Nang magising si Demiera siya ay nasa Isolde na, at may benda ang kanyang mga sugat.
Siya ay nakahiga na sa kanyang silid, dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang higaan at naglakad patungo sa isang lihim na silid.
Ang silid ay nasa likod ng isang pader, iwinagayway niya ang kanyang kamay at ang pader ay nabaak sa gitna. Siya ay naglakad papasok at nang makalagpas siya sa pader ito ay unti-unting nabuo.
"Avisala kaibigan" wika ni Demiera sa malaking hiyas na kanyang kaharap. Hinawakan niya ito at unti-unting gumaling ang kanyang mga sugat.
Naramdaman niya ang pagbabalik ng kanyang lakas at lalo lamang siyang ginanahang pahirapan ang mga encantado lalo na ang mga diwata. Muli siyang tumingin sa hiyas na walang kupas at pinasalamatan ito sa kanyang tulong.
Ang hiyas na walang kupas ay isa sa mga yaman ni Evades na kanyang kinuha bago siya ipatapon sa Isolde. Naisin man ito balikan ng matandang etherian, hindi na nito nagawa.
Sapagkat noong siya ay ikulong, isinumpa ang isla na hindi ito magbubukas sa kahit na sino liban nalamang kung si Evades ay mamatay o bigyan pahintulot ito ng matandang Etherian.
"Mahal na Reyna?" lumingon siya sa pader na kanyang pinasukan. Inilapat niya ang kanyang kamay dito at tila naging kasing linaw ito ng yelo, at kita niya ang nasa kabilang parte nito.
"Mahal na Reyna narito ba kayo?" sigaw muli ni Dilon na pumasok sa kanyang silid. Bagamat kita ni Demiera ang kanyang mashna ay hindi batid ni Dilon na nasa likod ng pader ang kanyang kinikilalang reyna.
Kaagad napatingin ang mashna sa pader nang makarinig na para bang gumuguhong gusali. Kanyang nakita si Demiera na lumalabas mula dito kaya kaagad siya nagbigay pugay.
"Kamusta na ang inyong mga sugat?" tanong niya sa hara.
"Wala ka nang dapat ipag-alala" naglakad siya patungo sa kanayng mesa upang kumuha ng maiinom tumingin siya kay Dilon "Ano't naparito ka?"
"Nakarating sa akin gang balita na nakita na ng mga diwata ang epekto ng taglamig sa tribong inyong ginawang yelo"
Kaagad napangiti si Demiera sa tinuran ng mashna "Kung gayon ihanda mo ang ating hukbo sa digmaan sisimulan ng mga sanggre" muling nagbigay bugay si Dilon at umalis na ng silid.
"Kaunting panahon nalamang at maaangkin mo na ang buong encantadia" wika ni Demiera at muling ininom ang kanyang alak.
***
Nag-uulat si Muros nang lumitaw si Aquil at Danaya sa bulwagan "Hara" nagbigay pugay ang dalawa nang makalapit sa reyna.
"Nasaan si Pirena? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong ni Azulan sa mag-asawa.
Tumingin si Danaya kay Azulan at tsaka naman ibinalik ang atensyon sa kapatid na hara "tama ang ulat ni Aquil hara, iba ang epekto lamig sa labas ng Lireo, nanigas at naging yelo na ang buong tribo na pinakamalapit sa Lireo" napatayo naman si Alena sa tinuran ng kapatid.
"Paano nangyari iyon?" pagtatanong ni Alena dito.
"pakiwari namin ay ang panggalang na ginawa ni Pirena ang nagbigay proteksyon sa Lireo kung kaya't ito ay nanatiling mainit ang klima" panimula ni Aquil.
"Nagpaiwan si Pirena sa tribo upang daluhan ang mga encantadong naging yelo at tignan kung ano pa ang maari pang gawin para sa mga ito" wika ni Danaya.
Bumaba si Alena sa kanyang trono "Aquil maiwan kayo dito nila Muros at Azulan. Protektahan ang Lireo habang wala kami; at ipagbigay alam niyo narin sa mga batang sanggre na wala kami sa palasyo"
"Masusunod hara" nagbigay bugay si Muros sa kanyang reyna.
Naglaho si Alena upang siya ay magpalit ng gayak pandigma, nang muli siyang lumitaw ay suot na niya ang kalasag "Alena, sa tingin ko ay kakailanganin mo ng damit panlamig" wika ni Danaya sa apwe.
Tumingin naman si Alena sa mga dama at inutusang kuhanin ang kanyang balabal.
*
*
*
Ipinaloob ni Pirena sa isang mainit na pananggalang ang buong pamilihan at inutusan ang brilyante ng apoy na bigyan init muli ang mga katawan ng mga encantado.
Sa dami ng mga encantadong nanigas sa lamig, mabagal ang naging proseso nito kaya naman inabutan na nila Danaya at Alena ang kapatid na tinatanggal ang lamig sa katawan ng mga kapwa encantado.
"Buti naman at naandito na kayo" wika ni Pirena nang makita ang mga kapatid "Alena kailangan kong padaluyin mo muli ang dugo ng mga encantado" tumayo sa kanan ni Pirena ang kapatid at inilabas ang brilyante ng tubig.
"Danaya, pagtibayin mo ang kanilang mga ugat at laman" wika ni Pirena. Kaagad naman tumabi sa kaliwa ni Pirena ang bunsong kapatid at sabay-sabay nilang tinanggal ang pagiging yelo ng mga encantado.
Unti-unting nawawala ang pagka yelo ng mga encantado at nagbalik ang init sa kanilang mga katawan. Nagbagsakan ang mga ito sa lupa at lahat ay walang malay.
Naglakad si Danaya sa palibot ng mga encantado sa kanyang kanan at pinakiramdaman ang kanyang brilyante "gumagana ang iyong plano Pirena" tumingin siya sa kanyang kapatid "nararamdaman ng aking brilyante ang kanilang mga puso"
"Avisala eshma sa mga bathala at gumana ito" wika ni Pirena.
Itinanong naman kaagad ni Danaya sa mga kapatid kung paano ang mga encantado gayon kay lamig ng paligid.
"Maari silang manatili sa Lireo pansamantala" wika ni Alena, tinignan ni Alena ang kanyang mga apwe at tinignan kung sang-ayon sila sa kanyang balak.
"Maari nga ay tama ka" wika ni Pirena at tumingin sa kanyang apwe.
Itanaas ni Alena ang kanyang brilyante at lahat sila's naglaho papunta sa Lireo.
Sa kanilang paglitaw sa bukana Ng Lireo, sabay-sabay sinabi ng tatlong Sanggre sa kanilang brilyante na papasukin lahat Ng kanilang Kasama nang sa gayon ay mabigyan tulong Ang mga ito.
"Mga kawal tulungan ninyo kaming ipasok ang mga Encantado" utos ni Danaya sa mga ito.
Isa-isa inaabot nila Alena at Danaya ang mga Encantado sa mga kawal na pawang nasa loob ng pananggalang; habang si Pirena ay pilit pinagtitibay ang pananggalang nilang mga nasa labas ng Lireo, nang hindi muling maging yelo ang mga ito.
Tatlo nalamang ang natitirang Encantado, Kung kaya't nag isa-isa nalang ang mga Sanggre. Pinauna na ni Pirena ang kanyang mga apwe na pumasok sa Lireo.
"Aking brilyante, balutin mo Ng init ang encantada ito hanggat sa makapasok siya sa Lireo" utos ni Pirena sa brilyante ng apoy.
Inalalayan niya ang encantada at ipinulupot ang braso nito sa kanyang balikat. Inaakay niya ito papasok sa pananggalang ng Lireo at nang makapasok na sila ay kaagad siya tinulugan ng mha kawal.
Tulad ng iba dinala ng mga kawal ang mga Encantado sa palasyo at doon sila inintindi ng mga babaylan.
Naiwan naman ang tatlong Sanggre sa may pananggalang ng Lireo at pinagmasdan ang epekto ng nyebe sa ibang parte ng Encantadia.
"Kapag nagpatuloy ang pagbagsak ng yelo ay baka buomg Encantadia na ang manigas sa lamig" wika ni Alena.
Sumangayon naman Ang kanyang mga kapatid sa kanyang sinabi "kailangan natin mapuntuhan Ang iba pang tribo at Kuta sa Encantadia"
"Tayo na" wika ni Pirena at muli silang nagtabi-tabi upang pumunta sa Sapiro.
AN:
poltre guys if late ang update ko...
and medyo maikli than others... but i'll make it up to you guys in the next chaps...
BTW padating na ang bagong yugto ;)
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...