Si Adamus at Aria ay nanatili lamang sa kanilang silid kasama si Azulan, kasalukuyang nakasilip sa bintana ang punjabwe at tinitignan ang mga nagaganap.
"Aldo Azulan anong nangyayari?" tulirong tanong ni Aria.
"Hindi mo pa ba batid? Sinusugod ang Lireo" derechong sagot ni Adamus.
Narinig man niya ang sinabi ng mga diwani, ipinagpatuloy ni Azulan ang pagmamatiyag sa bintana, at lumipat sa may pinto.
Ngunit habang siyang palapit sa puntuan ng silid, naramdaman niyang may paparating "Magtago kayo" kaagad na utos niya sa dalawang paslit.
Kaagad naman nagtago sa ilalim ng kama ang magpinsan. Pumuwesto si Azulan at naghanda sa pakikidigma.
Nang magbukas ang pinto si Demiera nga mismo ang tumambad sa kanya "Avisala Rama ng Hathoria" pagbati sa kanya ng sinaunang diwata.
Pinagmasdan siya ni Azulan, tunay ngang kawangis siya ni Cassiopeia, ngunit ang pinagkaiba lamang ay purong puti ang kasuotan niya. At sa wari ni Azulan ay wala itong bitbit na sandata di tulad ni Cassiopeia na may kabilan.
Tinawanan ni Demiera ang itsura ng punjabawe na nakahanda para makipaglaban "At anong gagawin mo sa sandatang hawak mo? Punjabwe pakiusap, wag mo nang pahirapan ang iyong sarili at ibigay mo nalamang sa akin ang aking nais. Nasaan ang mga diwani?"
"Kailan man hindi mo mahahawakan ang mga diwani" at sumugod na nga si Azulan sa diwata.
Akala niya ay gagamitan siya nito ng kapangyarihan ngunit iba ang ginawa nitong paraan upang masalag ang kanyang pagsugod.
Sa isang kisapmata, nagkaroon si Demiera ng isang espadang gawa sa yelo. Ito ay lumabas nalamang sa kanyang palad, at kaagad ginamit upang labanan ang punjabwe.
Sila'y naglaban ni Azulan, "Nasaan ang mga diwani?" paulit niyang tanong kay Azulan habang sinasalag ang espada ng punjabwe.
Hindi balak ni Azulan na sumagot ngunit nakarinig sila ng pigil na iyak, tumingin siya kay Demiera at batid niyang narinig niya ito.
Ngumisi ang diwata at malakas na sinipa sa sikmura si Azulan, dahilan para tumalsik ito. Kumukuha palamang ng bwelo para sumugod muli ang punjabwe nang tamaan siya ng kapangyarihan ni Demiera sa dibdib.
Nakita ng mga diwani mula sa ilalim ng kama ang pagbagsak ng kanilang aldo Azulan. Nakita nilang hindi gumagalaw ang kanilang aldo, kaya lalong natakot si Aria at Adamus sa nakita.
Hindi nagtagal, napansin nila ang pares ng isang botang puti na kumikintab "si Demiera" bulong ni Aria sa pinsan.
Ibinuka ni Adamus ang kanyang palad at tinignan si Aria, nais niyang hawakan ng pinsan ang kamay niya upang sabay silang mag evictus palabas ng silid.
Pagsilip ni Demiera sa ilalim ng kama ay wala na doon ang dalawang diwani at sakto namang pagtindig niya ay dumating si Pirena na nakitang nakahandusay ang asawa.
"Tanakreshna!" sigaw ni Pirena at binato ng bolang apoy ang kalaban. Kaagad naman nag evictus si Demiera upang maiwasan ang pag-atake ni Pirena "Pashneya!" wika nalamang ni Pirena nang makaalis ang kaaway.
Tumakbo siya patungo sa asawa, at lumuhod sa tabi nito "Azulan!" niyugyog niya ang asawa habang paulit-ulit tinatawag ang pangalan nito "Gumising ka mahal ko"
Hinawakan niya ang mukha ni Azulan at laking gulat niya na para bang yelo sa lamig ang punjabwe. Kaagad niya nilabas ang kanyang brilyante at inutusan itong punuin ng init ang katawan ni Azulan.
Hindi nagtagal nagkaroon ng malay ang punjabwe "ang mga diwani" wika nito habang itinuro ang kama. Sinundan ito ni Pirena nang tingin ngunit wala naman siyang nakita iba.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...