"Anong ibig mong sabihin pinaslang ni Demiera ang aking mga anak?!" galit na tanong ni Pirena kay Liway. Pansamantalang umalis si Alipato, sapagkat kinailangan niyang bumalik sa brilyante nang maramdaman niya na may pumasok sa Hathoria; ito ay kanyang tungkulin dahil isa ito sa iniutos ni Pirena noon.
"Limang taon na ang nakakaraan nang umatake si Hara Demiera sa sapiro na siyang kinaroroonan ng mga diwani"
"Bakit nasa Sapiro ang mga diwani?" tanong ni Pirena dito dahil alam niyang mas ligtas ang Hathoria kaysa sa Sapiro sapagkat siya mismo ang nagbigay proteksyon sa kanyang kaharian.
"Hindi ko rin alam hara, pero lubos na ikinalungkot ng lahat nang mamatay maging ang mga diwani. Sila nalamang ang natitirang pag-asa namin noon ngunit maging sila ay nawala"
Tumayo si Pirena at tumalikod kay Liway. Pilit man niya pigilin ang kanyang mga luha, hindi niya magawa "Serena... Mira" mahina niyang sabi habang inaalala ang mukha ng kanyang mga anak.
"Anong ginawa nila Danaya nang mawala ang diwani?"
"Wala hara" humarap ang sanggre sa diwata upang siguraduhin na tama ang kanyang narinig "Wala silang nagawa sapagkat maging sila ay nawala" itinanong ni Pirena kung anong ibig sabihin nitong nawala ang kanyang mga apwe, "may kumalat na balita na namayapa na si Sanggre Alena, dahil napunta na kay Demiera ang brilyante ng tubig na kanyang ginamit upang mas palakasin ang kanyang kapangyarihan. Samantala si Sanggre Danaya naman ay napabalitang ikinulong lang ni Demiera.
Kaya ako namasukan na dama sa palasyo ng hara, upang tignan kung naandoon nga si Sanggre danaya. Ngunit lahat na ata ng piitan ay aking nabisita ngunit wala doon ang iyong kapatid. Marahil ay sa ibang lugar niya ikinulong si saggre danaya; hindi ako naniniwala na tulad ni sanggre alena, ay napaslang na rin ni Demiera ang iyong mga kapatid."
Napuno nang galit si Pirena sa nalaman na pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi niya mapapalagpas ang ginawang ito ni Demiera, sisiguraduhin niyang hindi na magtatagal ang pamumuno nito at mapupunta siya sa Devas.
"Kailangan ko nang mabawi ang aking brilyante" galit na sabi ni Pirena "Kailangan kong makalabas dito sa Lireo" tumingin siya kay Liway, bali-balita lamang kung maituturing ang tungkol kay Danaya, naniniwala si Pirena na buhay pa ang apwe, lalo na't sa mga kwento ni Liway, wala pang nakakakita sa brilyante ng lupa buhat nang mawala ang tagapangalaga nito.
*
*
*
Nagising si Azulan sa loob ng isang di pamilyar na kubol. Pilit niyang inalala kung ano ang naganap noong gabi, inisip niyang mabuti ang mga nagap; hanggang sa kanyang naalala ang ginawang paghalik ni Eara sa kanya.
"gising ka na pala Azulan" napatingin siya sa nagsalita na kapapasok lamang ng kubol
"Eara?!" gulat na sabi ni Azulan. Patayo na sana siya nang maramdaman niyang wala siyang suot. "Anong nangyari?"
"Hindi mo ba naalala?" pinilit alalahanin ni Azulan ang mga naganap noong nakaraang gabi, pero ang tanging naalala niya lamang ay ang paghalik ni Eara at ang kanilang pag-inom matapos noon.
"May nangyari ba sa atin?" tanong ng punajabwe na nagsusuot na ng kanyang saplot. Hindi sumagot si Eara kaya naman nang maisuot niya ang kanyang damit muli niya itong tinanong.
"Oo mayroon" napahinga ng malalim si Azulan, na napahimas sa kanyang ulo "bakit sa iyong itsura ay parang pinagsisisihan mo ang naganap? Hindi ba ginusto mo rin iyon?"
"Mali! Eara mali ang naganap" wika ni Azulan kaya siya nasampal ni Eara.
"Ibinigay ko ang sarili ko sa'yo ng buong-buo Azulan! Sana tumutol ka kagabi bago ang lahat... pero hindi sinamantala mo ang pagkakataon! At bakit mali? Sabihin mo nga sa akin? Bakit mali?!" nang gigigil na wika ni Eara. Hindi nakasagot si Azulan ngunit alam na ni Eara ang iniisip ni Azulan sa mga sandaling iyon "Si pirena. Iniisip mo si Pirena"
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...