Kaagad hinanap ni Aquil si Danaya nang marating nila ang palasyong gawa sa nyebe. Kanya itong natagpuan na nakikipaglaban katabi si Alena sa gitna ng bulwagan.
Sinalag niya ang espada ng kalaban ni Danaya gamit ang kanyang sandata at tumingin sa asawa “Kami na ang bahala dito, gawin niyo na ang nararapat” tumango si Danaya at tinawag ang kanyang hara.
Nag-evictus ang magkapatid at sila’y napunta sa pasilyo ng palasyo. “Saan natin hahanapin ang orasan sa laki ng palasyong ito?” tanong ni Danaya.
“Saan ba itinatago ang mga mahahalagang bagay?” makahulugang tanong ni Alena, at sila ay muling gumamit ng evictus.
*
*
*
“Azulan” inihagis ni Ybrahim ang sandatang baril sa punjabwe nang mapansin nitong tumalsik ang sandatang hawak nito. Bagamat magaling na mandirigma si Azulan, at alam ng rama na hindi nito matatagalan na makipaglaban gamit lamang ang kamao; sapagkat kung mayroon mang mas magaling gumamit ng kamao sa mag-asawa ay si Pirena iyon.
Matapos niyang ihagis ang sandata kay Azulan ay muli niyang hinawakan ang kanyang espada at nagpatuloy sa pakikipaglaban.
Tumakbo ang rama patungo sa dereksyon ng mashna ni Demiera at sila’y nagpasiklaban ng lakas.
“Ang rama ng sapiro” nang-iinis na sabi ni Dilon. Na parang ang tunog nito ay nang-iinis.
Sinugod ito ni Ybrahim, na kaagad nasalag ng mashna. Ilang atake ang ginawa nila sa isa’t-isa ngunit tila hindi nila nagagapi ang kanilang kalaban at tanging pagod lamang ang kanilang nadarama.
“Ano pagod ka na pashneya?” tanong ni Ybrahim, “Maghanda ka sapagkat nagsisimula pa lamang tayo” at muli nagdikit ang kanilang mga sandata, kaagapay nito ang malakas na tunog ng dalawang matalas na metal.
Napaluhod si Dilon ng masugatan siya ng rama sa binti “Kung sinasabi mo nalamang sa aking kung nasaan ang orasan hindi ka na sana nahihirapan”
Ngumisi ang mashna at tinignan ang mga mata ni Ybrahim “At sa tingin mo ay sasabihin ko ang kinaroroonan nito?” dahan-dahan niyang sinikap tumayo “gamitin mo ang iyong isip rama” natatawang sabi nito.
“Sa iyong pananalita, hindi ako magtataka kung dumating ang araw na magising kang wala na sa iyo ang sapiro” sa sinabing iyon ni Dilon ay nag-init ang ulo ng rama at kaagad siyang sinipa at sinuntok, kung kaya’t muling lumapat ang kanyang katawan sa lupa.
Inihagis ni Ybrahim ang sandata ni Dilon sa malayo, at tumayo sa harapan nito. Handa na niyang itarak ang kanyang sandata sa puso nito nang bigla nitong kinuha ang isang punyal na nakatago sa kanyang sapatos at sinugatan ang rama sa tagiliran.
“Tanakreshna!” yoon nalamang ang nasabi ni Ybrahim nang makitang papalayo na ang kalaban “Bumalik ka dito!”
Sa sigaw na iyon ng rama ay napatingin si Azulan, nakita niya kung saan direksyon nakatingin ang rama, at kanyang natagpuan ang mashna ni Demiera na sugatan at palayo ng palayo sa rama.
Sinundan ito ni Azulan hanggang sa makarating sila sa isang pasilyo na tanging sila lamang ang tao. Binilisan niya ang takbo at sinunggaban ang kalaban kung kaya’t pareho silang sumubsob sa sahig.
Nang makatayo-tayo na si Azulan ay iniharap niya ang mashna sa kanya at tinadtad ng suntok “Nasaan ang orasan!” sigaw niya habang patuloy na ipinapakilala kay Dilon ang kanyang kamao.
Kaunting panahon nalamang ay mawawalan na ng malay si Dilon, kung kaya’t lalong nagkaroon ng lakas si Azulan upang tapusin ang buhay ng walang pakinabang na mashna ni Demiera.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...