Kabanata XXXI: Nakaabang na panganib

326 18 0
                                    

"Paano tayo makakalabas dito? eh gawa ito ng isang encantasyon" wika ni Cassandra sa kanyang ashti Serena.

Ang dalawang diwani ay nagpasya na sundan si Pirena sa Hathoria dahil nais nilangf tumulong sa pagliligtas sa mga encantado at dahil narin sa natatakot ang anak para sa kapakanan ng yna "Bakit ba kasi natin kailangan gawin pa ito? Eh kaya naman ni Ila Pirena ang kanyang sarili" wika ni Cassandra.

"Malay mo kailangan ni Yna ng ating tulong. Kahit paslit pa lamang tayo may kaya na tayong itulong" pangungumbinsi ni Serena sa hadia.

Hinawakan ng diwani ng hathoria ang pananggalang "Alam ko na!" tumingin siya sa hadia "Maari nating hukayin ang lupa nang makalagpas tayo"

Lumuhod ang dalawang diwani at nagsimulang maghukay; sa ganoong posisyon sila inabutan nila Pirena.

"At ano sa tingin niyo ang inyong ginagawa?" tanong ni Pirena sa dalawa.

"Mukhang nakataas na naman ang kilay ng iyong yna" bulong ni Cassandra sa ashti, nakatalikod pa ang mga ito sa mga nakakatanda kaya hindi nila nalalaman ang buka ng bibig ng diwani.

"Anong pinagbubulungan niyo?" tanong naman ni Ybrahim.

"Patay" wika ni Cassandra nang marinig ang boses ng ilo. Tumayo na ang dalawang diwani at hinarap ang mga nakakatanda.

Unang lumapat ang tingin nila sa rama ng sapiro na wala man lang emosyon ang mukha, kaya naman kinabahan si Cassandra dahil hindi niya alam kung galit ba ito.

Sumunod ay si Danaya, na umiiling-iling dahil sa pasaway na hadia at apo. At huli si Pirena at magkapulupot ang mga braso at pinanlilisikan sila ng mata "patay" bulong ni serena nang makita ang yna.

"Anong inyong ginagawa dito sa may pananggalang?" tanong ni Danaya.

"Nais lamang naming ito makita ashti" wika ni Serena.

"Yung totoo" kaagad na sabi ni Pirena "Ipinapangako namin na hindi naming kayo bibigyan ng mabigat na kaparusahan sa inyong pagtakas at tangkang paglabas ng lireo ng walang paalam" dagdag ng hara; tumango si Ybrahim at Danaya sa sinambit ng hara.

"Nais po kasi naming na... tulungan kayo ila sa pagsagip sa mga encantado" pag-amin ni Cassandra.

"Bakit niyo naman naisip na kailangan ni Pirena ang inyog tulong?" tanong ni Danaya sa mga diwani.

"Dahil si Yna ang laging inaaway ng ating vedalje" mahinang sagot ni Serena "At ayokong masaktan ka yna" naiiyak na sabi ni Serena "poltre kung muli kaming sumuway sa inyong nais"

Inilapat ni Pirena ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid. Lumapit siya sa mga diwani at tumuwad harapan ng mga ito " Makinig kayo sa akin.Hindi ko kayo papagalitan dahil sa pagtakas na inyong ginawa; dahil batid kong ginawa niyo iyon upang tumulong sa inyong kapwa, sa inyong pamilya.

Ngunit ako ay makikiusap aking mahal na mga diwani. Huwag niyo ilagay ang inyong mga sarili sa peligro sapagkat kayo ay mga paslit palamang, at marami pang kailangan matutunan. Kayo higit sa lahat ang aming nais proteksyunan laban sa ating mga vedelje dahil mahal na mahal naming kayo." sabi ng hara na hinihimas ang pisngi ng mga diwani.

Hinalikan sa noo ni Pirena ang mga anak at apo "Tayo na at magbalik sa Lireo" nakangiting sabi ng hara. Lumapit si Cassandra sa kanyang ilo, at sila ay sabay-sabay nag evictus.

Ang hindi nila alam, nagmamashid pala sa di kalayuan ang mga alagad ni Demiera, at narinig ang dapat gagawin ng mga diwani upang makapasok sa pananggalang.

Kaagad silang umalis upang ibalita ito sa kanilang panginoon.

*

*

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon