Napapalibutan ng mga vedalje sila Aquil nang dumating ang kanyang asawa. Sumigaw si Alena, at lahat ng kanilang kawal ay naglapitan sa kanila.
Sa isang kumpas ng kamay ng hara ay naglaho silang lahat at napunta sa kanilang mga sasakyan nagdala sila sa isla. Kaagad silang umalis matapos ito iutos ng hara.
Si Ybrahim at Azulan ay dinala muna sa mga silid ng sasakyang panhimpapawid upang makapagpahinga.
“Hara, Sanggre danaya” pagtawag ni Aquil sa pansin ng magkapatid “bakit tayo umalis kaagad? Ni hindi pa natin nakukuha ang ginintuang orasan?”
Sinabi ni Alena na nasa Lireo na ang orasan sapagkat nakapagpadala na si Imaw ng tanda sa kanila “Paano napunta sa Lireo ang orasan?”
“Dahil kila Lira at Mira” wika ni Danaya. Nagpasalamat nalamang si Aquil sapagkat nagtagumpay sila at kakaunti ang nalagas sa kanilang hanay.
“Sana nga ay tapos na ito aquil at sana ay maibalik na natin dito ang aming apwe” sagot ni Danaya.
***
Sa loob ng isang silid dama niya ang kalungkutan at ang kakulangan sa kanyang damdamin. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at humingi ng himala sa kanilang bathala.
Hindi niya alam kung bakit ba siya nakakadama ng sobrang kalungkutan, ngunit nang makita niya ang isang encantado na nakatayo sa likod niya ay pinilit niyang maging matatag na tila ayos ang nadarama.
“Naandito ako upang makiramay” wika ng encantado tinitigan niya ito, ang wangis niya ang pamilyar na tila isa siyang importanteng nilalang. “sino ka?”
“bakit hindi mo itanong sa iyong puso ang tunay kong katauhan mahal ko?” malambing na sagot ng encantado “Wag ka nang umiyak, sapagkat naiintidihan ko. Wala ka sa iyong sarili, kung kaya’t hindi ka dapat matakot. Sapagkat tatanggapin kita ano man ang mangyari” mahabang salaysay ng encantado sa kanya.
“Hindi kita kilala ngunit bakit ganito ang aking nadarama? Bakit tila dahil sa iyong tinuran ay kaya kong limutin ang lahat?” pagtatanong niya dito ngunit nginitian lamang siya nito.
Ang mga ngiti niya, para bang iyon na ang mundo. Ang mukha niyang nagliwanag dahil lamang sa isang simpleng ngiti, Sino nga ba talaga ang encatadong iyon?
Ang asul niyang kasuotan, ay pamilyar sa kanya. hinawakan niya ito, at tila totoo ang pakiramdam niya nang haplusin ang tela nito “Gawin mo ang lahat upang manumbalik ang iyong ala-ala, naghihintay kami sa iyong pagbabalik”
Tinanong niya muli ang pangalan nito “Ang ngalan ko’y azulan” sa salitang iyon ng encantado ay nagising na si Cahira.
Sunod-sunod ang mga panaginip niyang ito, ngunit di tulad ng diwata sa kanyang pangaginip, ang encantado sa kanyang panaginip ay may malinaw na wangis.
“Azulan…” nang sambitin niya ang ngalan na iyon ay tila pamilyar ito sa kanya, hindi lamang sa salita ngunit miski puso niya ay naramdaman na hindi basta-basta ang encantado sa kanyang panaginip.*
*
*
Nagising si Azulan nang may luha sa mga mata. Umupo siya sa kinahihigaan, ipinunas niya sa kanyang mukha ang mga kamay.
“magbalik ka na sa akin mahal kong asawa” tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha lalo na’t nagbalik sa kanyang ulirat ang mukha ni Pirena na nakita niya siya kanyang panaginip.
Ang tingin nitong hindi man lang siya nakilala, ngunit ganon pa man ramdam ni Azulan na nakikilala siya ng puso ng asawa “Intayin mo lamang ako Pirena, pupuntahan kita”.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanficSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...