Kabanata XXIV: Ang bihag

398 23 3
                                    


Nagising si Cassiopeia sa loob Ng isang napakadilim na lugar. Hindi niya Alam kung paano siya napunta Doon Kung kaya't inisip niyang mabuti Ang mga naganap.

Mula sa Devas ay kanyang nakita ang isang Encantado na nais gambalain Ang katahimikan bumabalot sa Encantadia.

Kanyang binantayan ang mga galaw Ng Encantado Hanggang sa Alisin nito ang kanyang baluti at Makita Ang kanyang tunay na wangis.

Laking gulat ni Cassiopeia nang Makita na kamukha na kamukha niya ito. Ngunit Ang encantada ay may kapangyarihan Ng lamig na nagdudulot ng nyebe sa lupaing kinalalagyan nito- sa Isla Ng Isolde.

Sinabi niya ito Kay Emre, at tinanong naman Siya ng kapwa bathaluman "Hindi mo ba Siya maalala Mahal ko?"

"Anong ibig mong Sabihin?" Pagtatanong niya.

"Ang ngalan niya ay Demiera, isang encatadang tulad mo ay itinakda baguhin ang kasaysayan Ng Encantadia." Tumingin Lang si Cassiopeia sa kapwa bathaluman "hayaan mo ipaalala ko sa yo ang lahat"

Dahan-dahan idinaan ni Emre sa harapan ni Cassiopeia Ang kanyang nagliliwanag na palad. Pumikit si Cassiopeia at nanumbalik ang mga alaala ng kanyang kapatid na si Demiera.

Halos mapaluha Ang sinaunang diwata sa naalala Ang Kapatid "buhay si Demiera" tinignan muli ni Cassiopeia ang imahe ng kapatid na kanina pa niya pinapanood "Buhay ang aking apwe"

Sinabi ni Cassiopeia na kung maari niyang bisitahin ang kapatid, ngunit pinagbawalan siya ni Emre "Huwag ka munang magpakita sa iyong apwe sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon upang ikaw ay makialam sa nangyayari sa encantadia"

Ang payong iyon ay hindi sinunod ni Cassiopeia kung kaya't siya ay umalis ng devas ng hindi nalalaman ni Emre. Pinuntahan niya sa Isolde si Demiera.

Pagdating niya doon ay kaagad siya pinapasok ng mga kawal nito sa palasyo nang kapatid.

"Kapatid kong Cassiopeia" wika ng kanyang apwe na nakatayo sa may pintuan "Anong iyong nakain at binisita mo ako dito?"

"Totoo ngang buhay ka" wika ni Cassiopeia na hindi makapaniwala na kaharap na niya ngayon ang kanyang apwe. Lumapit sila sa isa't-isa, na halos magharapan sila.

Niyakap ng mahigpit ni Cassiopeia ang kanyang apwe na hindi naman gaano ibinalik ni Demiera "Poltre Demiera aking kapatid; kung ikaw ay aking nalimot..." bumitaw si Cassiopeia sa yakap at hinawakan ang mukha ng apwe.

"Ganoon parin ang iyong itsura, tulad ng huli tayong nagkasama" nakangiting sabi ni Cassiopeia.

"Maging ikaw apwe" ngumit si Demiera "kay tagal kong pinanabikan na ikaw ay makita"

Kakaibang saya naman ang naramdaman ni Cassiopeia sa tinuran ng kapatid. Hinawakan ni Demiera ang kanyang kamay at inimbitahan siyang maupo muna "Halika at ipaghahanda kita ng maiinom"

Habang ipinaghahanda ni Demiera ang apwe ay nagkukwento ito ng mga naganap sa kanya mula nang ikulong siya ni Evades.

"Kay dami mo na palang pinagdaanan" inilapag ni Demiera ang inumin sa harapan ni Cassiopeia at umupo na sa kaharap na upuan ng apwe.

"Siyang tunay Cassiopeia" pinanood ni Demiera na iniinom ng kapatid ang alak "Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang aking kwento apwe..." tumingin si Cassiopeia at inilapag ang baso.

"Ano pa ang mga naganap sa iyo?"

"Noong huli kaming nagkaharap ni Evades, isang propesiya ang sinabi niya sa akin"

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon