyang pinapahalagahan.

Tinitigan niya ang mukha nitong kay ganda at hinimas ang pisngi nito. Ikinagising ni Pirena ang paghawak na ito ng kanyang asawa.

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay isang matamis na ngiti ang alay ni Azulan.

"E correi nagbalik ka na pala" kaagad umupo si Pirena at pinahid ang noon ay tuyo nang luha "Teka ihahanda ko ang iyong pamalit na damit nang ikaw ay makapaglinis na"

Pinigilan siya ni Azulan sa pagtayo "Huwag na Mahal ko"

"mahal ko?" pagtataka ni Pirena "hindi ka na galit sa akin?"

Marahang hinawakan muli ni Azulan ang pisngi ni Pirena "Kailan man ay hindi ko magagawang magalit sa iyo." ngumiti siya sa asawa "paano ko gagawin iyon gayon ikaw ang may hawak sa aking puso"

Muling tumulo ang mga luha ng hara "Poltre muli sa aking nagawa"

"Tama na" pinahid ni Azulan ang mga luha nito "nangyari na ang mga nangyari... ang importante ay bumalik ka sa amin"

Hinawakan ni Pirena ang kamay ng asawa na nakahawak sa kanyang mukha "E correi diu"

"E correi diu" at dumampi ang mga labi ng punjabwe sa labi ng kanyang pinakamamahal na diwata.

***

Sa Lireo kasalukuyang nasa kanyang tanggapan ang hara ng mga diwata. Siya ay napatigil sa ginagawa nang makita si Adamus na pumasok sa silid.

"Anong dahilan ng iyong pagparito?" masayang tanong ng hara sa anak.

"Yna maari mo ba akong turuan mag ensayo?" pinalapit ni Alena sa kanya ang anak at itinanong kung bakit nais na naman niya magsanay gayon kakatapos lamang nila noon umagang iyon.

"Wala lamang yna, nais ko lamang kayo makasama" nais man maniwala ni Alena sa sinabi ni Adamus ay ramdam niyang mayroon pa itong hindi sinasabi.

"Adamus bilang iyong yna... batid kong mayroon ka pang hindi sinasabi sa akin" napayuko si Adamus nang titigan siya ng yna "Maari mong sabihin sa akin ang lahat" mahinahong sambit ni Alena.

Tumingin sa kanya si Adamus. Inisip ng diwani kung dapat ba niyang sabihin ito sa yna o sarilinin nalamang ang iniisip.

"Adamus..." pagsasalita ni Alena.

"Kanina noong binisita namin nila Lira sila Serena sa hathoria ay inabutan namin siya ay nagsasanay kasama si Ashti Pirena at Mira"

Sa sinabing iyon ni Alena ay nakita niya ang ingit sa mata ng anak, ngunit bago pa man siya magsalita ay hinayaan niyang tapusin muna ni Adamus ang sinasabi.

"Yna naiingit ako..." alam ni Alena na karapatan ni Adamus na lumaki na buo ang kanyang pamilya, nais man niya ito ibigay sa anak ay hindi niya maaring gawin sapagkat matagal nang namaalam si Memfes.

"naiingit ako sapagkat kay dami nang ensayo ni Serena" nagulantang si Alena sa tinuran ng anak.

"Bakit ka naiingit sa dami ng kaalaman ni Serena sa pakikidigma?" nagtatakang tanong niya sa anak.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon