Kabanata VII: Pagpapalit Damdamin

421 19 4
                                    

Dahan-dahang pumasok si Serena sa silid ng kanyang mga magulang upang tignan kung naandoon ang kanyang ama. Nais niyang magpaturo dito kung paano makipagdigma nang sa gayon ay maging kasing galing siya ng kanyang yna at apwe.

Nakita niya si Azulan na naghahanda ng kanyang mga kagamitan para sa gagawin nitong paghahanap sa asawa. “Ama” nahihiyang sabi ng diwani “Maari niyo po ba ako turuan makipaglaban?”

“tsaka na Serena, may importante akong dapat asikasuhin” wika ng amang hindi manlamang tumingin sa kausap. Nagpumilit si Serena sa kanyang ama, na ikinainis nito “Maari ba Serena, magbalik ka nalamang sa iyong silid at magbasa ng iyong mga aralin. Pagbalik ko nalamang tayo mag-ensayo. Sige na maari na ka nang lumabas”

Malungkot na lumabas ng kanilang silid ang diwani, at nang sumara ang pinto ng silid, at umiiyak itong tumakbo patungo sa kanyang silid. Takbo lamang ng takbo ang diwani, hindi nito napansin ang kasalubong kung kaya’t ito ay nabangga.

“Poltre” nakayukon siyang humingi ng tawad, iniiwasan niyang makita siya ng encantado na luhaan.

“Anong nangyari sa iyo apwe?” napatingin siya sa nagsalitang encantada at nakita ang kanyang apwe Mira. “Bakit ka umiiyak?” lumuhod si Mira upang magtama ang kanilang mga mata “Sabihin mo sa akin, bakit ka umiiyak?”

“Sa tuwing nag-eensayo kami ni ama, napaka saya niya. Ngunit ngayon ay ayaw niya akong samahan apwe. Nais ko lamang naman na sumaya siya” pag-iyak ng paslit.

Niyakap ni Mira ang kapatid at hinimas-himas ang likod “Marami lamang iniisip ang ado Azulan kung kaya’t ikaw ay kanyang tinangihan. Kaya tahan na mahal kong apwe”

Niyakap lamang ni Serena ang kanyang kapatid at nag-iiyak sa balikat nito. Bumitiw si Mira sa yakap at hinawakan sa magkabilang pisngi ang kapatid “huwag ka nang umiyak Serena, kung iyong nais, maari naman ako ang iyong kasama sa pag-eensayo”

Malungkot na tumago si Serena sa kanyang apwe kung kaya’t sinabi ni mira na wag na itong malungkot sapagkat hindi nanaisin ng kanilang yna na malungkot ang kanyang mukha.

***

“Tanakreshna!” sigaw ni Cahira nang makawala si Galen sa kanyang pagkakahawak. Patuloy ang kanilang pagsasanay, at nakuha na nila ang atensyon ng karamihan sa kuta. “kaunting panahon nalamang at ika’y luluha dahil sa pagkatalo” wika ni Cahira sa binata na tulad niya’y hinahapo narin.

“Para sa isang babae ay napakagaling mo makipagdigma. Yun nga lang ay mas magaling parin kaming mga lalaki” maging ang mga kababaihan sa kuta ay napaimik sa sinabi ni Galen sa kalaban. Sinugod naman siya ni Cahira, ramdam ni Galen ang galit sa bawat pagtatama ng kanilang mga sandata “Tila napipikon ka na sa aking mga sinasabi Cahira?”

“Huminahon ka sa pag galit sa akin Ginoo at baka ito pa ang maging dahilan ng iyong pagkatalo” at doon ay sumugod na ulit si Cahira sa binata. Dapat ay dadalihin ni Galen sa tagiliran si Cahira gamit ang kanyang siko, ngunit naagapan ito ng dalaga. Nahawakan niya ang siko ng kalaban, at saka ito umikot patungo sa likod ni Galen.

Napasigaw sa akin si Galen ngunit bago pa siya makaalis sa posisyong iyon ay itinutok na ni Cahira ang espada sa kanyang leeg. “Huwag na huwag mo kong gagalitin” bulong ni Cahira kay Galen, na ikinangiti ng binata.

“Hindi ka isang reyna na dapat kong sundin” siniko ni Galen sa sikmura si Cahira kaya naman nakawala ito sa pagkakagapos, ngunit mabilis na nakabawi si Cahira dito. patakbo palang palayo si Galen, nang sipain niya ang kaliwang hita nito kaya naman natumba ang binata at tumalsik ang sandata nito. “Pashneya!” wika nalang ng encantado na napadapa sa putik. Lumingon siya sa kalaban at sakto namang tumayo sa ibabaw niya si Cahira at muling itinutok niya ang kanyang espada.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon