Pagdating nila Pirena sa isang tribo malapit sa Hathoria, kanilang nakita na lahat ng mga ito ay ligtas at hindi nanigas sa lamig.
Ikinagulat ito ni Pirena sapagkat nakaligtas ang mga ito sa lamig na bumabalot ngayon sa encantadia.
"Ang reyna!" sigaw ng isang encantadong nakakita sa kanya. Kaagad naman bumaling ang atensyon ng lahat sa kanya at mga kasamang kawal.
Nagbigay pugay ang mga ito at lumapit ang kanilang pinuno sa hara ng hathoria "Mahal na Reyna, ako si Likban ang pinuno ng tribong Buyao" tumango si Pirena sa encantado bilang tanda ng pagkilala dito "ano po ang aming maitutulong sa inyo?" tanong nito.
"Nais kong malamang kung paano kayo nakaligtas sa lamig gayong karamihan ng mga tribong aking nabisita ay nanigas na sa lamig?" pagtataka ni Pirena.
"Dahil sa inyo" nakangiting sambit ng pinuno "kung nanaisin niyo, maari kayong sumama sa akin ng ito ay aking maipakita" tumango si Pirena at sumunod sa encantado.
"Noong nagsimula bumagsak ang klima pinatakbo ko ang aking mga kawal sa Hathoria upang humingi ng tulong, ngunit mayroon na pala itong pananggalang" panimula nito habang sila'y patuloy na naglalakad.
Sa direksyon na kanilang tinatahak, batid ni Pirena na patungo sila sa direksyon ng Hathoria "matagal-tagal din silang nagsisigaw doon upang humingi ng tulong kung kaya't sinundan ko na ang mga ito. Doon namin napagtanto na ang ilang lugar malapit sa pananggalang ay mainit at maari parin tirhan"
Sa paghawi ng encantado sa matatabang baging, kanila nang narating ang panibagong kuta ng mga ito "Andito na tayo Hara" nakita ni Pirena ang pamumuhay nang mga encantadong ito.
Bagamat nakasuot nang panlamig, tuloy ang buhay ng mga encantado dito "si Hara Pirena!" sigaw ng isang encantadang paslit na tumakbo patungo sa harapan ng hara.
Nagbigay pugay ito "ikinagagalak ko pong makita kayo Hara" masayang wika ng paslit. Sa pakiwari ni Pirena ay nasa pitong taon palamang ito, at kasing edad ni Serena.
"Avisala munting encantada" nakangiting bati niya dito. Para naman kinilig ang paslit sa kanyang sinabi.
"ito nga pala si Liway" napatingin si Pirena sa paslit, kanyang naalala si Linay sa paslit na ito. Lubos na niyang pinananabikan na muling makita ang munting kaibigan, ngunit ni hindi niya nga alam kung ano ang nangyari sa diwata.
"Kayo ay lubos na iniidulo nitong si Liway" wika ni Likban "buhat noong nakita niyang ipinagtanggol mo siya at ang kanyang yna sa mga encantadong nais nakawin ang kanilang tinda, lubos siyang humanga sa inyo"
"Kay galing niyo gumamit ng espada! Tapos kay bilis niyo kumilos kung kaya't ni isang vedalje ay walang nagawa sa inyo! Kaya gusto ko din matutong lumaban!" tunay nang humahanga ang paslit kay Pirena.
Lumuhod si Pirena nang sa gayon ay magtama ang kanilang mga mata "Ako'y nagagalak na tulad ng mga sanggre ay nais mo rin matutong gumamit ng sandata... ngunit bakit mo ito pinapangarap?" tanong niya sa paslit.
"Upang ipagtanggol ang aking yna, tulad ng inyong ginawa; at maari din kung may pagkakataon ipagtatanggol ko ang encantadia tulad ng aking aldo"
Hinawakan ni Pirena ang kamay ng paslit "tama ang iyong dahilan upang matuto makipaglaban. Tandaan mo na sa likod ng isang magaling na mandirigma, o isang sanggre ay kanyang ipinaglalaban; ang kanyang paninindigan para sa Encantadia." Nakangiting wika ni Pirena.
"Pinunong Likban" tumingin ang encantado sa nagsalita, habang si Pirena ay tumayo upang harapin ang encantadang nagsalita.
Paglingon pa lamang ni Pirena ay kaagad napatigil ang encantada sa paglalakad at tumitig sa Hara ng Hathoria "Hara" mabilis na nagbigay pugay ang encantada kay Pirena.
BINABASA MO ANG
Sayo Parin
FanfictionSa pagtatapos ng isang kabanata sa mundo ng Encantadia, ay siya namang pagsisimula ng isa. isang kabanata na mapupuno ng digmaan, pagmamahal at Paninindigan. ito ang pagpapatuloy ng kwento ni Sanggre Pirena, Hara ng hathoria at panganay ni Mine-a...