Magsama sa tanggapan ni Pirena ang magkapatid na sang'gre, Nang magliwanag ang pulang kandila na inilagay ni Pirena sa gitna ng bilog na lamesa. Tanda na may ipinadala ang hara para sa kanyang mga apwe.
Tinignan muna ni Danaya at Alena ang paligid bago inilabas ng bunsong sang'gre ang kanyang brilyante "Brilyante ng Lupa, kunin mo ang nais ipinadala ng aming apwe para sa amin" hindi nagtagal, parang may maliit na kumunoy na namuo sa isang parte sa sahig ng silid, at sa gitna noon ay lumitaw ang isang kalatas.
Naglakad si Alena patungo doon nang makitang bumalik na sa dati ang sahig "Sulat nga ito ng ating apwe" wika ni Alena pagkabukas ng kalatas. Kanyang nakita ang mga guhit ng mga mukhang hindi naman niya kilala "Danaya sino itong mga ito?" tanong niya nang iabot kay Danaya kalatas.
Tinitigan mabuti ni Danaya ang mga wangis na nakaguhit ngunit hindi niya kilala ang mga ito. Sa halip binasa nalamang ng hara durie ang nakasaad sa kalatas.
"Ayon kay Pirena ay sila ang ilan sa magagaling na kawal ni Demiera na dapat natin pagtuunan pansin, at ipakilala sa ating mga magagaling na kawal."
"Ano pa ang sinabi ni Pirena?" tanong ni Alena.
"mamaya palamang sila magpupulong paukol sa pagsalakay dito nila Demiera" wika ni Danaya na binabasa ang kalatas "at mayroon pa siyang isang napag-alaman na maari nating magamit laban sa mashna ni Demiera"
"Ano iyon?"
"Hindi niya sinabi. Ngunit kung ano man ang nalaman ng ating apwe, magtiwala nalamang tayo na magiging malaking tulong na ito para sa atin" tumango nalamang si alena sa tinuran ng kanyang apwe.
*
*
*
Nagbigay pugay ang lahat nang dumating si Demiera sa bulwagan ng Lireo kung saan gaganapin ang kanilang pagpupulong para sa pagsalakay sa Hathoria.
Tumayo si Demiera sa may mesa kung saan may mapa ng hathoria, lumapit ang kanyang mga mashna. Nang makita ang mapa napagtanto ni Pirena, na nagpapanggap bilang si Khalida, ito ang dating mapa ng hathoria. Ang kahariang pinamunuan ng kanyang nawasak na ado; ang kaharian sinira at isinumpa ng kanyang ada.
Mayroon mga lagusan na nakasaad sa mapa na ngayon ay wala na, kaya nagtaka siya kung bakit itong mapa na ito ang ginagamit ni Demiera, wala nga lang ba talagang kaalam-alam si Demiera na ang mapang ito ay hindi tama o may iba pa siyang binabalak.
"Dito" itinuro ni Demeira ang isang lumang lagusan papasok ng Hathoria "Dito tayo papasok" wika niya.
"Poltre Hara" pagsasalita ni Dilon "Ngunit sa tagal ng aking pagmamatiyag sa hathoria, ni minsan hindi ko nakita ang lagusang iyan."
"Sapagkat ito ay nasa ilalim ng lupa at nababalutan ng salamangka. Isang lagusan na ginamit ng namayapang hari ng hathoria, na si Arvak"
"ginamit para saan hara?" tanong ni Khalida, na hindi na maiwasan na hindi magsalita.
"hindi na importante kung paano ginamit ni haring arvak ang lagusan. Mas mahalaga na makapasok tayo sa hathoria." Iginalaw ni Demiera ang mga poon na sumisimbolo sa iba't ibang hanay ng kanilang pwersa.
"dalawang hanay ang aatake sa bungad ng hathoria, isa kaliwa, isa sa kanan. At ang iba ay maghihintay sa gubat. Unang susugod ang mga hanay na nasa harapan ng hathoria. Kapag nakuha niyo na ang atensyon ng mga hathor, sumalakay na ang mga kawal sa kanan at sikapin niyang buwagin ang pader ng hathoria.
Habang ginagawa niyo iyon, papasok ang kaliwang hanay sa loob ng hathoria, gamit ang lagusan. Mula sa loob, doon kayo magbibigay ng isang hudyat upang sumugod ang mga kawal na nakatigil sa gubat.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...