Kabanata XXI: Pag-amin

436 17 2
                                    



Masayang ikinuwento ng mga diwani sa kanilang Ashti Pirena ang mga naganap sa kanila habang wala ito.

Ang mga natutunan nila sa kanilang pagsasanay at sa kanilang pag-aaral.

"Kanina habang ako'y naglilibot sa aklatan upang maghanap ng mababasa ay may nakita akong isang libro hindi ko pa nababasa, ngunit sa itsura nito ay luma na" panimula ni Serena.

Itinanong ni Danaya kung anong libro ang sinasabi ng hadia "Isang libro tungkol sa isang mandirigmang diwata noong panahon ng mga sinaunang etherian. Base sa aking mga nabasa na ay kay galing niyang mandirigma" manghang sabi ng diwani.

"Ano naman ang pangalan ng diwatang ito?" tanong ni Alena.

"Isa siyang babae Ashti Hara... ang ngalan niya ay Cahira" biglang nabilaukan si Pirena at halos maibuga naman ni Mira ang iniinom na tubig.

"Isang libro paukol sa diwatang may ngalan na Cahira?" tanong ni Mira sa kapatid.

Tumango si Serena "kung gusto mo apwe ay pagkatapos ko ikaw naman ang magbasa" ngumiti si Mira at tumingin sa kanyang yna na pinupunasan ang amos sa labi.

"Sige apwe"

Nagkatinginan sila Pirena, Mira at Paopao na pare-parehong napangiti. Napansin ito ni Azulan, kaya inilapit niya ang mukha sa tenga ng asawa "Sino si Cahira?"

"Isang malapit na kaibigan?" patanong na sabi ni Pirena "huwag ka mag-alala makikilala mo rin siya" may pagkaseryoso sa boses ni Pirena nang sabihin niya ito.

Ang buong akala ni Azulan na ang sinasabi ni Pirena ay ang libro kaya't tumango nalamang siya sa sinabi ni Pirena.

"oo nga pala ashti!" tumingin ang lahat kay Cassandra "Alam niyo po ba... sinabi nila Ashti Hara na maari na kami magsanay gamit ang aming mga natural na kapangyarihan"

Ngumiti sila Mira at Pirena sa tinuran ng diwani "Kung gayon ay binabati ko kayo" masayang sabi ni Pirena.

"Pagbutihan ninyo ha" sabi ni Mira "Sapagkat malaki ang maitutulong nito upang maipagtanggol niyo ang inyong mga sarili"

"Oo naman Mira!" masayang sabi ni Adamus "Ngayon palamang alam ko nang ikakatuwa ko ang paggamit ng aking kapangyarihan"

Tinitigan ni Alena ang anak, sapagkat napansin niya na medyo may yabang ang naging pahayag nito.

"Hay nako adamus, wag ka pasigurado" natatawang sagot ni Aria

"lalaban kami" sabi naman ni Serena na inilabas ang dila.

Nakita ito ni Adamus at pansin ng lahat na kahit papaano napikon ang munting diwani.

"Wag niyo nga asarin si Adamus... napipikon na yan" pagsasalita naman ni Cassandra na ikinatawa ng lahat.

"Pirena, ipinahanda ko na ang inyong silid dito, nang makapagpahinga ka" wika ni Alena sa apwe

"Avisala Eshma Hara, ngunit napagdesisyunan namin ni Azulan na sa hathoria kami tutuloy ngayon" nirespeto ni Alena ang desisyon ng kanyang kapatid at nang asawa nito.

Dahil alam din naman niya na gusto lamang nila na sila munang apat ang magkakasama, sapagkat matagal din nawala si Pirena.

*

*

*

Matapos ang hapunan ay napagdesisyunan ng pamilya na sa hathoria sila uuwi, sapagkat nais ni Azulan na magkasama-sama muna silang apat.

Sayo ParinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon