Matapos yumanig ang lupa ay kaagad hinanap ni Alena ang kanyang apwe. Nang makasalubong niya ang isang kawal ay sinabi nitong nagtungo sa isang moog ang kanyang apwe kaya naman nagmadaling umaakyat doon si Alena.
Pagdating niya doon ay nakita niya itong nakaluhod at umiiyak, tila hindi nito nararamdaman ang malaking sugat sa tagiliran nito.
"Danaya!" kaagad nanakbo si Alena sa tabi nito upang tignan ang sugat nito "Naghilom na ang iyong sugat, ngunit bakit ka tumatangis?" tanong ng hara sa kanyang kapatid.
"Sapagkat hindi ang sugat sa aking puso Alena" tumingin si Danaya sa kanyang apwe.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala na si Pirena" mangiyak-ngiyak na wika ni Danaya. Napatayo si Alena sa sinabi ni Danaya.
"Ssheda Danaya! Hindi ito ang tamang oras upang magbiro"
"Sana nga ay nagbibiro ako Alena. Sana nga ay isang malaking biro lamang ang aking nasaksihang pagkahulog ni Pirena sa moog na ito"
Naglakad si Alena sa may hangganan ng moog at tinignan ang taas nito. Habang tumatayo si Danaya ay nag-evictus pababa si Alena, upang tiyakin na naandoon ang kanyang apwe.
Ngunit pagbaba niya ay kaguluhan lamang ang nadatnan, mga kawal Lirean, Sapiryan at Isolde na naglalaban-laban; mga bangkay na nakahandusay sa sahig na tinatapak tapakan nalamang ng mga nabubuhay.
"Pirena" mahinang bulong ni Alena na hinahanap ang apwe. Habang pabaling-baling ang kanyang ulo, sinamantala ni Demiera ang pagkakataon para atakihin ang hara.
Napasigaw nalamang sa sakit si Alena nang tamaan siya ng sandata ni Demiera sa tagiliran "Pashneya!" at silang dalawa ay nagpatagisan ng galing.
Habang tumatagal ang paghaharap nila, at paggamit ni Demiera ng kapangyarihan, napapansin niya na isa-isang nawawalan ng buhay ang mga kawal niyang nakapaligid sa kanya.
"Ang sumpa ni Danaya" wika nito habang pinagmamasdan ang mga alagad na nawawalan ng buhay "Tanakreshna" at sa isang buga, tinapos niya ang tagisan ng kapangyarihan at nag evictus paalis.
"Alena" pagtawag ni Danaya sa apweng sugatan, kaagad siyang pumunta sa tabi nito upang ito ay pagalingin "Hindi ko makita ang katawan ni Pirena. Mukhang wala dito ang ating apwe" sabi ng hara sa nakakabatang kapatid.
"Kung gayon nasaan siya?"
*
*
*
Patungo sana si Azulan sa silid nila Serena nang makita niya si Mira sa azotea ng Hathoria. Kaya siya ay tumigil sa paglalakad at pinagmasdan ang anak na nakatanaw sa malayo.
Pansin niya ang ulo nitong tingin ng tingin sa kaliwa't kanan na para bang may hinahanap, kaya napagdesisyunan na niyang lapitan ang panganay "Ano at parang balisa ka Mira?" tanong niya dito.
Ibinaling ni Mira ang atensyon sa kanyang ado, at bahagyang siyang ngumiti dito "tinatanaw ko lamang kung maayos ang lahat dito sa hathoria"
Batid ni Azulan na mayroon pang hindi sinasabi ang sanggre kaya muli siyang nagsalita "Bakit aking nararamdaman na tila may hindi ka pa sinasabi sa akin?"
Humarap si Mira sa kanyang ama-amahan nang nakayuko. Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa ado "ang totoo..." nakatitig lamang sa kanya si Azulan hinihintay na ituloy niya ang sinasabi. Tumingin na si Mira sa mata nito "Ado kinakabahan ako. pakiramdam ko may masamang nangyayari, na para bang kahit alam kong nasa sapiro lang sila yna ay tila nananabik ako sa kanyang yakap, na pakiramdam ko ay hindi ko na muling mararamdaman"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
Hayran KurguSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...