Kabanata XX: Pagbabalik ng Hara

444 17 15
                                    



Pumasok ang lahat sa loob ng palasyo at sila Cassiopeia, Gamil at sila Pirena ang tanging naiwan sa punong tanggapan "Halika Cahira, ihahanap ko kayo ng silid" masayang sabi Gamil.

Tinanggihan ito ni Pirena, at siya'y tumingin kay Cassiopeia. Tinanong ni Gamil ang rason kung bakit hindi niya ito dapat ihanap ng silid.

"Sapagkat sa pagkawala ng ikalawang buwan mamaya ay kailangan na nilang bumalik sa kanilang pinanggalingan" ngumiti si Cassiopeia sa kanyang mga kadugo.

"Ngunit..." hindi na natapos pa ni Gamil ang sinasabi nang magsalita si Pirena.

"Mas kailangan kami doon Gamil" hinawakan niya ang kamay nito "Magkikita pa tayong muli, basta ipangako mo na makakaligtas ka sa digmaang magaganap" tumango si Gamil at niyakap si Pirena.

"Salamat dahil kahit sa maikling panahon pinaramdam mo sa aking kung paano magmahal" bumitiw na si Pirena sa pagkakayakap.

Tumingin naman si Gamil kay Mira at Paopao at sakanila naman siya nagpaalam. Samantala si Pirena ay lumapit kay Cassiopeia, "Avisala Eshma sa inyong tulong sa pagpaslang sa mga heran. Dahil sayo mas mabilis naming mapapatumba ang etheria"

"Buhay ng aking anak ang kanilang kinuha... kung kaya't hindi maaring palagpasin ko iyon"

"Buhay ng iyong anak, at ng aking mga magulang kapalit ng buhay ng ating buong lahi" sa sinabing iyon ni Cassiopeia ay parang nakaramdam si Pirena kahit papaano ng saya. Na hindi nasayang ang buhay ng kanyang diwani "muli Avisala Eshma Cahira" makahulugang sambit ni Cassiopeia.

*

*

*

Inihatid ni Cassiopeia ang mga sanggre at si Paopao sa lagusan at hinantay nila itong bumukas "Ngayong wala na si Juvila at Odessa, lalo kayong pag-iinitan ni Avria Cassiopeia" wika ni Pirena.

"Batid ko ito sanggre"

Nagulat si Pirena nang tawagin siya nitong sanggre "Paano mo nalaman?"

"Noong una pa lamang tayong magkita, alam ko na ang tunay mong pagkatao Pirena, sanggre ng apoy"

Tinitigan niya ang kasalukuyang hara ng Lireo "sapagkat nang dumating ka ay nahati ang ynang brilyante at nawala ang brilyante ng apoy"

"Kaya ka nagtungo noon sa kuta?" tumango si Cassiopeia

"Upang hanapin ang tagapangalaga nito" Lumapit si Cassiopeia at ngumiti kay Pirena.

"Mapalad ka sapagkat ano mang panahon at sino mang tagapangalaga, ikaw parin ang pinipili ng brilyante ng apoy." Nagpasalamat si Pirena sa tinuran ni Cassiopeia.

"Ate Hara Pirena" lumingon silang lahat sa lagusan na kabubukas lamang.

"Hanggang sa muli nating pagkikita" pagpapaalam ni Pirena sa kanilang ninuno. Ngumiti si Cassiopeia at pinanood na sabay-sabay tumawid sa lagusan sila Pirena, Mira at Paopao.

***

Tumabi ang mga dama nang makita na mabilis na tumatakbo ang mga diwani na pinangungunahan ni Serena. Halata sa mukha ng mga ito ang pananabik sa pagbabalik nila Pirena.

"Dalian niyo!" masayang sabi ni Serena sa kanyang mga pinsan at hadia.

"Saglit lamang" sabi ni Aria na kaagad napagod.

"Ano ba naman yan Aria, ang bagal mo na nga ang bilis mo pa mapagod" salita ni Adamus.

"Adamus!" saway ni Cassandra "Dalian niyo nalamang at baka dumating na sila Yna"

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon